Epilogue

167 5 7
                                    

“Congratulations Kuya Rangell, Ate Seanne!” Masayang bati samin ni Jese Ryl at niyakap pa kaming dalawang ni Roseanne ng mahigpit.

Pareho kaming napangiwi ni Roseanne sa mahigpit na yakap sa'min ni Jese Ryl, mabuti nalang at napansin ni Kade na nahirapan kami sa higpit ng yakap ni Jese kaya naman inawat na niya.

“Babycakes, tama na oy, hindi na halos makahinga sina Kuya.” Saway niya sa fiancé niya.

Kaagad naman na humiwalay si Jese Ryl sa'min at nakangusong nilingon si Kade na nahihiyang napangiti nalang sa'min ni Roseanne.

“Babycakes, eh sa sobrang saya ko lang for them eh,” Ani Jese Ryl at nangunot naman ang noo ko ng bigla siyang lumuha, pareho kaming nagkatinginan ni Roseanne. “Akalain mo 'yon, 'yung tatambay ka lang sana sa balkonahe mo tapos di mo alam na 'yung nakatadhana pala sa'yo ay nasa katapat mo lang na balkonahe. 'Yung pinagko-compare kayo sa TikTok kung sinong mas magaling sa inyo sumayaw pero hindi niyo alam na kayo pala destined for each other... Babycakes, sobra talaga akong masaya for Kuya Rangell and Ate Seanne!”

Napailing-iling nalang ako sa kapatid ko. What's wrong with Jese? Hindi naman siya ganito ka-OA ah.

Inalo naman ni Kade si Jese Ryl at niyakap habang umiiyak pa rin ang kapatid ko. Kita kong malalim na napabuntong hininga si Kade at tumingin sa'min ni Roseanne na nakatingin lang sa kanilang dalawa.

“Mukhang hindi na muna na'tin maitatago sa kanila 'to, Babycakes.” Aniya at nanghihingi ng paumanhin na ngumiti sa'min ng kapatid niya.

Anong hindi na muna maitatago?

“Kuya, Ate, I'm sorry.” Ani ulit Kade at napakunot ulit ang noo ko. “Pero mauuna na muna kaming magkakaanak ni Jese Ryl sa inyo.”

What?! Jese Ryl is pregnant?! My sister is pregnant?!

“Hon? You okay?” Rinig kong bulong sa'kin nang asawa ko sa tabi ko.

Napalingon ako sa kanya at napatitig sa mga mata niyang nagtatanong. Tumango ako bilang sagot sa kanya. I'm just shock and surprise to the news that my only sibling and sister is now a pregnant woman. Parang kahapon lang eh immature pa 'to pero ngayon ay magiging nanay na.

“Congratulations Kade, Jese Ryl. Nakakagulat din para sa'kin ang balitang 'to pero masaya ako para sa inyong dalawa.” Nakangiting sabi ng asawa ko sa dalawa.

6 years had already past since her 18th birthday and that day she said yes to be officially my girlfriend. Naging girlfriend ko siya for almost 6 years and 3 months ago, I proposed to her and she said yes. And now, she officially became Mrs. Roseanne Villa Fuente–Ibasco.

Pagkatapos naming makagraduate sa college na pinasukan namin at nagkaroon ng trabaho ay nagdesisyon kaming hu'wag munang magsettle down at magtrabaho muna para na rin makabawi sa mga magulang namin. Syempre, we did fight sometimes o nagkakatampuhan pero sinisigurado kong maaayos din namin kasi walang perpektong relasyon at hindi kami excepted dun.

*

“Hon, dahan dahan lang sa pagkain, baka mabilaukan ka niyan.” May pag-aalala sa tono kong sabi sa asawa kong ang lakas kumain ng binili kong durian.

Oo at paboritong prutas nga niya ang Durian pero hindi naman siya ganito ka lakas kumain. Puno pa nga 'yung bibig niya pero sige siya subo, naghanda nalang ako ng tubig sa tabi niya kung sakali mang mabilaukan siya.

She ate 3 whole durians in just 1 hour at mas lalo lamang akong nag-alala sa kanya, ayon kasi sa mga naririnig ko ay masama daw kapag sobrang daming kinain na durian. Nakaka highblood daw eh.

“Hon, busog na ako. Ikaw nalang magligpit ng mga 'to, inaantok na ako eh.” Humihikab na aniya at iniwan ako rito sa kusina kasama ang balat ng mga pinagkainan niya.

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon