Roseanne's POV
“Sasali ka sa Dance Contest?” Balik na tanong sa'kin ni Mama matapos kong sabihin sa kanya ang balak kong pagsali.
Tumango ako habang humihigop sa kape ko. “Opo, Ma.”
“Mag sosolo ka?” Si Papa naman.
Alam nilang nagsasayaw talaga ako pero never pa akong sumali sa kahit anong Dance Contest kaya naman inaasahan ko nang magiging ganito ang reaksyon nila. Ito ang unang beses na sasali ako sa isang Dance Contest.
Umiling naman ako. “Hindi po. Partner ko po si Dave Rangell,”
Napatingin sa'kin si Tita Jhessa na mukhang masaya sa narinig samantalang hindi naman makapaniwala sina Mama at Papa dahil siguro ngayon lang nila nalamang sumasayaw din si Dave Rangell.
“Makikita ko na ulit ang anak kong sumayaw,” masayang ani Tita Jhessa.
“Marunong din palang sumayaw si Dave, Jhessa?” Tanong naman ni Mama kay Tita.
Tumango si Tita. “Oo, member 'yan dati nang isang Dance Troupe sa Canada.”
“Eh bakit dati? Umalis siya?” Usisa pa ni Papa. Hindi naman halatang may pagka chismoso si Papa ano?
Ikinwento naman ni Tito David ang nangyari kay Papa dahil magkatabi lang silang nakaupo sa sofa habang nakinig naman sina Mama sa sinasabi ni Tito. At dahil alam ko na naman kung bakit ay nagpaalam na muna akong pupunta kina Kuya sa veranda na nagpapahangin, andun din 'yung triplets at sina Jese Ryl.
Lumapit ako kay Dave Rangell na nakatayo sa gawa sa kahoy na railing dito sa veranda. Tumabi ako sa kanya at napatingin siya sa'kin bago iyon ibinalik sa tinitignan niya.
“May naiisip ka na ba?” Tanong ko at tinignan din ang tinitignan niya.
Tumango lang siya at kinuha ang cellphone tsaka may pinindot doon tapos ay ibinigay niya sa'kin. Pinanood ko naman 'yung video roon at napatango tango ako sa ganda nang choreo. Mahirap 'yung choreo pero madali nalang 'yan pag pinagpraktisan.
“'Wag kang masyadong mag alala, pinag aralan ko na 'yung choreo niyan kagabi. Tuturuan naman kita,” Aniya at tumingin ulit sa'kin.
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. “Memorize mo na ngayon ang buong choreo?”
Mahina lang siya tumango. “Hmm.”
Tang*na, memorize na niya agad samantalang hindi pa ako nagsisimula sa pagpractice. Bakit ba palagi akong pinapahanga nitong si Dave Rangell? Masyado niya akong pinapahanga baka mainlove na ako sa kanya nito.
“Buong gabi mo 'tong pinag aralan kagabi?” Tanong ko. Wala naman siyang eyebag kaya pa'no niya nagawang mamemorize kaagad ang choreo? Fast learner guro 'to.
“I only practice it for 3 hours.” Aniya at napanganga ako sa sinabi niya. Tang*na! Namemorize niya buong choreo for only 3 hours? Eh ang hirap nung choreo may krumping, popping, tutting, at 'yung foot work ang bilis!
Napansin niya siguro ang pagkagulat ko kaya medyo natawa siya. “Don't worry it's not that hard. Tsaka you're Ms. RB my best rival kayang kaya mo rin iyong mamemorize sa loob nang tatlong oras. I'm here naman to teach you too.”
Sabagay, tama naman siya. Pero ewan iniimagine ko palang na tuturuan din niya ako sa choreo feeling ko hindi ko magagawa nang 3 hours kasi baka madistract ako sa kanya! May gusto kaya ako sa kanya at malabong hindi ako madistract sa kanya habang tinuturuan niya ako! Pano ako makakapag focus?! But I'll try to focus.
“Bakit, hmm? Papatalo ba ang isang Ms. RB sa kay RDancer?” Mapaghamong aniya sa'kin.
Syempre, hindi naman nagpapatalo si Ms. RB kaya I accepted his deal. Sana lang talaga magawa kong makapag focus.
*
3 and a half hour kong pinractice ang choreo nang sasayawin namin ni Dave Rangell para sa Dance Contest bukas, mabuti at hindi naman ako masyadong nadistract sa kanya dahil magaling siyang magturo at napakaseryoso. Isang maling galaw ko lang pinupuna na niya kaya ang ending namemorize ko na ang choreo pero sumasakit ang binti at braso ko dahil hindi ako sanay sa ganun kabilis at kakomplekadong choreo. Oo may mga nasayaw na naman akong mga ganito sa Dance Club pero ewan at sumakit talaga ang binti at braso ko pagkatapos nang practice namin.
“Kuhang kuha niyo na 'yung galaw sa video, Kuya Rangell, Ate Seanne.” Napapalakpak na sabi ni Jese Ryl na nanonood samin sa may veranda.
Nasa labas kasi kami nang veranda at dito sa may ilalim nang malaking Narra nagpractice tsaka nakasemento ang parte na 'to nang bakuran ni Lola kaya dito namin napiling magpractice.
“Sure na akong mananalo kayong dalawa,” Nakangiti namang sabi ni Kuya Jace kasama si Ate Cassidy na nanonood din samin. Actually, lahat silang nasa veranda ay pinapanood kami kahit nga si Lola na nagpapahangin ay nakatingin din sa amin.
“Noong kabataan ko pa mahilig din akong sumayaw pero hindi naman ganyan kahirap ang sinasayaw namin noon,” Komento din ni Lola na bakas ang pagkamangha sa sayaw namin.
Feeling ko tuloy nasa Dance Contest na kami at hinuhusgahan na nang mga judges. Pero ang sarap sa pakiramdam na sinusuportahan ka nang pamilya mo sa gusto mong gawin.
“Memorize mo na ang buong choreo,” Sabi ni Dave Rangell sa tabi ko na nakapameywang na at pawisan na din. “Magpahinga na muna tayo. Practice ulit tayo bukas nang umaga kasi gabi pa naman 'yung Dance Contest. ”
Tumango ako at pumasok na sa bahay para maligo dahil naliligo na talaga ako sa sarili kong pawis. Feeling ko nga nangangamoy na rin ako eh.
Matapos kong makapagligo ay pumunta ulit ako nang veranda at hinanap ng mga mata ko si Dave Rangell. Nang makita ko siya ay napalunok ako nang laway ko. Nasa ilalim pa rin siya nang malaking puno nang Narra at nakahiga sa upuang gawa sa kahoy, ang isang braso niya ay nasa ulo niya na parang ginagawa niyang unan samantalang ang isa niyang kamay niya nasa may tiyan niya and gosh he's topless! Idagdag pang medyo pawisan pa siya kaya ang hot niyang tingnan.
“Baka may tumulong laway ha,” Rinig kong sabi ni Kirk at napakapa naman ako sa bibig ko. Narinig kong tumawa 'yung triplets na nakatingin na pala sa'kin, sinamaan ko silang tatlo nang tingin.
“Oh bakit ganyan ka makatingin samin Ate?” Nakangisi pang tanong ni Kier.
“Tigil tigilan niyo ako ha, baka masuntok ko kayong tatlo.” Sabi ko pa.
“Wag Ate. Sige ka, isusumbong ka namin kay Kuya Rangell na pinag nanasaan mo siya.” Nakangisi ding sabi ni Kade.
Nanlaki ang mga mata ko. “Anong pinag nanasaan?! Nakatingin lang pinag nanasaan na agad?! 'Yang bibig mo Kade ah, baka akala mo hindi ko nahahalatang may crush ka kay Jese Ryl ha!”
Siya naman ngayon ang nanlaki ang mga mata at napatingin pa kay Jese Ryl na nakahead phone. Ow natatakot siyang baka narinig ni Jese Ryl huh.
“Sinong may crush sa kapatid ko?” Natigil kami nang marinig ang boses ni Dave Rangell na papalapit sa direksyon namin.
Ngayon mas mukhang natatakot na ang itsura ni Kade. Tss takot ka pala sa Kuya huh.
Ako naman ngayon ang ngumisi. “Silang tatlo daw.”
Sinamaan ako nang tingin nang tatlo. Tumawa lang ako.
Tuluyan nang nakalapit sa'kin si Dave Rangell at nakatingin na sa triplets.
“Hindi pa pwedeng magboyfriend si Jese Ryl.” Iyon lang ang sinabi ni Dave Rangell bago pumasok sa loob nang bahay.
Nang tingnan ko ang mukha ni Kade ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Kawawa naman 'tong kapatid kong 'to, ngayon nga lang nagkacrush hindi naman pwedeng magboyfriend.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Roman pour AdolescentsSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...