Chapter 11

213 8 0
                                    

Roseanne's POV

Recess time, Lunch break at uwian ay hindi ako nagpakita sa mga kapatid ko nauna na rin akong umuwi at nagkulong sa kwarto ko. Hanggang Ngayon kasi eh naiinis pa rin ako sa ginawa nila.

May ginagawa akong assignment nang may kumatok sa pintuan nang kwarto ko. Tumayo ako at pinagbuksan kung sino man 'yon. Pagbukas ko ay bumungad sa'kin ang apat kong kapatid na may kanya-kanyang hawak sa kamay. Si Kuya Jace may hawak na box nang ice cream habang 'yung tatlo ay may mga hawak na baso pero dalawa ang kay Kirk.

"Bakit?" Walang emosyon kong tanong sa kanila.

"Pwede ba kaming pumasok, Ate?" Ani Kier at tumango nalang ako tsaka sila pinapasok.

Bumalik ako sa ginagawa ko at hinayaan nalang silang tatlo sa kung ano ang gusto nilang gawin dito. Maya-maya pa ay naramdaman kong lumapit sa'kin si Kirk at may nilagay na baso sa study table ko, may laman iyong Chocolate Ice Cream na alam nilang paborito kong flavor nang ice cream. Inabot niya ang pink sticky note ko at pentilpen tsaka may sinulat, nang matapos ay idinikit niya iyon sa baso na may lamang ice cream bago bumalik kina Kuya na nasa likuran ko at mukhang andun sa kama ko. Natahimik din sila.

Nang tingnan ko ang sinulat ni Kirk: we're sorry ate ang nakalagay. Hindi ko alam kung bakit pero napayuko nalang ako at naramdaman kong umiiyak na pala ako.

"Umiiyak ba si Ate?" Rinig kong tanong ni Kier.

"Lapitan na ba natin si Ate, Kuya?" Si Kade.

"Sig—" Hindi ko na pinatapos pa si Kuya at dali-dali akong tumayo tsaka niyakap silang apat nang mahigpit.

"Wag niyo nang uulitin 'yun ha," Umiiyak kong sabi sa kanila.

"H-hindi na A-ate," Nahihirapang sagot ni Kier na mukhang di na makahinga dahil sa higpit nang yakap ko sa kanila.

"Pasensya k-kana talaga Seanne." Rinig ko ring sabi ni Kuya Jace na siyang mas naiipit dahil siya 'yung nasa gitna.

*

Kinabukasan, magaan at masaya akong gumising dahil sa kagabing bonding namin ng mga kapatid ko. Napakasaya sa pakiramdam na bati na ulit kaming lima. Kaya naman nakangiti na akong pumasok ngayon sa EHS, naghahum nga ako eh habang nakaupo at hinihintay magstart ang klase.

Lumabas ang ilang kaklase ko sandali para pumuntang canteen dahil nagugutom daw sila at sa'kin ibinilin ang classroom namin. Mahigpit kasing sinabi nang Adviser namin na bantayan ang classroom namin simula noong may isang classroom dito sa EHS ang nanakawan nang Smart TV. At hanggang ngayon ay hindi pa alam kung sino iyon o nahuli man lang.

"Excuse me," Napaangat ang tingin ko sa babaeng nasa pintuan.

Walang emosyon ang mukha niya pero napakaganda niya kahit tanging liptint lang ang makeup na nasa mukha niya. Bumagay rin sa katawan niyang maganda ang hubog ang uniform nang EHS. Ang buhok niyang umaalon pababa sa ibaba nang dibdib niya. Para akong nakakita nang dyosa.

"Y-yes?" Medyo nautal pa ako dahil sa kagandahan niya.

"Is this the section Diamond?" Tanong niya.

"Oo. Ito nga." Sagot ko.

Bigla siyang pumasok at deri-deritsong umupo sa katabi kong upuan. Nabigla ako doon.

"Tell me, are you friends with Reeve Sebastian Vallejo?" Tanong niya na inilapit pa ang mukha sa'kin.

Dahan-dahan naman akong tumango sa kanya at idinestansya agad niya ang mukha sa'kin nang mapansin na uncomfy ako sa ginagawa niya.

"Let's make a deal then, and you can't say no." Aniya sa'kin kaya hindi agad ako nakapagsalita.

"A-anong deal?" Medyo natakot ako sa sasabihin niyang deal.

Ngumisi siya sa'kin. "Bantayan mo para sa'kin si Reeve and make sure na walang ibang babae ang didikit sa kanya. Ofcourse, except you, me, and Cassidy."

Teka, siya ba 'yung sinasabi ni Ate Cassidy na possessive fiance ni Reeve? First time kong makita siya.

"Wait. I should ask you this," Bigla niya akong tinaasan nang kilay. "Wala ka namang gusto kay Reeve, hindi ba?"

Agad-agad akong umiling sa kanya. "Hala. Wala ah!"

Ngumiti naman siya ngayon sa'kin at biglang kinuha ang isang kamay ko para isharehands.

"Then, we're good. Don't tell anyone about this deal or else... By the way, I'm Hennessey but just call me Nessey." Aniya.

"Roseanne. Seanne for short."
Pakilala ko rin.

"That's all what I want to say Seanne. I'll go now. Don't forget our deal. See you around." Aniya bago lumabas nang classroom.

Kakalabas pa lang ni Nessey ay siya namang dating ni Dave Rangell na kunot ang noo.

"What deal that girl is talking about, Seanne?" Tanong niya nang makaupo.

Sheyt... Narinig niya?

"Uhm... Wala." Halata talagang hindi ako magaling magsinungaling.

"Okay." Mabuti nalang naniwala siya.

"Ahm, ano pala Dave Rangell, okay lang ba sayo na iadd kita sa Group Chat nang Dance Troupe? Para naman updated ka sa announcements ni Ma'am Galvez." Tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Yeah, sure." Sagot niya at kinuha ko naman ang cellphone ko para iadd siya sa GC. Narinig kong nagnotif sa kanya ang cellphone niya na kinuha naman niya. Nakita kong nagtype siya nang message ngunit hindi konakita kong kanino.

Maya-maya ay biglang nagnotif ang cellphone ko na may new message, at nang tingnan ko kung kanino galing ay kay Dave Rangell! Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakaheadset na at nasa labas ang tingin ngunit 'yung tainga niya ay sobrang pula. May lagnat ba siya?

Dave Rangell Ibasco:
Thanks Seanne.

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon