Chapter 17

185 9 0
                                    

Roseanne's POV

Natahimik kaming dalawa ni Dave Rangell matapos kong sabihin na nag-aalala kami sa kanya. Nabanggit kasi ni Tita Jhessa nuong isang araw na bumisita siya sa bahay na nag-aalala daw siya kay Dave Rangell dahil palagi nalang daw itong nagkukulong sa kanyang kwarto at kapag kakain na sila ay doon pa lamang daw siya lalabas ng kwarto niya. Pero hindi ko maiwasang macurious nuong may binanggit si Tita na baka raw sinisisi pa rin ni Dave Rangell ang sarili sa nangyari 2 months ago, iyon lamang ang narinig ko kay  Tita Jhessa nun dahil bigla akong tinawag ni Kier na magpapatulong sa assignment niya. Pero ano nga kaya ang nangyari kay Dave Rangell nun?

''Dahil ba 'to sa nangyari  sayo 2 months ago?'' Lakas ang loob na tanong ko sa kanya.

Biglang napakunot ang noo ni Dave Rangell sa tanong ko. ‘‘Saan mo nalaman 'yan?’’

‘‘Narinig ko lang kay Tita Jhessa nuong isang araw—’’ Pinutol niya ako.

‘‘Ano pang narinig mo? ’’ Seryosong aniya.

Umiling naman ako. ‘‘Wala na, iyon lang.’’

Bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila sa kung saan. Napapatingin pa ang ilang estudyante samin lalo na sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. Hayst... magiging talk of the school na naman 'to mamaya o bukas.

‘‘T-teka... saan mo ba ako dadalhin, Dave Rangell?’’ Tanong ko pa pero hindi niya ako sinagot.

Iyon pala eh dinala niya ako sa garden nang EHS na wala masyadong mga estudyante. Ano naman kaya gagawin namin?

‘‘Bakit mo'ko dinala dito?’’ Tanong ko ulit.

Umupo siya sa bleacher tsaka niya ako nilingon at sinenyasan na maupo rin sa tabi niya na ginawa ko naman. At sa nakikita ko ngayon sa kanya ay wala na 'yung masungit at cold na Dave Rangell, napalitan na ngayon ng malungkot na Dave Rangell.

‘‘Tinanong mo kanina kung anong problema ko, diba? At kung bakit nagiging distant at cold ako sa inyo ni Reeve, diba?’’ Panimula niya na nakatingin sa malayo habang ako ay nakatingin sa kanya. ‘‘Iisip mo sigurong ambabaw nang dahilan ko pero iyon ang totoo. ’’

Hindi nalang ako nagsalita at nakinig nalang sa sasabihin niya. Malapit na matapos lunch break namin pero wala na akong pakialam. Gusto ko nalang makinig sa kanya.

Third Person's POV

2 months ago...

Masayang nagcelebrate ang mga myembro nang Dance Group na Ace Dancers sa kanilang pagkapanalo sa isang Dance Competition. Kahit ang ilan sa kanila ay mga underage pa lamang at bawal pang uminom ay ipinagsawalang bahala na lamang nila dahil minsan lang naman daw ito.

‘‘You did a great job earlier Dave! You're so badass in the Dance break part!’’ Komento nang leader at choreographer ng grupo na si Ethan.

Napatawa nalang si Dave Rangell sa komento ni Ethan. ‘‘Nah. It's all because of you Ethan. You're the best leader and choreographer. ’’

‘‘Well, cheers!’’ Sabi ni Ethan at pinagbangga nila ang mga hawak na bote ng beer.

Sa kabilang banda naman ay hindi napansin ng ilang myembro nang Ace Dancers ang isa nilang kagrupo na si Liam na patagong lumabas kasama si Nathalie. Makasintahan silang dalawa ngunit dahil magkaaway ang mga pamilya sa negosyo ay pinili nilang itago ang relasyon.

‘‘Good thing they're busy chitchating with each other,’’ Sabi ni Liam sa girlfriend at niyakap kaagad ito.

‘‘But Babe, I'm still guilty that we have to use Dave so that our families wouldn't suspicious to us.’’ Nakangusong sabi ni Nathalie na niyakap rin ang boyfriend.

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon