Dave Rangell's POV
“Rangell, may tanong ako sayo.” Rinig kong sabi ni Reeve at tumango naman ako habang kumakain ng sandwich. “Anong type mo sa isang babae?”
Napakunot ang noo ko. “Bakit mo natanong?”
Nagkibit balikat siya. “Wala lang, gusto ko lang malaman dahil ang daming babaeng nagpapansin sayo pero ni isa wala kang pinansin.”
Natawa ako ng mahina. “Kasi hinihintay kong mapansin ako nang babaeng nagugustuhan ko.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Napatawa ulit ako ng mahina sa reaksyon niya.
“Who's that lucky girl, Rangell? Share mo naman.” Aniya na binangga pa nang mahina ang braso ko.
Pinagkibit kalikat ko lang ang tanong niya dahil ang totoo ay ayaw kong sabihin sa kanya. Baka ipagkalat niya at umabot sa 'kanya' eh di ko na alam kung paano siya haharapin. Kaya mas mabuting sarilihin ko na muna 'tong pagkagusto ko sa kanya.
Kelan ko na realize na may gusto na talaga ako sa kanya? Well, it is on Sunday when our both families attended the Mass. The Priest talk about affection and he mentioned something that I can't remember what exactly it is that make me realize what I truly feel towards Roseanne.
“Malihim ka talaga, Rangell.” Sambit pa ni Reeve at sumipsip na lamang sa juice niya.
Tumingin ako sa wrist watch ko at tumayo nang makita kung anong oras na. May practice pa kami ngayong hapon 'til 5:30pm.
“Oy, saan ka pupunta?” Sigaw pa ni Reeve.
“May practice kami.” sigaw ko pabalik.
“Hintay! Manunuod ako!” Aniya at nagmadaling humabol sa'kin.
Pagkarating ko sa court kung saan kami nagpapractice ay kaagad hinanap ng mga mata ko si Roseanne na nakita kong nakikipag-usap sa isang lalaking ngayon ko pa nakita.
“Si President Rayver Sarmiento 'yun ah. Anong ginagawa nun dito?” Rinig kong sabi ni Reeve sa tabi ko.
“President?” Banggit ko pa.
Tumango siya. “Yup. Siya ang SSG President nang EHS na kaibigan ni Jace at alam mo, dating na rumour 'yang si Rayver at Roseanne na mag-on sa EHS Datings dahil palagi silang magkasama.”
Kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya. At dumiin ang tingin ko sa nag-uusap na si Roseanne at Rayver. Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong nakita si Nathalie at Liam sa kanila kaya pinikit ko ang mga mata ko at pagbukas ko ay si Roseanne at 'yung Rayver na ulit ang nakikita ko. Anong nangyayari sakin?
“Ayos ka lang, Rangell?” Dinig kong tanong ni Reeve nang siguro ay mapansin ang pagpikit ko.
Tumango ako. “Oo, ayos lang ako. Siguro ay hindi muna ako magpapractice, pakisabi nalang kay Roseanne.”
Naguguluhan niya akong tinignan pero tumalikod na ako at naglakad paalis. Akala ko na ayos na ako at nakamove on na sa nangyaring trahedya na iyon? Pero bakit parang hindi pa? Bakit nakikita ko kay Roseanne at Rayver sina Nathalie at Liam? Mauulit ba ang nangyari noon? Pero iba si Roseanne kay Nathalie hindi sila parehas. Bakit ba ako natatakot? Nakaraan na iyon I should focus on my present like what Roseanne had said to me.
*
'Dave Rangell, asan kana magsisimula na tayo sa practice.'
'Bakit hindi ka magpapractice? ”
’May nangyari ba?'
Iniwan ko lang na seen ang mga messages sakin ni Roseanne. Hindi ko na lang siya nireplyan at hinayaan siyang magmessage nang sunod-sunod.
“Anak, kanina pa tunog tunog 'yang cellphone mo.” Sabi ni Mommy na nagluluto sa kusina.
“Don't mind it Mom.” Sagot ko naman at nilipat ang channel ng TV.
“Is that Roseanne?” Rinig ko pang tanong ni Mommy.
Tumango lang ako bilang sagot.
“Bakit di mo replayan? Baka important.” Ani pa ni Mommy.
“It's not important Mom.” Sagot ko.
Natahimik si Mommy at maya-maya pa ay naramdaman ko siyang tumabi sakin. Mukhang nahalata niyang may problema ako.
“Rangell, I'm your Mom. I know you have a problem. Spill it. Mommy will listen.” Nakangiting sabi ni Mommy.
Wala naman akong dahilan para hindi magsabi kay Mommy. Noon pa man ay ganito na siya sakin kapag nahahalata niyang may problema ako o may iniisip. Kaya naman sinabi ko kay Mommy ang nangyari kanina. Matapos kong masabi kay Mommy ang nangyari kanina ay napangiti siya sakin na parang naiiyak na.
Syempre, nagtaka ako sa reaction ni Mommy. “Okay ka lang, Mom?”
Tumango naman si Mommy. “Ayos lang ako, anak. Its just that, you're really a grown up now. You like someone and now experiencing jealousy. But, anak, if you really like Roseanne you should confess to her and ask to court her. Malay mo the feeling is mutual. Para hindi ka rin maunahan ng iba.”
This is what I like about Mommy she's very supportive to me.
Napayuko ako. “I'm scared Mom. Paano kung—”
“Anak, ganyan talaga. Kailangan nating harapin ang takot natin minsan. Kailangan nating sumugal upang mawala ang takot na iyon.” Putol pa ni Mommy sa sasabihin ko.
Iniangat ko ulit ang paningin kay Mommy. “Then, Mom, should I confess to Roseanne?”
“If that's what your heart and mind want, then, go, confess to her. But whatever her answer is, respect it. Okay?” Matapos sabihin iyon ay niyakap ako ni Mommy tsaka hinalikan ang noo ko bago bumalik sa pagluluto sa kusina.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...