Chapter 27

153 9 1
                                    

Roseanne's POV

Buong klase tahimik lang ako at hindi pinapansin ang usapan nina Dave Rangell, Reeve, at itong bago naming kaklase na si Astrid. Nakalimutan na ata nung dalawa na andito ako at hindi nagsasalita. Psh. Mukha ba akong invinsible rito sa kanila?!

Lunch break na kaya tumayo ako nang tahimik tsaka lumabas. Dumiretso ako sa cafeteria at hinanap sila Kirk na nakita kong kumakain na kasama nila si Jese Ryl na nasa tabi ni Kade. Pumunta ako sa kanila at padabog na naupo sa bakanteng upuan.

“Ate, hindi mo ata kasama sina Kuya Reeve at Kuya Rangell?” Tanong ni Kier sakin nang makita ako.

Walang emosyon ko siyang sinagot. “Hayaan mo ang mga iyon. Hindi ko naman sila mga bodyguard para sundan at bantayan ako, hindi ba?”

Nagkatinginan sila dahil sa sinagot ko na para bang  may mali sa sinabi ko. Bahala sila sa kung anong gusto nilang isipin. Tahimik nalang akong kumain habang nag-uusap-usap sila at nang matapos ako ay nagpaalam na ako sa kanila. Pumunta muna ako sa CR na pangbabae para makapagbihis dahil magpapractice ulit kami at sa biyernes na ang intrams kaya naman talagang naghanda ang bawat grades para manalo sa mga activities na inihanda. Speaking of activities ay mukhang busy'ng busy ngayon ang SSG Officers  hindi ko pa nakikita si Rayver ngayong araw eh kaya mukhang busy talaga sila ngayon para sa intrams.

Nang makarating ako sa Dance Studio nang School ay wala pa ang iilang members kaya umupo muna ako sa sahig na nakaindian seat at nagscroll sa TikTok account ko. Habang hinihintay ang ibang members na dumating ay gumawa ulit ako nang Dance Cover, dalawa ang ginawa ko dahil pareho itong request ng mga followers ko. Hindi naman ako nahirapan sa choreo kaya madali ko lang nakuha. Shinoot ko agad iyon at pinost. Sinigurado ko ring may takip ang mukha ko sa videos para walang makaalam sa tunay na identidad ko. Mahirap na dahil kilalang kilala ang TikTok account ko at maraming gustong malaman sino ba talaga si Ms.RB sa personal.

“Ikaw pa lang, Roseanne? ” Halos mapatalon ako sa gulat nang narinig ang boses ni Dave Rangell sa likuran ko. Ni wala akong narinig na yabag ng paa niya! Napansin niyang nagulat ako sa biglaang sulpot niya kaya medyo natawa siya ng kaunti. “Sorry.”

“Hinihintay ko na nga lang sila eh,” Sagot ko.

Tumabi siya nang upo sakin at nag indian seat rin. Nakaitim siyang jogging pants gaya ko at nakasandong puti sa pang itaas kaya naman kitang kita ko ang biceps niyang nakakahalina. Ano na naman pinag-iisip ko?! Tumahimik kami nang ilang sandali at nakatingin lang sa mga cellphone namin nang napansin kong napapatingin siya sakin na para bang may inaalam na kung ano.

“Okay ka lang?” Tanong ko pa.

Napatingin siya sakin nang seryoso tsaka bumalik ulit sa cellphone niya. Ano bang ginagawa niya? Maya-maya pa ay bigla siyang nakangiting umiling-iling. Napansin niyang takang-taka ako sa inakto niya at magsasalita na sana siya nang biglang pumasok ang mga members nang Dance Club. Napatigil pa nga sila sa pinag-uusapan nang makita kami ni Dave Rangell na parehong nakaindian seat sa sahig.

“Good afternoon po, Ate Seanne, Kuya Rangell. ” Anila at umupo rin sa sahig ngunit doon sila sa sulok pumwesto.

Napabaling ulit ako kay Dave Rangell. Hinihintay siyang magsalita ngunit wala na ata siyang planong magsalita dahil panay ang iling niya habang nakangiti sa cellphone niya. Nanonood ata 'to nang nakakatawang videos kaya siya ganyan, hindi ko rin naman marinig ang pinapanood niya dahil naka earpods siya.

Nang makarating na ang lahat nang members ay sinimulan na namin ang practice. Madali lang nila natutunan ang steps na ginawa namin kaya hindi na kami nahirapan pa at malaking tulong na andito si Dave Rangell na isang dating myembro nang Ace Dancers sa Canada though nakakalungkot na nagkawatak watak sila dahil sa nangyari.

“Water Break na muna tayo, guys.” Sabi ko sa lahat at nagsialis muna sila para bumili nang tubig sa canteen.

Umupo ulit ako sa sahig at nag indian seat tsaka uminom sa tumbler ko. Tumabi ulit nang upo sakin si Dave Rangell at nag indian seat rin.

“So, you're Ms.RB huh?” Aniya bigla at naibuga ko ang iniinom kong tubig. Tumawa siya at pinahidan ang mukha gamit ang isang kamay niya dahil naibuga ko ang tubig sa mismong mukha niya pero mukhang wala siyang pakialam!

“A-anong...” Nabitin ang sasabihin ko sa isa pa niyang sinabi na siyang mas ikinagulat ko.

“Hi Ms.RB. I'm RDancer. It's my pleasure to finally know you behind those amazing moves.”

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon