Roseanne's POV
Anong klaseng panaginip 'yun?! Bakit nagkiss kami ni Dave Rangell?! Tsaka fudge!Kinasal daw kami dyan sa simbahan! Shocks! Bakit ko iyon napanaginipan? Pero sabi naman nila karaniwang kabaliktaran ang nasa panaginip sa realidad. Argh!
Tinapik-tapik ko ang magkabila kong pisngi na ramdam ko ang pag-iinit dahil sa panaginip na yun. Mukhang hindi ako makakamove on sa panaginip na 'yon. Fudge!
“Oh, bakit pulang-pula 'yang mukha mo Seanne? Napaka-aga pa.” Pansin sa'kin ni Mama pagkababa ko galing kwarto.
Kinapa ko naman ang magkabilang pisngi na hanggang ngayon ay mainit pa dahil sa napanaginipan ko.
“Uhm... Wala po 'to Ma.” Sagot ko at naupo sa upuan ko, nakahain na kasi ang agahan.
“Siya nga pala, anak, diligan mo 'young mga bulaklak natin sa labas. May pupuntahan kasi kami nang Papa mo,” Bilin pa ni Mama na tinanguan ko lang dahil kumakain na ako. “Baka mamayang hapon pa kami makakauwi at magluto ka nalang ng tanghalian at hapunan niyo mamaya.”
“Sige, Ma.” Sagot ko nang malunok ang nginunguya. “Nasan pala sila Kuya?”
“Ang Kuya mo maagang umalis may gagawin daw silang group project at 'yung triplets tulog pa dahil mukhang napuyat kakacellphone.” Ani pa ni Mama.
Tinapos ko nalang ang pagkain ko bago bumalik sa kwarto ko para maligo. Nang makapagbihis na ako suot ang isang shorts at T-shirt na itim ay ginawa ko naman ang palaging routine ko pagkatapos makapagbihis. Nang matapos ay bumaba na ako para diligan ang mga halaman ni Mama sa labas ng bahay.
Mahilig si Mama sa mga bulaklak at parang mas anak pa nga niya ang mga 'to eh kesa samin kasi mas inaalagaan pa niya. Iba't iba ang mga bulaklak na andito sa harapan ng bahay namin na ang iba ay galing pa kay Lola doon sa probinsya nila, may orchids, iba't ibang uri ng rosas at marami pa na di ko na alam kung anong pangalan.
Habang nagdidilig ay nakahead set ako na connected sa cellphone ko para kahit nagdidilig ako ay may pinapakinggan akong music. Naging hubby ko na rin kasi ang ganito kapag nagdidilig ng mga halaman ni Mama.
Nang madiligan ko na lahat sa may harap ng bahay ay binaba ko muna ang hawak kong hose dahil tataliin ko pa sana ang buhok ko bago diligan 'yung sa likod, napahinto ako sa pagtatali sana ng buhok ko nang matanggal ang isang head set ko sa kaliwang tainga ko at napatigil ako ng marinig ang parehong kanta na pinatugtog ko sa head set ko sa may likuran ko sa may likuran ko. Kaya naman napalingon ako roon at nakita ang topless na Dave Rangell na naglilinis nang kotse sa tirik na tirik na araw, pawisan pa siya kaya naman hindi ko maiwasang manuyot ang lalamunan. Naalala ko tuloy 'yung unang pagkikita namin sa mga balkonahe ng kwarto namin na nakatopless din siya pero madilim nun eh kaya di ko makita kung mayroon ba o wala pero ngayong sikat na sikat ang araw ay nakikita ko na talaga ng malinaw, mayroon siyang muscles at ang ganda nang buhog ng katawan niya idagdag pang mas malinaw ko nang nakikita ang 6 pack abs niya! Napakainit naman.
“Ate, tutulo na laway mo!” Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Kade sa tabi ko at muntik pa akong sumigaw sa gulat.
“Ano ba, Kade!” Singhal ko sa kanya.
Tumawa lang siya. “Type mo na si Kuya Rangell, Ate?Kunti nalang eh maglalaway kana dyan sa kinatatayuan mo. Ganda ba nang view?”
Tinignan ko siya nang masama. Hilig talaga nitong asarin ako.
“Roseanne. Kade.” Napahinto kami ni Kade at napalingon ulit kay Dave Rangell na papalapit na sa amin.
“Ate, kalma lang ha.” Bulong pa sakin ni Kade na siniko ko naman ng mahina at umarte pa siyang nasaktan sa ginawa ko.
“Oh, anong nangyari sayo Kade?” Tanong ni Dave Rangell nang makalapit at mapansin si Kade.
“Wala Kuya.” Sagot naman ni Kade na tinaasan ko nang kilay.
Napatingin sakin si Dave Rangell at hindi ko naman maiwasang mamula sa titig niya sakin kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.
“Tinatawag kita kanina Seanne pero mukhang hindi mo ako naririnig ,” aniya sakin.
“Talaga? Sorry nakahead set kasi ako eh.” Sagot ko na iniiwasan ang makipag eye to eye contact sa kanya. Sa tabi ko naman ay naririnig ko ang mahihinang pagtawa ni Kade dahil sa ginagawa ko.
“Siya nga pala, ang- update si Ma'am Galvez na magpeperform daw tayo ngayong darating na Intrams.” Pag iiba ko pa nang usapan kasi naaawkward talaga ako sa atmosphere sa pagitan namin dagdag pang inaasar ako ni Kade.
“Yeah, nabasa ko nga kanina. This Monday we will have a meeting to discuss about it.” Anita at tumango naman ako.
“Kuya Rangell, kaninong kotse 'yang nililinis mo? Sayo ba 'yan?” Singit pa ni Kade.
Napalingon naman si Dave Rangell sa nililinisang kotse. “Oo, sakin yan pero dahil underage pa ako bawal ko munang gamitin kaya ayan sa pagkatambak sa grahe marami nang alikabok kaya nilinis ko.”
Biglanf lumiwanag ang mukha ni Kade nang narinig iyon. “Cool. Makabili nga rin nang ganyan kapag sumakto na 'yung ipon ko.”
“Weh? Nag iipon ka Kade? Ilan na laman nun?” Usisa ko pa.
“Wag mo munang tanungin Ate.” Nahihiyang aniya tsaka napabaling ulit kay Dave Rangell. “Kuya, sama ka sakin mamaya sa plaza? Wala ka naman sigurong gagawin mamaya diba?”
Tumango naman si Dave Rangell. “Sige. Text mo nalang ako kapag pupunta ba tayo doon. Tapusin ko na muna ang ginagawa ko.” Paalam niya samin na nginitian pa ako na mas lalo kong ikinapula.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...