Chapter 47

131 5 0
                                    

Roseanne's POV

“I'm so sorry, anak.” Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko sa binitawang salita ni Shun Villafuente na siyang totoo kong tatay.

Andito kami ngayon sa mansion niya rito sa Estellan. Ipinasundo niya ako kay Kuya Raj na adoptive son at kanang kamay niya. Nasa kwarto niya kami ngayon, nakahiga siya sa kama niya at hinang hina.

Ayos na po iyon, D-daddy.” Nginitian ko pa siya at kahit nanghihina ay inabot niya ang kamay kong nasa kama niya at hinawakan iyon ng mahigpit na para bang anumang oras ay mawawala ako rito ngayon.

“You really look like your Mama Tanya,” Aniya sa akin habang nakatigtig ng mabuti sa mukha ko.

Napag-alaman ko kay Kuya Raj na may sakit si Daddy Shun sa puso at kailangan niyang magpa heart transplant sa Japan kung saan ay nakahanap sila ng donor. Mamayang madaling araw ang flight namin papuntang Japan kaya nagpahatid ulit ako kay Kuya Raj sa bahay namin para makapagpaalam kila Mama na sasamahan si Daddy Shun sa Japan at makapagpaalam na rin kay Dave Rangell.

“T-then, I'll wait for you, Roseanne.”

“T-then, I'll wait for you, Roseanne.”

T-then, I'll wait for you, Roseanne.”

That's what he told me that night before I bid my goodbye to him. It's been 2 years and yeah, many things has change.

“Are you ready, anak?” Napatingin ako kay Daddy na siyang nagbukas ng pintuan kung saan ako nakaupo.

He's wearing a black coat and he's hair is a bit gray now. He's getting old.

Inabot ko ang nakalahad na kamay ni Daddy at tuluyan na akong lumabas ng kotse namin kung saan kami sumakay pauwi sa mansion niya rito sa Estellan.

Naka-angkla ang isang braso ko kay Daddy habang papasok kami ng malaking pinto at sinalubong kami ng mga maids na mukhang masayang nakauwi na kami sa wakas at ayos na ulit ang Master nila.

“Miss Seanne, kayo na po ba iyan?” Manghang tanong sa'kin ng isang maid at tumango naman ako habang nakangiti.

“Napaka ganda mo naman po masyado! Parang iyong sa pang universe na ganda!” Komento naman ng isa pa.

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon