Chapter 28

143 7 0
                                    

Roseanne's POV

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Paano niya nalaman? Matagal na ba niyang alam? And what? Siya rin si RDancer?

“P-paano mo nalaman...”Halos pabulong kong sabi pero narinig pa rin niya.

Ngumisi siya sakin at itinukod ang parehong mga kamay sa likod niya upang suportahan ang katawan. “I saw the video posted by Ms. RB. The background is very familiar and when I saw you wearing the same outfit that Ms. RB wearing, naghinala na ako. And your username too, it was your names initial letter. Then, that confirmed all.”

Napangiwi ako. Napansin niya lahat nang yun? Mala-detective din pala 'to.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala na akong takas eh, alam na niya. “Oo na, ako nga si Ms. RB and please, sating dalawa lang 'tong nalaman mo. Ayaw kong maging instant celebrity.”

“So as me. Don't worry you're secret is safe with me.” aniya.

“Pero, ikaw talaga si RDancer?” Hindi makapaniwala kong tanong.

Tumango siya. “Yeah. And just like you, ayaw ko ring maging instant celebrity. Kaya hindi ko rin pinapakita ang mukha ko sa videos ko.”

“Pero isang kilalang young vlogger ang kapatid mo at nagiging instant celebrity kana lalo pa't sobrang gwapo mo—” Napatigil ako sa sasabihin nang makita ang nakangisi niyang mukha. May nasabi ba akong nakakatawa?

Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagngisi tsaka tumaas ang isang kilay niya. “Sobrang gwapo ko pala?”

Kahit naweweirduhan sa kanya ay sinagot ko siya. “Oo—”

“So you find me as ' sobrang gwapo'?” Putol niya sakin and then smirk.

Napakunot ang noo ko. “Oo? Kasi totoo naman eh. Sobrang gwapo mo.”

Napatawa siya nang malakas dahilan upang mapatingin ang ilang membro ng Dance Club samin. Ano ba kasing nakakatawa roon at tumawa siya nang malakas?

Iniisip ko ang mga sinabi ko at nanlaki ang mga mata ko nang maralize iyon. Sinabi ko bang Sobrang Gwapo niya sa paningin ko?! Kaya pala ganun ang reaksyon niya! Naramdaman ko kaagad ang pamumula ng magkabila kong pisngi.

Medyo tumigil na siya sa pagtawa at maluha-luhang tumingin sakin. Napaiwas naman ako dahil ramdam ko pa rin ang pamumula ng mukha ko.

“You're blushing.” aniya nang mapansin.

Sinamaan ko siya ng tingin na ikinangiti niya. Ano bang problema nito at mukhang aliw na aliw sakin? Wala naman sigurong nakakatawa sa mukha ko hindi ba?

Tumayo nalang ako at tinawag na ang members para i-continue ang practice samantalang hindi na maalis ang titig sakin ni Dave Rangell at naramdaman ko ulit ang pagbilis ng tibok nang puso ko.

*
Unknown Number: 

Hi Seanne! I just want to say good bye and thank you. I'm calling our deal off cause I'm going to study abroad. But don't worry, I'll be back after college. I'm gonna miss you. Good bye!

Napahinto ako sa paglalakad nang mabasa ang text ni Hennessey. Hindi ko pa pala naseset name niya sa contact ko. Ilang linggo ko siyang hindi nakita rito sa school ah tapos ngayon biglang nagpapaalam? Ano kayang nangyari?

Yes, maiksing panahon lamang iyong pinagsamahan namin ni Hennessey pero tinuring ko rin naman siyang totoong kaibigan.

Nagtype agad ako nang reply sa kanya.

Roseanne:

Saan ka namang bansa mag-aaral? Tsaka saan ka ba nanggaling ang tagal mong hindi nagparamdam.

Hinintay ko siyang magreply pero dumaan ang ilang minuto ay wala pa rin. Napabuntong hininga nalang ako tsaka lumabas sa Dance Studio.

“Napatagal ata paglabas mo, Ms. RB.” Salubong ang kilay na sabi ni Dave Rangell sa gilid nang pintuan. Medyo nagulat pa nga ako eh.

Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig niya gamit ang isang kamay ko. “Shh... 'Wag mo nga akong tawagin sa username ko sa TikTok. Marami pa namang dumadaan at baka marinig ka nila!”

Tumawa lang siya at kinuha ang kamay ko sa bibig niya. “Okay. I'll stop in one condition.”

Napakunot naman ang noo ko. “Ano namang condition 'yan?”

Pero bago niya pa masabi ang condition niya ay may biglang tumawag sa kanya dahilan upang hindi niya masabi.

“Dave!” Pareho kaming napalingon kay Astrid na tumatakbo palapit samin. And wow, close sila para tawagin niyang 'Dave' si Dave Rangell? Bigla na naman akong nakaramdam nang inis.

“Astrid, need something?” Ani pa Dave Rangell na nakatalikod na sakin.

“Yes, sumunod ka sakin...” Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Astrid dahil tumalikod na ako.

Ang dali ata nilang naging close at mukhang sobrang close pa samantalang sakin noon eh distant siya, kahit ngayon ay mukhang ganun pa rin siya sakin 'yun nga lang minsan ay weird ang inaakto.

“Hi Seanne.” Napaangat ako nang tingin sa nagsalita.

Nakangiti sakin si Rayver.

Napangiti nalang din ako sa kanya. “Hello.”

“Tara, snack, libre ko.” Aya niya at hinila ako papunta sa canteen. Pero napalingon ako sa kinaroroonan nina Dave Rangell at Astrid. Nakatingin din sakin si Dave Rangell pero umiwas din siya ng tingin sakin bago sumama kay Astrid.

*
Don't forget to VOTE, COMMENT, FOLLOW ^^

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon