Roseanne's POV
Kakatapos lang nang last practice namin ni Dave Rangell ngayong umaga dahil mamayang gabi ay sasayaw na kami sa munisipyo sa harap ng mga tao nang Archalente. Kinakabahan na nga ako eh dahil first time kong sumali sa isang Dance Contest samantalang hindi mo naman kakikitaan nang ano mang kaba si Dave Rangell dahil malamang ay nakasali na 'yan sa maraming Dance Contest kaya hindi na kinakabahan. Mabuti nalang at todo 'yung suporta nila Mama samin na nanood pa talaga nang huling practice namin.
“Sigurado na akong mananalo kayong dalawa anak, 'wag ka masyadong paaapekto sa kaba mo.” Rinig kong sabi ni Papa sa may veranda.
“Tama si Joshua. Ienjoy mo lang ang ginagawa mo Roseanne at wag mapressure sa mga taong nanunuod sa inyo. Ganyan din dati 'yang si Dave Rangell hanggang sa nakasanayan na niya dahil mahilig sumali ang Ace Dancers sa mga Dance Contest. ” Mahabang sabi naman ni Tito David.
“Don't worry Ate. Ichecheer naman namin kayo.” Sabi rin ni Jese Ryl at ipinakita pa samin ang ginawa nilang banner para mamaya.
Kahit papaano medyo nabawasan ang kaba ko dahil sa suporta nila sa'kin. Iisipin ko nalang na nasa school ako at sumasayaw. Oo sanay akong sumayaw sa harap ng mga estudyante ng EHS pero iba naman kasi ang iba't ibang tao na manonood mamayang gabi at madami 'yun kaya kakabahan ka talaga.
Napag usapan na rin namin ni Dave Rangell ang susuotin namin mamaya. Parehas kaming magsusuot nang jogger pants na itim at puting oversized T-shirt sa kanya habang sa'kin naman ay puting tank top para sa pang itaas namin. Inihanda ko na rin ang sasabihin ko para mamaya sa kanya at oo magcoconfess na ako and hindi naman ako mag eexpect sa kanya gusto ko lang talaga magconfess about my feelings for him. Bahala na kung anong magiging reaksyon niya o sasabihin basta ay nasabi ko na kanya at malaman niya para siya nalang ang bahala kung lalapit pa ba siya sa'kin o hindi na.
Buong maghapon ay wala na kaming ginawa kundi ang magstay nalang sa bahay ni Lola at hayaang lumipas ang mga oras hanggang sa tumuntong na nang 5pm at kailangan na naming maghanda. Mamaya pa namang 7pm ang start nang Dance Contest pero mas okay nang maaga kami kesa malate. Bandang 6:45pm na kami nakarating sa Munisipyo at pansin ko kaagad ang tinginan ng mga tao ng Archalente samin pati iyong mga dayo gaya namin ay napatingin din samin. Ewan kung bakit.
“Di ba 'yan 'yung kapatid nung vlogger na si Jese Ryl Ibasco? Sobrang gwapo niya pala sa personal.”
“OMG! Kasama din nila si Miss Jese Ryl! Napakaganda din niya sa personal!”
“Ang gagwapo din nung apat na lalaki!”
“Maganda din 'yung katabing babae nang kapatid ni Miss Jese Ryl! Ang sexy din!”
“Sasali ata sila sa Dance Contest!”
Rinig kong sabi sabi nung mga tao habang dumadaan kami papuntang stage para maline up na kami kasi malapit na mag 7pm. Maraming sumali at karamihan ay magkakagrupo bilang lang sa daliri 'yung partners and 'yung mga solo.
Nagstart na ang Contest at nakakaramdam na ako sa kaba dahil habang nanonood sa mga nauna ay masasabi kong magaling silang sumayaw sabay sabay pa at grabe 'yung energy kaya medyo kinakabahan ako.
Nakaramdam ako bigla nang may humawak sa isang kamay ko at nang tingnan ko kung sino iyon ay bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko, hindi iyong tipong dahil sa kaba ko kundi dahil kay Dave Rangell at sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko.
“Don't pressure your self baka di ka makapagfocus mamaya kapag tayo na,” Hindi ko alam kung bakit sa lahat nang napansin ko sa sinabi niya ay iyong mga word na kapag tayo na ang mas napansin ko, ewan pero feeling ko may double meaning. Assuming na ba talaga ako?
Hawak lang ni Dave Rangell ang kamay ko hanggang sa tawagin na ang pangalan naming parehas. Rinig na rinig ko ang malakas na cheer nina Jese Ryl, Ate Cass, Kuya Jace, at 'yung triplets. Binitawan lang ni Dave Rangell ang kamay ko nang pumwesto na kami sa stage para simulan ang sayaw namin.
Somehow, nawala na ang kaba ko ngayong andito na kami sa stage at nakakaramdam ako nang biglaang pag boost nang confidence ko. Masarap pala sa pakiramdam 'yung sumasayaw kana talaga sa stage at ramdam mo ang maraming nakatutok na mga mata sayo na may paghanga habang sumasayaw ka sa harapan nila.
Kaya naman ang kinalabasan nang sayaw naming dalawa ni Dave Rangell ay napuno nang hiyawan at tilian ang mga nanonood, nangunguna na syempre sina Jese Ryl doon na kanina pa sigaw nang sigaw. Hindi pa ba sumasakit lalamunan niya kakasigaw?
“Ahhh!! Ang gwapo at ganda niyo!! Bagay kayo!!”
“Ang angas nang sayaw niyo! Ang galing galing niyo!!!”
“Uwian na! May nanalo na!!”
Rinig naming sigaw nang mga tao habang bumababa na kami sa stage. Binati naman kami ng mga kasali rin dahil ang galing daw namin, sabay at synchronized daw kami ni Dave Rangell tsaka 'yung galawan daw namin nakakakilabot.
“Para nga kayong 'yung dalawang idol ko sa TikTok! Si Ms. RB at RDancer! Kala ko nga kanina kayo sila eh dahil pare parehas talaga kayo nang galaw sa kanila.” Sabi nung isang batang babae na mukhang nasa thirteen pa, kasali siya sa isang grupo. “Sana nga mameet ko sila eh nang hindi nalalaman, hindi kasi nila pinapakita pareho ang mga mukha nila. Parating may takip.”
Napangiti nalang sa batang babae. Well, nameet na niya kami ngayong gabi without her knowing. Kung alam niya lang siguro baka kanina pa siya nagtatalon sa tuwa.
Matapos bumati samin nung ibang kasali ay umupo muna kami ni Dave Rangell sa mga monoblock na nakahanda samin para habang hinihintay ang lahat ng kasali na maka perform ay makapagpahinga kami. Inabutan naman kami nung isang municipal staff nang tubig na maiinom.
“Mukhang hindi ka naman kinakabahan kanina, Roseanne.” Sabi ni Dave Rangell sa tabi ko matapos uminom nang tubig.
Sumagot naman ako matapos uminom din nang tubig. “Ewan pero nawala kaba ko kanina nung nasa stage na tayo.”
“Sabi ko naman sayo, 'wag kang kabahan eh.” Aniya at uminom ulit sa water bottle bago tumingin ulit sa'kin. “Pero ano ba 'yung sasabihin mo? Sabi mo may sasabihin ka sa'kin, di ba?”
Biglang bumalik ang kaba ko sa dibdib ko. Heto na, magcoconfess na ako sa kanya ngayong gabi pero kung ano man ang magiging reakyon niya ay tatanggapin ko iyon kahit pa masaktan ako ayos lang.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Genç KurguSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...