Chapter 23

171 11 0
                                    

Roseanne's POV

“Totoo ba ang balita? Buntis daw si Cassidy Videla with Jace's child?”

“Grabe ang aga naman. Nagbunga paglalandi ni Cass kay Jace ah.”

“Galit na galit daw Daddy ni Cass nung malaman, nasuntok si Jace kaya ayun may sugat sa kilay at labi.”

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate nang EHS ay iyong mga nagchichismisan na agad ang narinig ko. Nang makita nila ako at tinikom nila ang mga bibig na para bang hindi nila pinag-uusapan sina Kuya at Ate Cass. Ang bilis naman ng balita kumalat. Sino ba nagpakalat ng impormasyong iyon at nang mapagsabihan ng kaunti. Deri-deritso nalang akong naglakad papunta sa classroom namin at hindi ko nalang pinapansin ang mga chismisan nila sa hallway pati sa mga hagdanan. Buti nalang pala at hindi muna pumasok si Kuya Jace ngayon kundi ay baka 'pag narinig pinagsasabi nila tungkol kay Ate Cass kanina pa nagkagulo rito.

“Good Morning Roseanne.” Bati kaagad sakin ni Dave Rangell pagkaupo ko sa upuan ko.

“Walang good sa morning, Dave Rangell.” Sagot ko.

“Kumusta nga pala si Jace at 'yung girlfriend niya?” Aniya habang nakatukod ang siko sa arm chair niya na nakahawak sa baba niya habang hinihintay ang sagot ko.

Bigla akong naawkward hindi dahil sa tanong niya at kung gaano siya kagwapo sa ginagawa niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya bago sagutin ang tanong niya.

“A-ayos lang naman sila.” Sagot ko.

“Roseanne!” Pareho kaming napalingon ni Dave Rangell sa bagong dating na si Reeve na mukhang hinihingal pa papunta rito.

“Himala. 7:40 palang ah. Napa-aga ka ata Pres.” Tukso ko pa sa kanya.

Lumapit siya samin at umupo sa upuan niya. Nagmadali siguro 'to paakyat dito kaya hingal na hingal. Uminom siya ng tubig at napangiwi ako dahil sa bawat lagok niya ay naririnig ko.

“Totoo ba?” Aniya matapos uminom. “Ate Cass is pregnant? ”

Napalingon ako kay Dave Rangell kung sasabihin ko ba o hindi. Magpinsan naman si Ate Cass at Reeve kaya okay lang sigurong sabihin ko ang totoo. Tumango si Dave Rangell na para bang nabasa ang iniisip ko.

Tumango ako kay Reeve. “Oo, buntis si Ate Cass. ”

Napatitig lang siya sakin at maya-maya pa ay bigla siyang umiyak. Napangiwing tumingin ako kay Dave Rangell na napangiwi din dahil sa pag-iyak ni Reeve.

“Ate Cass naman eh... Pa'no na'ko nito? Wala na akong kakamping kumontra sa mga pakulo ni Lolo...” Aniya habang umiiyak.

“Oy, Reeve, tumigil kana nga dyan. Para ka pa namang kalabaw na si pinakain ng isang araw kung umiyak.” Sabi ko habang hinahagod ang likuran niya upang tumahan siya.

“Hindi niyo ako naiintindihan eh,” Aniya pa.

Napabuntong-hininga na lamang ako at hinayaan na lamang umiyak si Reeve sa tabi ko. Para namang namatay si Ate Cass kung makaiyak 'tong si Reeve, napapatingin tuloy 'yung mga dumadaang estudyante sa room namin.

*

“Okay. Let's take a break muna guys!” Sabi ko sa lahat ng Dancers na gaya ko ay pawisan na dahil sa pagsisimula nang practice naming para sa paparating na intrams.

“Roseanne,” Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Ate Alliyah.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. “Ate Alliyah, ang tagal din kitang hindi nakita.”

Ngumiti siya. “Oo nga eh. Ngayon lang kami medyo lumuwag ang gagawin kaya nanood ako ng practice niyo. Ang ganda ng napili niyong music at 'yung choreo naman ay palaban.”

“Si Dave Rangell pumili nung music at 'yung choreo ay pinagtulungan naming lahat na buoin.” Proud kong sabi kay Ate Alliyah.

“You mean Dave Rangell Ibasco 'yung kapatid ni Jese Ryl Ibasco, diba?” Aniya at tumango naman ako. “Matanong nga kita, Seanne. Kayo ba nun?”

Naramdaman ko bigla ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi dahil sa tanong na iyon ni Ate Alliyah. Bakit ba halos lahat sila iniisip na kami ni Dave Rangell?

“Ay hala. Namumula ka.” Tukso pa ni Ate Alliyah.

“H-hindi kami ni Dave Rangell, Ate. Bakit ba iniisip niyong kami na?” Sagot ko na halos hindi makatingin sa kanya nang deritso.

“Ay weh? Halata kayang gusto niyo ang isa't isa ayaw niyo lang aminin sa isa't isa o kaya denial lang kayo.” Natigilan ako sa sinabi ni Ate Alliyah. Anong 'halatang gusto namin ang isa't isa' pinagsasabi ni Ate Alliyah? Gusto ba talaga namin ang isa't isa ni Dave Rangell o in denial lang talaga kami sa tunay na nararamdaman namin?

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!

pasensya na masyadong maikli ang chapter na 'to pero sana nagustuhan niyo ^^

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon