Chapter 30

152 8 0
                                    

Roseanne's POV

Hindi na matigil tigil sa pagtukso sakin ang triplets pagkauwi namin pagkatapos nang Intrams. Anila pa ay mas nauna pa raw akong ikasal kesa kay Kuya Jace at Ate Cassidy na magkakaanak na. Hindi ko alam kung anong trip na naman nitong tatlong 'to pero effective at inis na inis ako habang papasok nang bahay. Pag uuntugin ko kaya silang tatlo para tumigil na.

“Ate, saan daw honeymoon niyo ni Kuya Rangell? ” Panunukso pa ni Kirk na kanina pa di matanggal ang ngisi sa mga labi.

Nilingon ko siya at sinamaan nang tingin. “Kirk Mathaious, tumigil ka na. Baka marinig ni Kuya at lagot tayong apat.”

Pero hindi siya nakinig at patuloy lang sa panunukso, napupuno na ako sa isang 'to. “Sagutin mo muna tanong ko Ate. Saan ang honeymoon? ”

Ngunit bago ko pa masigawan sa inis si Kirk ay biglang lumabas galing kusina si Kuya Jace kasunod si Ate Cassidy. Nakakunot ang noo ni Kuya at mukhang narinig ang sinabi ni Kirk. Nagpatay malisya naman sina Kade at Kier na nakaupo na ngayon sa sofa.

“Anong honeymoon pinag-uusapan niyo Kirk?” Ani Kuya na pinanliitan pa nang tingin si Kirk.

'Yan kasi napakaingay. Hot seat ka tuloy ngayon.

Napakamot sa batok si Kirk at humihingi nang tulong na lumingon pa sakin. “U-uhm... A-ano K-kuya—”

“Biruan lang nila 'yun Kuya. Alam naman nating mahilig magbiro si Kirk,” Palusot ko para sa kanya. Pasalamat ka talaga Kirk at mabait akong kapatid.

Napalingon sakin si Kuya at tumango. Naniwala siya sa sinabi ko.

“Ganun? Kala ko naman kung ano. Siya nga pala, sabi ni Mama ihanda niyo na daw mga dadalhin niyong gamit para sa pag alis bukas.” Ani Kuya at aakyat na sana sila papunta sa taas nang magtanong kami.

“Saan naman pupunta Kuya?” Si Kade.

“Nakalimutan niyo na ata na next week ay fiesta nang Archalente. Bibisita na rin tayo kay Lola Asuncion kasi baka nagtatampo na iyon,” paliwanag ni Kuya bago kami tinalikuran at inalalayan paakyat si Ate Cassidy.

Oo nga pala, nabanggit ko nung isang araw kina Mama 'yung tungkol doon. Mabuti naman at pupunta kami roon nakakamiss din kasi doon.

“Excited na tuloy ako.” Rinig kong sabi ni Kier na nakangisi na ngayon. “Sa kwarto ko muna ako at maghahanda na ako ng mga dadalhin ko.”

Ganun na din ang ginawa nina Kade at Kirk kaya naman umakyat na rin ako nang kwarto ko para makapaghanda para bukas. Naeexcite ako na medyo hindi ewan ko ba kung bakit.

Nang maihanda ko na ang mga dadalhin ko bukas ay bumaba ako para kumain naabutan ko sila Mama at Papa na kumakain. Mukhang kakarating lang nila galing sa trabaho.

“Roseanne, anak, nakapaghanda na ba kayo sa pag alis bukas?” Tanong ni Mama sakin na napatigil sa pagkain.

Kumuha ako nang plato at kubyertos tsaka naupo sa tapat nila.

“Opo Ma. Pero bakit bukas po agad?” Tanong ko habang sumasandok ng pagkain.

Nagkatinginan sina Mama at Papa.

Si Mama ang sumagot. “P-para matulungan natin sina Lola mo Asuncion sa paghahanda sa fiesta.”

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Tahimik lang ako kumain sa tapat nina Mama habang sila ay may pinag-uusapan na hindi ko naman marinig dahil hininaan nila ang mga boses nila upang hindi ko siguro marinig ang pinag-uusapan nila. Nang matapos na ako ay hinugasan ko ang pinagkainan ko tsaka nagpaalam kina Mama na matutulog na ako.

Pero kahit anong gawin kong pagtulog sa kama ko ay hindi talaga ako makatulog kaya umupo na lang ako at napabuntong hininga tsaka tumayo papuntang balkonahe para lumanghap ng sariwang hangin. Hindi ko alam kung bakit may parte saking nalulungkot na aalis kami bukas papuntang Archalente.

Wala sa sarili na naman akong napatingin sa balkonahe ni Dave Rangell at narealize kong kaya pala ako nalulungkot kasi dahil sa kanya. Hindi ko siya makikita nang ilang araw...
Oo ilang araw lang naman iyon pero ewan ko ba at nalulungkot pa rin ako kapag naiisip na ilang araw ko din siyang hindi makikita.

Yung mga araw na nagiging ganito ako at naiinis kapag may lumalapit o kumakausap sa kanyang babae ay di ko pa maintindihan pero sa mga lumipas na araw ay unti unti nang pumapasok sakin ang reyalisismong nagkakagusto na ako sa kanya at hindi nalang bilang kaibigan ang tingin ko sa kanya. Matagal bago ko marealize iyon kasi bago pa naman sakin ang nararamdaman kong ito at siya ang unang lalaking nagustuhan ko and honestly I don't know what to do. Should I confess? Like what I've read and watch in the movies after knowing that they have feelings for that person?

Kinabukasan ay matamlay akong bumaba bitbit ang bag na inihanda ko kagabi at inilagay iyon sa likod nang van na hiniram ni Ate Cassidy sa parents niya para sakyan namin papuntang Archalente. Mabuti at pinayagan naman siya.

“Kier, Kirk, doon na kayo kina David sumakay at may puwesto pa raw roon. ” Napalingon ako kay Papa sa sinabi niya kina Kier. Kasama sila Tito David?

Kaagad namang sumunod sina Kier at Kirk na lumapit sa kakalabas lang na kotse nina Tito David sa grahe nila. Namataan ko sina Jese Ryl at Tita Jhessa na nasa loob na niyon nang buksan ang passengers seat para makapasok si Kier at Kirk. Hindi kasama si Dave Rangell?

“Seanne, pumasok kana sa loob ng van.” Rinig kong sabi sakin ni Mama kaya pumasok na ako sa loob ng van at sinirado ang pintuan.

“Ayos ka lang Seanne?” Tanong sakin ni Ate Cassidy na katabi ko, tumango lang ako bilang sagot.

Bakit kaya hindi siya sumama kina Tito David? Wala naman kaming pasukan nang isang linggo ah.

Nakatulugan ko nalang ang pag-iisip niyon at nagising nalang ako sa mahinang pagyugyug sakin ni Ate Cassidy na sinabing nasa Archalente na raw kami. Napahaba yata ang tulog ko, dalawang oras kasi ang byahe papuntang Archalente.

Inayos ko muna ang sarili bago binuksan ang pintuan sa tabi ko at kinuha ang bag ko sa likod ng van. Napatingin ako sa bahay ni Lola at kaagad ko siyang nakitang masayang sinasalubong sina Mama nasa tabi naman niya sina Lola Gracia at Tita Faye.

“Seanne, ako na ang magdadala ng bag mo.” Napatigil ako sa paglalakad na sana papunta sa bahay ni Lola nang marinig ko ang boses na iyon. Ang akala ko ay hindi siya sumama?

Nilingon ko siya at nakitang nakashades pa siya habang nakaharap sakin tsaka hindi na hinihintay ang sagot ko at kinuha ang bag na bitbit ko. Tang*na ang gwapo.

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!

hi this is kyeo, again! I just want to recommend my first ever romance story na also published na dito sa watty, it's entitled Love In Between Revenge. Baka gusto niyo ring basahin hehe ^^

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon