Chapter 29

140 8 0
                                    

Roseanne's POV

Biyernes na ngayon at ngayon ang Intramurals kaya naman maraming activities at booths. Handa na rin kami para sa intermission number namin para mamaya kaya habang wala pa ay naglibot libot muna kami sa mga booths. May Horror Booth, Marriage Booth, Love Knot Booth at marami pang booth na hindi ko alam ang tawag.

“Kanina, kanina pa tayo palibot libot. Nahihilo na kami. Wala ka man lang plano na huminto sa isang booth?” Reklamo pa ni Kirk habang kumakain ng chitchirya.

“Eh bakit ba kayo sunod nang sunod sakin?” Nakataas ang isang kilay na sabi ko.

Natahimik silang tatlo sa likuran ko. Kanina pa kasi ang mga 'to nakabuntot sakin.

“Ate, anong time kayo mag iintermission number?” Tanong pa ni Kade.

“Maya maya pa mga 8:30am.” Sagot ko.

Napatingin siya sa screen nang cellphone niya. “8:20am na Ate.”

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin din sa screen nang cellphone ko. Sheyt! 8:20am na nga at panay na ang mention sakin sa GC!

“Aalis na ako. Hinahanap na nila ako.” Sabi ko at dali daling pumunta sa Dance Studio kung saan ay hinihintay nila ako. Ako nalang kasi ang hinihintay nila.

Nang makarating ako ay kaagad na akong nagbihis nang susuotin namin. Kaming mga babae ay magsusuot nang itim na bralette na papatungan namin nang itim din na polo shirt at itim din na jogger sa pang ibaba, ganun din sa mga lalaki ngunit ang pang itaas nila ay isang oversize na white T-shirt.

Nang lahat ay nakapagbihis na ay pumunta na kami sa court kung saan ginaganap ang pagsisimula nang Intramurals. Marami nang estudyante ang andito at lahat ay nakasuot bang T-shirt na may kulay na naaayon naman sa grades nila.

“Okay guys, kung magkamali man kayo hayaan niyo lang at magpatuloy. Wag kayong kabahan at eenjoy niyo nalang ang araw na 'to. Okay?” Sabi ko sa kanila at nagsitango naman sila.

Napatingin ako kay Dave Rangell na nakacross arms lang at chill na chill sa gilid. Dati siyang myembro nang isang Dance Group at marami na siyang nasalihan na mga contest kaya hindi na siya kinakabahan tsaka sa school lang naman idagdag pang siya si RDancer na may halos isang milyon na followers.

“Around of applause for the intermission number of Dance Club!” Rinig naming sabi nang MC na isa ring teacher.

Pumwesto na kami at inantay magplay ang music namin bago sinayaw ang ilang linggo naming pinagpractisan na sayaw. Lahat ay namangha at todo cheer samin kaya naman nang sa part na kami nalang ni Dave Rangell ang sumasayaw ay naghiyawan sila at mas lalo pang naghiyawan nang ginawa namin ang isang komplekadong Dance moves bagay na kaya kami lang sumayaw nito dahil hindi kaya nang mga kasama namin.

“Ate namin 'yan! Woohhh!” Rinig kong hiyaw nang isa sa triplets.

“Go Kuya! Aaahhh!!” Rinig ko ring hiyaw ni Jese Ryl.

Ilang minuto pa ay natapos na namin ang intermission number namin na napuno ang buong court nang hiyawan at tilian. Nakakahingal pero masaya lalo pa at nagustuhan nila ang sayaw namin.

“Ate, Seanne, Kuya Rangell, ang galing niyo! Bagay na bagay kayong dalawa!” Ani pa ni Wendy na kinikilig.

Natawa nalang ako. “Salamat Wendy. Ang galing niyo rin naman kaya nagustuhan nila.”

“Ate Seanne, Kuya Rangell talaga bang hindi kayo?” Tanong pa niya ulit na nakanguso pa.

Napatingin ako kay Dave Rangell na mukhang walang pakialam sa tanong ni Wendy kaya ako nalang ang sumagot.

“Ahm, Wendy, magkaibigan lang kami. ” Sagot ko.

Napangiti nalang nang malungkot si Wendy tsaka nagpaalam na samin. Mukha ba talagang kami ni Dave Rangell at ang daming nagtatanong?

“Hi Ate Seanne at Kuya Rangell. ” Bigla ay may lumapit naman samin na mga estudyante. “Andito po kami para dakpin kayong dalawa.”

Pagkasabi nun nang babae ay sabay nila kaming hinawakan ni Dave Rangell sa magkabila naming braso at dinala sa Marriage Booth?! Napalingon ako kay Dave Rangell upang humingi nang tulong at nang kamawala kaming pareho pero hinayaan lang niyang bitbitin siya. The F?!

Nang makarating kami sa Marriage Booth ay pansin kong maraming estudyante ang nanonood samin na mukhang kinikilig pa. Andito din sina Reeve, 'yung triplets, at si Jese Ryl na ngiting ngiti habang nakavideo samin. Sila ba may pakana nito?!

“Do you Roseanne Barrinuevo take Dave Rangell Ibasco as your lawfully wedded husband?” Pigil ang ngisi na tanong nang estudyanteng pari kuno.

Lahat ay sinasabing mag 'yes' ako pero ewan ko ba at nang pagtingin ko kay Dave Rangell na seryosong hinihintay din ang sagot ko ay napa 'yes' ako nang wala sa sarili. Eh paanong hindi kung pagtingin mo sa mga mata niya ay mukha kang nahihypnotize na sumagot nang yes? Pero alam ko sa sarili ko na gusto ko talagang sumagot nang yes kahit hindi pa nila sabihin sakin o kahit pa hindi nakakahypnotize ang tingin ni Dave Rangell na sumagot ako nang yes.

Sinuot ko sa ring finger niya ang paper ring na ibinigay sakin nang isa sa mga estudyanteng dumakip samin.

“Dave Rangell Ibasco, do you take Roseanne Barrinuevo as your lawfully wedded wife?” Tanong sa kanya nung pari kuno.

Nakaramdam ako bigla nang kaba sa isasagot niya. Kanina pa kasi siya walang imik eh.

“Yes.” Sagot niya at naghiyawan lahat nang estudyanteng nanonood. Sinuot din niya sa ring finger ko ang paper ring na inabot sa kanya.

“You may now kiss the bride.” At naramdamab ko nalang ang paghalik niya sa pisngi ko na siyang ikinagulat ko. “ I, now, announce you husband and wife.”

*
Don't forget to VOTE, COMMENT, FOLLOW ^^

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon