Roseanne's POV
Pagkarating namin sa bahay naabutan naming duguan si Kuya Jace dahil sa pagputok ng kilay at labi gawa ng suntok ni Tito Andy sa kanya. At mukhang hindi na nakaalis sila Mama. Nandito din sila Rita Jhessa na mukhang nakiawat sa gulo.
“Pinagkatiwalaan ka namin Jace dahil mahal na mahal ka nang anak namin. Pero ano ito? Ha!” Galit na sigaw ni Tito Andy kay Kuya.
Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Tito Andy kay Kuya. Nagloko ba si Kuya kay Ate Cassidy?
“Pananagutan ko naman po si Cassidy, Tito.” Ani Kuya na siyang ikinatigil naming mga bagong dating. Oh my god! Don't tell me... Napatakip ako sa bibig ko dahil mukhang alam ko na kung bakit galit na galit si Tito kay Kuya.
“Alam kong pananagutan mo ang anak ko Jace pero sa oras na malaman kong sinaktan mo ang anak ko. Hindi ako magdadalawang isip na ilayo sila sayo!” Matigas na saad ni Tito Andy.
“Andy, Cassandra, sa loob na lamang tayo mag-usap-usap. Baka naiistorbo na natin ang mga kapitbahay.” Sabi pa ni Mama na inalalayan si Kuya papasok ng bahay. Nagpaalam naman sina Tito David na uuwi na nang bahay nila dahil usapan daw ito ng magkabilang pamilya.
Pagpasok namin ay andito na pala si Ate Cassidy na nakaupo lang sa sofa habang nakayuko at umiiyak, ni ayaw niya kaming tingnan lahat. Tumabi ng upo si Kuya sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“Ano na ang plano niyo ngayong dalawa, Cassidy, Jace?” Mahinahong tanong ni Tita Cassandra sa kanilang dalawa.
“Hindi pa po namin napag-uusapan ang tungkol dyan—” Pinutol kaagad ni Tito Andy ang sasabihin ni Kuya Jace. Nakikita ko pa rin ang galit sa mga mata niya.
“Malaking responsibilidad ang pagiging magulang Jace dapat ay pinag-usapan niyo na ang tungkol doon. Kung ano ang magiging plano niyo para sainyo at sa anak niyo.” Saad ni Tito Andy.
“Mga anak, doon na muna kayo sa mga kwarto niyo.” Sabi ni Mama sa aming apat ng triplets.
Ayaw pa sanang pumayag nang triplets pero nilakihan ko sila nang mga mata na parang sinasabi na 'wag-na-kumontra-sumunod-nalang-kayo-look'. Mabuti nalang at nakinig sila sa'kin pero sumunod sila sa'kin sa kwarto ko. Hinayaan ko lang sila at dumiretso ako sa balkonahe ko para doon tumambay pero sumunod pa rin sila sa'kin.
“Magkaharap lang pala kayo nang kwarto ni Kuya Rangell, Ate?” Usisa pa ni Kirk na nakatingin sa balkonahe ni Dave Rangell. Tinanguan ko lang siya.
“Grabe. Ang aga nating magkakapamangkin.” Parang hindi pa makapaniwalang saad ni Kier.
“Ang akala ko pa naman eh unang makakabuntis 'tong si Kirk sa dami ng chix.” Hindi ko alam kung nagbibiro ba 'tong si Kade o ano pero tama siya. 'Yun nga rin akala ko eh kasi sa kanilang tatlo kahit magkakamukha sila ay si Kirk talaga 'yung pinakamalandi at matinik pagdating sa chix.
Napangiwi si Kirk. “Tungkol kay Kuya ang pinag-uusapan natin. Bakit napunta na naman sa'kin?”
Natawa nalang ako. “Malandi ka kasi. Kaya ikaw Kirk, kontrolin mo 'yang kalandian mo at baka bigyan mo rin kami nang pamangkin ng maaga.”
“Don't worry my siblings. I always use protection. ” Nakangising sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko. “Kirk Matthaois, ang bata-bata mo pa para gawin ang ganoong bagay. Isusumbong kita kay Mama at Papa—”
Napatigil ako sa sinasabi ko nang humagalpak silang tatlo ng tawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
“Anong nakakatawa?” Tanong ko pa.
Walang sumagot sa kanila dahil tawang tawa talaga sila. And then I realize na sa kanilang tatlo ay si Kirk ang palabiro na isa din sa dahilan kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya kahit chickboy.
“Kahit kelan talaga noh? Ang hilig niyong pagtripan ako. Tsk.” Sabi ko sa kanila.
“Pero seryoso tayo, paano na kaya ang pagkokolehiyo nina Ate Cass at Kuya Jace? Next year ay magcocollege na sila.” Tumigil na rin sila sa katatawa at nagseryoso na.
“Yan nga rin iniisip ko, Kade.” Ani Kier at natahimik kaming apat.
Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo para pagbuksan ang kumatok. Pagbukas ko bumungad sa'kin sina Kuya Jace at Ate Cassidy na parehong may tipid na ngiti sakin.
“Pwede bang dito muna kami, Seanne?” Ani Kuya.
“Oo naman Kuya. Pasok kayo Ate.” Sagot ko at pinapasok sila.
Hindi na sila nagulat na andito rin ang triplets. Pinaupo ni Kuya si Ate Cassidy sa kama ko, lumapit naman ang triplets samin.
“Nagulat siguro kayo nang malamang maaga kayong magkakapamangkin, ” Ani Ate Cassidy na tinignan ang mga mukha namin. “Kami man ay nagulat na magkakaanak kami ng maaga—na magagawa namin ang ganun sa murang edad namin. Napasobra ata kami sa pagmamahal sa isa't isa ng Kuya niyo kaya di namin napigilan pero andito na siya eh at hindi namin pinagsisihan ng Kuya niyo na nabuo siya ng ganito ka aga.”
“Kaya kayong apat, 'wag sosobra sa pagmamahal huh? Baka makagawa kayo nang hindi pa dapat sa maling oras. ” Dagdag sakin Kuya na napatingin pa sakin.
“Eh Kuya, paano na pag-aaral niyo ni Ate Cass?” Tanong ni Kier.
“Ako nalang muna mag-aaral at the same time ay magpapart time ako. Kapag nakapanganak na si Cass at mag 1 year old na si Baby babalik na ang Ate Cass niyo sa pag-aaral.” Sagot ni Kuya na hinalikan pa ang gilid ng noo ni Ate Cass. “Nga pala, Seanne. simula ngayon dito na matutulog si Ate Cass mo kasama mo. Ayos lang ba 'yun sayo?”
Tumango naman ako kaagad. “Sige, Kuya. Ako na bahala kay Ate at kay Baby.”
“Salamat Seanne.” Nakangiting sabi ni Ate Cass.
“Kuya, magpaparttime na rin kaming tatlo para kay Ate Cass at Baby.” Presinta ni Kier.
Ngumiti din si Kuya sa kanilang tatlo. “Hindi na kailangan pero salamat.”
“Magkakapatid tayo eh kaya dapat nagtutulungan tayo.” Saad ni Kirk na nakipag fist bump sa mga kambal at kay Kuya. Napangiti nalang kami ni Ate Cass sa kanila.
I'm so lucky to have brothers like them. Sana sila pa din mga kapatid ko sa next life ko.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...