Roseanne's POV
Kanina pa hindi maalis-alis sa isipan ko ang mga sinabi ni Manang kanina sa Plaza. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako o hindi kasi alam niya ang pangalan ko, pero pwede din namang narinig niya lang na iyon nga ang pangalan ko.
Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Roseanne, anak, kakain na tayo. Bumaba kana."
"Opo, Pa." Sabi ko at tumayo na mula sa pagkakahiga ko sa kama ko.
Paglabas ko ay siya namang labas din nung mga kapatid ko galing sa kanya-kanya naming mga kwarto. Nauna na akong bumaba at nagkasunod naman sila sa'kin.
"Saan kayong lima nanggaling kaninang tanghali?" Tanong ni Mama nang makaupo na kami.
Ako na ang sumagot. "Sa Plaza po, Ma."
Sumagot din si Kuya. "Nagdate kami ni Cass, Ma."
Biglang sumama ang mga mukha nung tatlo. Mukha ng mga bitter at inggit.
"Kuya, hindi naman tinanong ni Mama." Bitter na sabi ni Kier.
"Saan, Kuya. Saan daw tayo galing." Si Kirk.
"Wala namang tinanong si Mama, Kuya." Si Kade na binago lang ang sentence pero pareho nang sinabi ni Kier.
"Tss. Mga bitter at inggit." Sabi ni Kuya na sinadya pang iparinig sa tatlo.
"Shh... Tama na nga 'yan." Pagsuway ni Mama sa kanila at napatahimik naman silang apat.
Tahimik na kaming kumakain nang magsalita si Papa. Pero nakinig lang kami.
"May bago na pala tayong kapitbahay diyan lang sa tapat natin," Biglang sabi ni Papa at bigla akong napaubo. Dali-dali naman akong inabutan ng tubig ni Mama.
"Ayos ka lang, anak?" Tanong ni Mama at tumango naman ako.
"Opo, Pa. Kanina nga binigyan nila tayo ng ulam eh," sabat naman ni Kade sa usapan nila Mama at Papa.
Napakunot naman ang noo ni Mama sa sinabi ni Kade. "Eh asan na 'yung ulam na sinasabi mo? Bakit wala akong nakita rito sa kusina."
"Kinain ko na po," Sagot ni Kade na tumawa pa.
Napailing nalang si Mama. "Ang takaw mo talagang bata, hindi naman tumataba."
Tinapos ko na ang pagkain ko at nauna nang umakyat sa kwarto ko. Ginawa ko na muna ang night routine ko at nang matapos ay tinali ko naman sa Bun ang buhok ko. Dahil hindi pa naman ako inaantok ay napagdesisyonan kong tumambay muna sa balkonahe nang kwarto ko.
Kinuha ko ang libro ko sa bookshelf ko at nagpatugtog nang isang chilling music sa cellphone ko. Nakakapagfocus naman ako sa pagbabasa kahit nakikinig ako ng music.
Habang nagbabasa ako may naramdaman akong nakatingin sa'kin kaya napalingon ako doon sa katapat kong teresa. At tama nga ako, siya ang naramdaman kong nakatingin sa'kin. Ngayon ay may liwanag na sa kwarto niya kaya malaya kong nakikita ang tingin niya sa'kin. Nakasuot siya nang itim na hoodie jacket at nakaputing pajama naman. Tsaka yung paggalaw ng iilang hibla nang buhok niya dahil sa mahinang hangin ay siyang mas lalong nag-uudyok sa'kin na makipagtitigan pa sa kanya. Ang medyo makapal niyang kilay, mapupungay na mga mata, matangos na ilong, at ang mapupula niyang mga labi. Sheyt... bakit sobrang gwapo niya?
"You stare so hard, Miss." Bigla ay aniya na narinig ko mula rito sa teresa ko.
Umiwas ako nang tingin sa kanya at ibinalik ang atensyon ko sa binabasa ko ngunit hindi magawa dahil nararamdaman ko pa rin ang titig niya sa'kin. Ano ba naman 'to!
Nilingon ko siya ulit. "You stare so hard too, SIR. Hindi ako makapagfocus sa binabasa ko."
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. "Really?"
Tumango ako bilang sagot. Hindi mo mabasa ang ekspresyon ng mukha ko pero sa loob-loob ko parang naghahalo ang mga nararamdaman ko, kung kikiligin ba, maiinis o ano dahil sa lalaking 'to na nasa kabilang balkonahe.
Biglang pumasok sa isipan ko iyong sinabi ng manghuhula kanina sa Plaza. Totoo nga kaya iyon?
"Then, don't mind me. Magpapahangin lang ako." Aniya na ipinasok pa ang dalawang kamay sa bulsa ng suot na hoodie.
Hindi na ako sumagot pabalik sa kanya at nagbasa na ulit pero nabobother pa rin ako sa kanya kaya kinuha ko nalang ang headphone ko at inilagay iyon sa mga tenga ko tsaka nakinig sa music ko. Hindi na naman ako mabobother sa kanya.
Dahil nakapagfocus na ako sa pagbabasa hindi ko na napansin ang oras. Nang tingnan ko ang wristwatch ko, alas 10 na pala ng gabi kaya tiniklop ko na ang libro ko at pinatay ang music sa headphone ko. Napatingin ako sa kabilang teresa at wala na doon 'yung lalaki dun siguro ay tulog na iyon. Pumasok na ako sa kwarto ko at sinirado ang balkonahe ko tsaka ako nagdasal bago matulog.
Kinabukasan, maaga akong gumising hindi dahil may pasok kami kundi ay dahil magsisimba kami. Hinayaan ko lang na nakalugay ang itim, straight at mahaba kong buhok na hanggang ibaba lang ng dibdib ko. Isang yellow na dress ang sinuot ko tsaka nagsandals na rin ako bago bumaba dahil baka ako nalang ang hinihintay nila.
Nang makababa ako ay umalis na rin kami sakay nang tricycle na pinara ni Kuya Jace. Pagkarating namin sa simbahan ay magsisimula na 'yung misa kaya naghanap na kami ng mauupuan.
Kakasimula palang ng misa ng may maramdaman akong naupo sa tabi ko. Nasa kabila ko kasi sila Mama habang 'yung mga kapatid ko naman ay nasa mga kaibigan nila at doon tumabi ng upo.
Nang tingnan ko kung sino iyong tumabi ng upo sa'kin ay nagulat ako. Ito 'yung lalaki sa kabilang balkonahe eh. Nakasuot siya ng itim na polo at slacks naman sa pang-ibaba, ang bango rin niya tsaka ang ganda ng pagkakaayos niya sa buhok niya. At ngayong nakita ko siya ng malapitan ay humahanga na talaga ako sa kanya.
"Pasensya na, wala na kasing ibang available na upuan." Aniya sa'kin at parang nagtayuan ang mga balahibo ko sa lalim ng boses niya idagdag pa ang paggalaw ng adams apple niya.
"O-okay lang," Medyo nautal pa ako.
Nakinig na ako sa misa ng Pari at ganun din siya sa tabi ko. Nang kailangan na naming bahagyang itaas ang mga kamay namin para sa Ama Namin, hindi ko inaasahan na hahawakan niya ang isa kong kamay at bahagya iyong itinaas, normal lang naman iyon dahil bahagi iyon ng misa at depende nalang sa iyo kung papahawakan mo ang kamay mo pero di ko pa rin maiwasang magulat sa ginawa niya. Papa Jesus, pasensya na po sa mga pinag-iisip ko alam ko pong normal lang naman po 'to kapag Ama Namin pero di ko maiwang kiligin eh. Patawarin niyo po sana ako.
Matapos ang Ama Namin ay binitawan na niya ang isa kong kamay pero bakit parang nararamdaman ko pa rin ang malambot at medyo malaki niyang palad sa'kin? Ano ba Roseanne, nasa simbahan ka! Stop thinking like that nakikita ka ni Lord.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates! <3sorry for my poor ideas, my cuties. hanggang d'yan lang kaya ni brain eh but i hope y'all like it😚
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...