Roseanne's POV
“Oh, Ate Seanne, bakit nakabusangot 'yang mukha mo?” Pansin sakin ni Kirk habang naglalakad kami pauwi.
Mas lalo tuloy along napabusangot sa tanong niya.
“Wag mo nang tanungin Kirk. Tingnan mo 'yong mukha mas lalong pumangit oh.” Ani Reeve na nakikisabay samin dahil gusto makita ang pinsan niya. Kanina niya pa ako tinutukso kesyo crush ko daw si Dave Rangell dahil kanina ko pa hinahanap at panay ang text rito kaya high blood kanina sa practice muntik ko tuloy siyang masapak dahil sa inis ko kanina. “Hindi kasi nagpractice si Rangell kaya ayan.”
“Kaya pala hindi ko nakita si Kuya Rangell kanina,” Rinig kong ani Kade.
Kahit gusto ko silang pagsasagutin ay pinili ko na lamang manahimik hanggang sa makarating kami sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Bakit ba ako masyadong affected na hindi nakapractice si Dave Rangell kanina? May iba rin naman kanina na hindi nakapractice eh pero hindi naman ako affected. Hindi kaya... No! Hindi! Imposible 'yun halos dalawang buwan pa lamang naming magkakilala imposibleng nagkakagusto na ako sa kanya! I mean, hindi gaya niya ang tipo ko sa mga lalaki. Masungit siya at minsan pa ay madaling uminit ang ulo.
'Pero Seanne may mga taong nagkakagusto kahit isang palang silang magkakilala.' Sabi ng utak ko.
Napapikit ako ng mariin tsaka nagpagulong-gulong sa kama ko. Pano kung may gusto nga talaga ako sa kanya pero gaya ng sabi ni Ate Alliyah ay in denial lang ako? Argh! Hindi ko talaga alam!
Kinuha ko nalang ang cellphone ko. Ni isa sa mga messages ko wala siyang nireplayan. no ba kasing problema nun? Nanood nalang ako ng videos sa TikTok at nagbasa ng comments sa mga videos ko. Wala pa ring pinagbago pinagkokompara pa rin nila kami ni RDancer kung sinong mas magaling daw kuno samin. Wala naman talaga akong pake kung sinong mas magaling samin dahil hindi naman ako nakikipag-compete sa kanya o ano, talagang iyong ibang tao lang ay mahilig magkompara sa amin kaya imbis na replayan ang mga comments nila ay pinagkibit balikat ko nalang at nagpatuloy sa panonood nang sa next scroll ko ay nagplay ang newest video ni RDancer na ginawa ang Dance Cover ng Rover ni Exo Kai. As usual, palagi siyang cool tingnan at parang isang Kpop Idol sa postura, pananamit at galaw kapag sumasayaw hindi naman nakakapagtakang mas dumami ang followers niya at mukhang malapit nang mag isang milyon iyon. Napaisip tuloy ako kung anong itsura niya without his black mask. Gwapo kaya siya o pangit?
“Ate Seanne,” Napahinto ako sa ginagawa at pinagbuksan ang kapatid kong si Kier.
“Bakit?” Tanong ko.
“Nandito si Kuya Rayver. Hinahanap ka.” Aniya na may mapanuksong tingin sakin.
“Bakit daw?” Bakit naman nagpunta 'yun dito?
Nagkibit balikat si Kier. “Ewan.”
Lumabas ako nang kwarto ko at bumaba, nakasunod lang sakin si Kier. Pagkababa ko nadatnan ko si Kuya Jace, Ate Cass, Reeve, at si Rayver na nagtatawanan natigil naman sila nang mapansin akong papalapit.
“Seanne, hinahanap ka ni Rayver. May gusto daw kasi siyang sabihin na importanteng bagay.” Ani kaagad ni Kuya Jace na mukhang nagtataka sa kung anong importanteng sasabihin ni Rayver sakin.
Napatingin naman ako kay Rayver na nakangiti lang sakin bago tumayo mula sa kinauupuan.
Lumapit siya sakin at napatingin kina Kuya sabay kamot sa kanyang batok. “Uhm... pwede bang sa labas ko nalang sabihin Seanne? Alam ko kasing makikinig ang mga 'to eh.”
Halos pabulong niya lang sinabi iyon pero narinig ko pa rin. Tumango naman ako sa kanya. Napatingin ako kina Kuya na nakatingin lang samin.
“Kuya, sa labas lang kami mag-uusap.”Paalam ko sa kanila tsaka naunang maglakad palabas ng bahay.
Umupo ako sa upuang mahaba na andito sa labas ng bahay namin. Nasa baba lamang ito nang balkonahe ng kwarto ko kaya kits mula rito ang balkonahe ni Dave Rangell. Mukhang wala siya sa kwarto niya dahil hindi nakabukas ang ilaw.
“Seanne, I have something to tell you.” Salita ni Rayver na umupo sa tabi ko.
Nilingon ko siya at nahigit ko ang hininga ko sa sobrang lapit niya, umiwas nalang ako ng tingin. Mukhang alam ko na saan patungo ang usapan naming ito.
“I like you, Seanne.” Aniya at hindi na ako nagulat roon. Alam ko na namang may gusto siya sakin noon pa pero hindi ko iyon pinansin dahil akala ko mawawala lang agad iyon kapag nakakilala siya nang mas hihigit pa sakin. “At gusto kitang ligawan—”
Pinutol ko na siya. “Rayver—”
Pinutol niya din ako. “Please. Hayaan mo lang akong ligawan ka sa loob ng isang buwan hanggang sa magkaroon ka rin ng feelings sakin pero kung sa loob ng isang buwan ay wala pa rin. Pangako, titigil ako basta hayaan mo munang ligawan kita Seanne.”
Napabuntong-hininga ako at wala sa sariling napatingin sa balkonahe ni Dave Rangell kung saan andoon siya at mariing nakatingin sakin. Ramdam ko ang lamig ng tingin niya sakin at ang walang emosyon niyang mukha na kitang-kita ko dahil sa ilaw na nanggagaling sa kwarto niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba at parang hindi ako mapakali sa klase ng titig niya, hindi ko rin tuloy maiwasang matakot sa kung anong iniisip niya habang nakatitig samin ni Rayver.
Bakit parang feeling ko ay nahuli niya akong nakikipagrelasyon sa ibang lalaki?
At mas lalo pa akong kinabahan at natakot ng bigla akong yakapin ni Rayver sa gilid. Para akong sinaksak ng milyon-milyong kutsilyo ng tumalikod siya papasok ng kwarto niya at namatay ang ilaw sa loob.
Bakit pakiramdam ko ay nasaktan ko siya dahil sa pagyakap sakin ni Rayver?
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!hello this is kyeo! I just want to say thank you for your support! 💗 I really appreciate it. Luvlots!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
TeenfikceSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...