Rangell's POV
"Kuya, aalis muna kami nina Mommy. Baka bukas pa kami makakauwi," Paalam sa'kin nang kapatid ko habang nakatingin sa cellphone niya.
I just nodded to her. Saan na naman kaya sila pupunta? Kakarating lang kaya namin.
Bumeso pa siya sa'kin bago umalis kasama sina Mommy na kinawayan lang ako. Tinapos ko nalang ang kinakain ko bago ako umakyat sa kwarto ko. At dahil sira ang ilaw sa napili kong kwarto, wala akong magawa kundi ang matiis sa madilim na kwarto ko. Hinubad ko ang suot kong damit at tanging ang itim na pajama ko lang ang naiwan ko, binuksan ko ang sliding door ng tiresa at tumayo roon ngunit nanigas at parang hindi ako makagalaw dahil sa nakikita ko. Ni hindi ko maalis ang tingin ko roon.
May babaeng nasa katapat kong teresa at hinuhubad ang suot niyang uniform at akma na rin sanang huhubadin ang suot na sando ng mapatingin siya sa direksyon ko. Napalunok ako.
"Ahh! Multo!" Rinig kong sigaw niya.
Bigla nalang akong napatago sa malaking halaman na andito sa teresa dahil sa sigaw niya. Baka sabihin niya binubusuhan ko siya, I'm not the type of guy who would do that.
At para hindi niya ulit ako makita ay gumapang ako papasok sa kwarto ko at sinirado nalang ang sliding door pati ang mga kurtina. Mas mabuti nang isipin niya na multo 'yong nakita niya, baka 'pag nalaman na tao 'yon at ako pa baka kasuhan ako nun.
Hindi ko nalang muna inisip ang nangyari at humiga na sa kama para matulog. I'm so tired sa mahabang byahe namin kanina. Kaya madali lang din akong nakatulog.
Kinabukasan nagising nalang ako dahil sa ingay ng cellphone kong kalaunan rin ay namatay. Nang tingnan ko, it was Jese Ryl calling me, hinintay kong tumawag ulit siya pero hindi na kaya bumangon nalang ako at bumaba para magtimpla ng kape, pagkatapos ay bumalik din ako sa kwarto ko at tumambay ulit sa teresa. Napatingin ulit ako doon sa teresa ng babae kagabi at nakita ko siyang pasayaw-sayaw habang naglalakad sa kwarto niya.
Well, I admit that she's beautiful and sexy too but not my type.
Gaya kagabi napatingin ulit siya sa direksyon ko. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ulit ako, kita ko ang paghagod nang tingin niya sa'kin na para bang sinusuri niya kung ano o sino. Napatingin din tuloy ako sa katawan niya ngunit agad akong umiwas ng tingin. Mukhang narealize niya iyon kaya napatakip siya sa dibdib niya at sinirado ang mga kurtina niya kaya di ko na siya makita.
Hindi ko siya type pero aaminin kong ang cute niya, lalo na kapag namumula ang pisngi o nahihiya. Ano kayang pangalan niya?
"What are you looking at Kuya?" Di na ako nagulat ng sumulpot sa likuran ko si Jese Ryl bitbit ang camera niya for vlogging.
Umiwas nalang ako doon ng tingin at bumalik sa loob ng kwarto ko. Sinundan naman ako ni Jese Ryl.
"What do you want Jese?" Sabi ko dahil alam kong may sadya na naman siya sa'kin. Hindi kaya 'yan pupunta sa kwarto ko nang walang kailangan.
"Help me think of what vlog should I do next," nakangiting aniya.
"Sorry but no." Sagot ko at lumabas ng kwarto ko, sumunod naman ulit siya.
"Kuya please," Pamimilit pa niya.
Umiling ako sa kanya at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko para manuod ng Dance Covers sa YouTube. At dahil alam na ni Jese Ryl na ayaw ko nang magpaistorbo ay padabog siyang pumunta ng kwarto niya. For sure, hindi ako kakausapin at papansinin nun mamaya.
Kung si Jese Ryl ay mahilig magvlog and some stuff, ako naman ay mahilig manuod ng Dance Covers sa YouTube. And I'm also dancing but hindi ko pinapakita ang mukha ko sa TikTok account ko. Ayaw kong maging gaya nang kapatid kong kahit saan pumunta ay may nagpapapicture. It's annoying for me.
Sa ngayon mayroon na akong 918k followers sa TikTok account ko. Hindi ko na nga binabasa comments nila eh kasi some of them wants me to reveal my face, may iilan pa ngang mga negative comments eh na baka raw ayaw kong ireveal ang mukha ko ay dahil sobrang pangit ko raw but I stayed unbothered about those negative comments.
May iilan pa ngang mga comments na minimention ang isang account eh na sana daw ay magcollab kami sa isang dance cover. Natingnan ko na naman ang account na iyon. Gaya ko ay gumagawa din siya nang Dance Covers at hindi din niya pinapakita ang mukha 'yun nga lang ay babae siya. May 599k followers at 25 posted videos, magaling din siyang sumayaw at sobrang lambot ng katawan. Pero ayaw kong makipagcollab kahit kanino mapa-artista man 'yan o kilalang Dancers.
Palowbat na ang cellphone ko kaya tinigil ko na muna ang panonood at umakyat muna sa kwarto ko para icharge iyon. Pagkatapos kong maicharge ang cellphone ko ay nadatnan kong nagvvlog si Jese Ryl pababa sa hagdan namin.
"Since tapos ko nang ipakita sa inyo ang loob ng kwarto ko dito naman tayo sa—" Naputol ang sinasabi niya nang dumaan ako sa tabi niya. "Kuya, wait,"
Napahinto naman ako at napatingin sa kanya. "What?"
"Pwede ko ba ipakita rin sa kanila 'yung loob ng kwarto mo?" Aniya na mag pacute cute pang nalalaman.
Tumango nalang ako at natuwa naman siya tsaka dali daling umakyat sa kwarto ko. Parang kanina lang galit sa'kin dahil di ko tinulungan mag-isip ng content sa new vlog niya tapos ngayon biglang sumaya, ang weird ni Jese.
"Rangell, anak," Bigla ay tawag sa'kin ni Mommy kaya lumapit ako sa kanya sa kusina. "Pakibigay naman 'tong niluto kong sinigang d'yan sa kapitbahay natin sa tapat. Sabihin mo galing satin kasi kakalipat lang natin kahapon."
Inabot sa'kin ni Mommy ang medyo malaking tupperware na may lamang sinigang. Bigla namang sumulpot si Jese Ryl galing sa kwarto ko at sumama sa'kin para daw maisali niya sa vlog niya. First time daw kasi na ako gagawa nito dahil sila lang naman ni Mommy gumagawa nito.
"Tao po? Tao po?" Sigaw ko nang nasa tapat na kami ng bahay na sinasabi ni Mommy.
Medyo matagal pa nung may nagbukas sa pintuan ng bahay. Lumabas ang isang teenager na lalaki na nakatopless at inayos-ayos pa ang buhok niya.
"Bakit po?" Aniya samin na may inosenteng mukha.
I heard Jese Ryl's gasp. Dahil siguro gwapo 'tong teenager na kasing edad lang niya.
"Uhm—" kinuha bigla ni Jese ang tupperware sa kamay ko.
"Hi! Kakalipat lang kasi namin kahapon dito. So, Mommy, uhm, cook this for our neighbors including yours." nakangiting aniya sa lalaki.
Pagkatapos niyang maibigay ang tupperware ay kaagad ko na siyang hinila paalis. Tsk! Napapacute siya sa lalaking 'yun! Ganito ba talaga 'pag may kapatid kanang dalaga? You're becoming so protective.
"Kuya naman, di man lang ako nakapagpaalam." Nakangusong aniya sa'kin.
"Nagpapacute ka ron eh." Sabi ko tsaka nauna nang naglakad papasok sa bahay.
"Oh, anong sabi nang kapitbahay natin?" Nakangiting salubong samin ni Mommy pagkapasok namin.
"Nothing Mom." Rinig kong sagot ni Jese.
"Huh? Anong nothing?" Naguguluhang tanong ni Mommy.
Umakyat nalang ako sa kwarto ko pero narinig ko pa rin sila.
"Eh pano, si Kuya kasi bigla akong hinila paalis. Ni hindi ko nakilala kung sino mga nakatira doon especially that cute and hot guy..." Sagot ni Jese kay Mommy na humina ang boses sa huling sinabi.
" What?" Iyon lang ang narinig kong reaksyon ni Mommy sa sagot ni Jese.
Looks like I'm going to be very protective to my little sister.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...