Jese Ryl's POV
Dahil sa tensyon kanina ay napagdesisyunan na ang grupo nila Kuya at nu'ng lalaking si Gio ang unang maglalaro para naman daw di na sila magkasuntukan at ibuhos nalang sa laro ang mga energy nila.
Kanina pa nagsimula ang laro at lamang nang tatlong puntos ang Blue Team na sina Gio. Kaya naman di ko maiwasang mainis sa grupo nila na mukhang nagmamayabang na dahil sure na sure na mananalo na sila, medyo nagkakapisikalan na rin sa 3rd Quarter ng game.
“Hindi na nagiging maganda ang takbo ng laban,” Iiling-iling na sabi ni Ate Carri habang magkakrus ang mga braso na nakatingin sa mga naglalaro.
She's right, hindi na nga nagiging maganda ang laban at parang gusto ko nalang pumunta sa gitna tsaka pagsasabunutan ang Blue Team na kanina pa sinasadyang banggain o itulak si Kuya Dave na alam kong naiinis na rin sa kanila.
Na kay Kade na ang bola at ipinasa niya iyon kay Kuya Dave na malapit sa ring at nakabantay sa kanya iyong si Gio, nakuha naman ni Kuya ang bola at aktong i-sho-shoot na niya iyon sa ring kaya tumalon siya kaya napatalon din iyong Gio ngunit hindi shinoot ni Kuya ang bola pagkatalon din ni Gio at bago pa tumapak ulit ang mga paa ni Gio sa semento ay tumalon ulit si Kuya tsaka shinoot ang bola kaya napahiyaw kami nina Ate Carri nang mashoot iyon at nakakuha nang 3 points sina Kuya Dave.
“Black Team! Black Team! Black Team!” Chant namin nina Ate Carri at nakisabay naman ang iilan sa gawi namin.
Hindi naman nagpatalo ang mga sumusuporta sa kabilang team.
“Blue Team! Blue Team! Blue Team!” Chant din nila kaya naman mas lalong umingay ang court.
Naririnig ko ring nakiki-chant sina Mommy sa'min para kalabanin ang sa kabila pero napatigil kami sa pagchachant namin ng biglang bumagsak sa sahig si Kuya Dave na napaupo habang mayabang na nakangisi sa kanya si Gio na siyang tumulak sa kanya. Hawak na naman kasi ni Kuya ang bola at ito namang si Gio na siyang laging nakabantay kay Kuya ay tinangkang agawin ang bola, syempre hindi iyon hinayaan ni Kuya kaya naman ang bwesit na Gio ay bigla na lamang tinulak si Kuya dahilan para mapaupo ito sa sahig.
“Madaya! Tinulak ni Gio si Dave!” Inis na sigaw nang isang babaeng nanonood sa may likuran namin.
“Madaya ang leader n'yo Blue Team! Madaya!” sigaw din ng isa pa.
“Anong madaya?! Baka hindi naman sinadya! Makabintang kaagad wagas!” Sigaw din ng isang babae na sumusuporta sa Blue Team.
Napailing nalang ako. Pati mga nanonood na sumusuporta lang ay nagkakainitan na dahil sa ginawa ni Gio.
Biglang pumito ng malakas ang MC dahilan para matigil ang sigawan ng mga nanonood.
“Tumahimik kayong— Aayy!!” Naputol ang sasabihin niya ng biglang sinuntok ni Gio si Kuya na mukhang may sinabi na hindi nagustuhan nung isa. Napaupo ulit si Kuya sa semento ngunit tumayo din naman kaagad at nakangising pinahid ang dumudugo niyang labi gamit ang isang kamay niya.
Kaagad naman kami nila Ate Carri, Ate Seanne, at nila Mama na tumakbo papunta kay Kuya.
“Dave Rangell!” Rinig kong sigaw ni Ate Seanne at mas nauna pang nalapitan samin si Kuya. “Ayos ka lang ba?”
Tumango naman si Kuya na hindi tinitignan si Ate Seanne imbes ay nakapako ang galit niyang tingin kay Gio na ngayon ay nakatingin sa kanilang dalawa ni Ate Seanne. Kita ko ang selos sa mga mata ni Gio habang nakatingin sa dalawa.
“You asshole.” Matigas na sabi ni Kuya Dave na masama ang tingin kay Gio.
Ramdam kong may tumabi sa gilid ko at amoy pa lang niya kahit pawisan siya ay alam ko nang si Kade iyon.
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...