Roseanne's POV
Kakauwi ko palang sa bahay galing sa 'date' namin ni Dave Rangell na hindi ko alam kung bakit biglaan akong ipinaalam kay Mama. Halos mailabas ko lahat ng mga damit ko sa closet ko dahil sa ani Kier na magbihis daw ako kasi may lakad daw kaming dalawa ni Dave Rangell. Medyo hindi nga ako makapaniwala na dinate niya ako buong araw ngayon eh, kinurot ko na nga ang sarili kanina kung nananaginip lang ba ako ngunit hindi. Totoo talaga na dinate niya ako!
Nakangiti kong isinend sa kanya lahat ng pictures namin at pati na rin 'yung sa kanya kanina na kinuha ko habang nakatihaya ako rito sa kama ko at kakatapos lang mag half bath.
Roseanne Barrinuevo
You sent 8 photos.Maya-maya pa ay biglang nag online si Dave Rangell at sineen kaagad ang sinend kong pictures. Lumabas ang tatlong tuldok na umalon, tanda na nagtitipa siya ng mensahe.
Dave Rangell Ibasco
Thank you RoseanneDave Rangell sent a photo.
Sinend ni Dave Rangell ang kinuha niyang pictures ko kanina sa gitna ng mga bulaklak. Ang ganda ng pagkakakuha niya ng picture sa'kin, half body lang iyon, may iilang strands ng buhok ko ang nasa mukha ko na bahagya kong hinawakan para alisin na nakuhanan niya at nakangiti din ako sa picture.
Namalayan ko nalang na nag change na ako ng profile picture ko sa Facebook at Instagram, ang picture ko na sinend ni Dave Rangell ang pinalit ko. Nagagandahan kasi talaga ako sa pagkakakuha niya.
captured by him
Iyon ang naging caption ko sa Facebook at Instagram na maya-maya pa ay marami na ang nagreact lalo na sa Facebook na mostly ay mga schoolmates ko ang friends at iilangan kakilala na hindi ko talaga kaclose pero in-add ako sa fb kaya in-accept ko nalang.
Naka 74 reacts agad iyon sa Facebook na puros hearts at may iilan pang nagcomment na ang iba ay hindi talaga niya kaclose pero nakikita lang sa EHS.
Winnie Alvarez: ganda mo po Ate! lucky naman ng him na 'yan sa'yo
Leslie Rebucas: may him na pala ang magandang prinsesa ng mga barrinuevo... kyah kaintriga naman kung sino!
Kirk Matthaios Barrinuevo: ganda mo naman ate! lab lab ka namin!
Jese Ryl Ibasco ✔ : 😍💗✨ pretty ate seanne!!
Reeve Sebastian Vallejo: ang ganda mo seanne, pogi din ba 'yang him na 'yan? baka mas pogi pa ako riyan ah!
Rayver Sarmiento: beautiful as always ❤
Ilan lang iyon sa mga comments na nabasa ko at hindi na pinagkaabalahan na basahin pa ang iba. Pumunta naman akong IG ko at hindi na tinignan ang account na naka log in tsaka ko pinost ang photos naming dalawa ni Dave Rangell kung saan ay nakapeace sign ako habang naka heart sign naman si Dave Rangell.
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Fiksi RemajaSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...