Chapter 31

144 7 0
                                    

Roseanne's POV

“Ang napakaganda kong apo,” Ani Lola Asuncion nang makalapit ako sa kaniya para yumakap at magmano gaya nang ginawa nila Kuya.

“Kumusta po kayo Lola? Pasensya na po at ngayon lang ulit kami nakabisita sa inyo, ” Hingi ko pa nang paumanhin.

Ngumiti lamang si Lola at pinakatitigan ako. Sanay na naman akong tinititigan niya ako tuwing bibisita kami rito pero hindi ko pa rin maiwasang magtaka kung bakit tinititigan ako ni Lola na para bang may pangungulila siya sakin at napapansin kong may lungkot sa mga mata niya.

“Sobra ka talagang nagmana sa kanya,” Bigla ay sambit ni Lola at may luhang tumulo sa gilid nang kanyang mga mata.

Hindi ko alam kung si Mama ba ang tinutukoy ni Lola o kung may iba ba pero bago pa man ako makapagtanong kung anong ibig sabihin ni Lola ay lumapit ulit si Mama na mukhang nagpanic pa.

“Uh... Ma, natatandaan niyo pa ba si David at Jhessa? 'Yung kaibigan po namin nung highschool?” Ani Mama at lumapit naman sina Tita Jhessa at Tito David kaya gumilid ako para makadaan sila.

Hindi ko tuloy maiwasang magtaka sa inakto ni Mama. Anong ibig sabihin ni Lola na sobra akong nagmana sa 'kanya'?

“Ito po 'yung mga anak namin, Tita.” Rinig kong sabi ni Tita Jhessa at pinalapit sina Dave Rangell at Jese Ryl. Una niyang ipinakilala si Jese Ryl na unang lumapit at mukhang excited mameet si Lola, “Ito po 'yung bunso namin si Jese Ryl at...” pinakilala naman niya si Dave Rangell na ngumiti kay Lola. “Si Dave Rangell, ang panganay po namin.”

Kita ang masayang expression ni Lola habang nagmamano ang dalawa sa kanya ng may paggalang.

“Napaka ganda at gwapo naman ng mga anak ninyo Jhessa at David, halatang may pinagmanahan.” Masayang sabi ni Lola habang nakatingin kina Jese Ryl at Dave Rangell.

“Ofcourse Tita. Kanino pa ba magmamana ang dalawang 'yan kundi saming mga magulang nila.” Natatawang sabi naman ni Tito David.

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago David mahilig ka pa rin mamilosopo,” napapailing na sabi ni Lola. “Osha, sa kusina na muna tayo at magsikain dahil sigurado akong nagutom kayo sa byahe niyo. Marami kaming hinandang pagkain nina Gracia.”

Lahat sila ay nagsipasok na sa loob nang bahay pero nagpaiwan ako rito sa veranda dahil nabobothered pa rin ako sa sinabi ni Lola kanina. Oo matanda na nga si Lola pero hindi pa naman siya ulyanin para makalimutang nanay ko ang anak niyang si Anya pero may parte sa akin na nag uudyok na tanungin si Lola sa kung anong ibig sabihin niya. Parang hindi ako matatahimik hanggat hindi ko malaman ang sagot.

“Ayaw mo pang pumasok, Roseanne?” Napaangat ang tingin ko kay Dave Rangell na nasa harapan ko at nakatingin sakin.

Napabuntong hininga ako. “Nabobothered kasi ako sa nasabi ni Lola kanina.”

Napakunot ang noo niya. “Ano bang nasabi ni Lola Asuncion at bothered ka? I didn't hear it earlier cause your Tita Faye motioned me to put our bags in the living room temporarily.”

Umiling ako sa kanya. “Wag na baka nagkamali lang si Lola nang nasabi. Tara na sa loob baka hinahanap na tayo roon,”

Alam kong hindi nagkamali si Lola pero ayaw kong pati si Dave Rangell ay mag isip rin tungkol doon kaya iyon nalang ang sinabi ko kahit pa halata naman na hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

Sabay kaming pumunta sa kusina at naabutan naming kumakain na silang lahat. Ang mga matatanda ay nasa dining table na gawa sa malapad at malaking kahoy, may walong upuan lamang kaya ang triplets at si Jese Ryl ay doon na lamang kumain sa may sala. Sina Kuya Jace at Ate Cassidy naman ay kasama nang mga matatandang kumakain sa dining table at ramdam ko ang kaba ni Ate Cassidy na tahimik na kumakain dahil nasa kanila ni Kuya Jace ang usapan ng mga matatanda.

Lumapit kami ni Dave Rangell at kumuha nang pagkain namin habang nag-uusap pa rin ang mga matatanda.

“Namanhikan ka na ba sa pamilya nitong si Cassidy, Jace?” Rinig kong tanong ni Lola kay Kuya.

Napaangat naman ang tingin ni Kuya kay Lola. “Hindi na po kailangan Lola alam na naman nila na magkakaa—”

Napailing si Lola tsaka tinignan si Kuya nang walang emosyon sa mukha. “Hindi pupwede iyan Iho. Dapat ay mamanhikan ka sa pamilya nitong si Cassidy lalo pa at nabuntis mo siya nang maaga tsaka bilang respeto na rin sa mga magulang niya. Hindi ka ba nahihiyang binuntis mo nang maaga ang anak nila? Napakabata niyo pa para maging magulang. Sabagay, sobrang naiiba na ang mga kabataan ngayon.”

Kita ko kung paanong hiniwakan ni Ate Cassidy ang kamay ni Kuya na nasa mga hita niya nang siguro ay maramdamang natahimik si Kuya dahil sa mga sinabi ni Lola. Kahit matanda na si Lola ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga tradisyunal na pamamaraan kaya naman alam kong napepressure sila Kuya sa mga sinasabi ni Lola.

“Para ka ring si Shun. Pananagutan nga itong bata pero hindi naman namanhikan rito at dinala nang walang paalam ang anak ko sa puder niya pero anong nangyari at nawawala ang anak kong iyon...” May galit at lungkot na ani Lola.

Nang matapos na akong makakuha nang pagkain ay pumunta ako sa triplets at nakiupo roon upang doon na rin kumain. Nakita ko namang sumunod sakin si Dave Rangell at naupo sa tabi ni Kier. Habang kumakain ay bigla kong naalala ang sinabi na naman ni Lola kina Kuya, sinong Shun naman kaya iyon? Wala akong kilalang Shun na kaibigan nang pamilya namin.

“Oy, tingnan niyo oh.” Napatingin ako kay Kirk nang may inabot siyang picture frame sa may gilid na nakapatong sa maliit na cabinet. Tinignan niya iyon at napakunot ang noo niya, “Huh? May kakambal si Mama?”

Iniharap ni Kirk samin ang picture frame at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa puso ko habang nakatitig sa babaeng kamukha ni Mama sa picture. Pareho silang naka yellow dress at nakangiti sa picture pero kahit magkaparehas sila ng mukha at suot ay nakilala ko kaagad si Mama roon.

“KIRK MATHAIOUS!” Kaagad na napatingin kami kay Mama sa kusina na ngayon ay nakatayo na sa kinauupuan habang galit na nakatingin samin.

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW ^^

ano thoughts niyo?

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon