Chapter 8

233 10 0
                                    

Roseanne's POV

Kasama namin ng mga kapatid kong maglunch sina Jese Ryl, Dave Rangell, at si Reeve Sebastian. Tahimik lang kami nina Dave Rangell at Reeve habang sina Jese Ryl at 'yung triplets ay nagkakatuwaan samantalang sweet na sweet naman sina Kuya Jace at Ate Cass. Kakatapos lang namin kumain at nagpapahinga nalang kami habang hinihintay na mag ala una para sa susunod na subject.

"Seanne, congrats nga pala. Ikaw na Presidente nang Dance Club." Bati sa akin ni Reeve.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Salamat Reeve."

"Diba may audition mamaya sa court?" Tanong naman niya.

Tumango ako. "Oo. Marami kasi sa members eh gagraduate na kaya napagmeetingan noong Biyernes na maghanap ng new members. Mas maganda kung maraming lalaki ang mag-aaudition dahil halos members eh babae."

Tumango-tango siya tapos ay ngumisi. "So pwede ako mag-audition?"

Kinunotan ko siya nang noo. "Bakit marunong ka bang sumayaw?"

Alanganin siyang napatawa. "Sabi ko nga eh hindi ako pwede d'yan."

"Si Kuya Rangell Ate Seanne, magaling 'yan sumayaw." Biglang sabi ni Jese Ryl na itinuro pa ang Kuya niyang nananahimik sa tabi ni Reeve.

"Weh? Talaga?" Hindi naniniwalang sabi ko. Si Dave Rangell magaling sumayaw? Parang wala sa hitsura niya.

Tumango si Jese Ryl. "Yep. In fact, myembro siya nang isang Dance Group dati sa Canada."

Napatingin ako kay Dave Rangell na masamang nakatingin sa kapatid niyang ayaw siyang tingnan dahil alam na nito ang masamang tingin nang Kuya niya sa kanya. Mukhang ayaw pang maexpose ni Dave Rangell na may talent siya sa pagsasayaw.

"Really?" Manghang saad ni Reeve. "Dapat ay mag-audition ka sa Dance Club Rangell. Malaki ang chansang makapasok ka dun, right Seanne?"

Tumango lang ako sa sinabi ni Reeve.

"No thanks." Pagtanggi ni Dave Rangell.

Hindi nalang siya kinulit nung dalawa at hinayaan nalang siya sa desisyon niya. Pero kung talagang magaling siyang sumayaw eh bakit ayaw niyang mag-audition sa Dance Club? Wala namang masama kung susubukan niya, hindi ba?

Nung pumatak ang ala una ay kanya-kanya na kaming punta sa mga classrooms namin. Mabuti naman dahil kanina ko pa napapansin ang maraming pares ng mata na nakatingin samin. Sanay na naman ako dahil sa kilala ang mga kapatid ko pero medyo iba ngayon eh dahil kasama namin ang isang kilalang batang Vlogger, ang isa sa napakatalinong estudyante sa Estellan High School, at ang gwapong masungit na transferee.

Gaya kaninang umaga mabilis lang din lumipas ang oras kaya nang matapos ang huling subject ay pumunta na agad ako sa court. Pagkarating ko ay marami nang tao, ang iba ay mag-aaudition habang ang ilan ay mukhang manonood lamang.

Nagsimula na ang audition. May mga nagsolo at may naggroupings na hanggang lima lang ang pwede. May mga lalaki na ring sumali at mukhang marami kesa last year.

"Next auditionee," Sabi ni Ma'am Galvez na siyang nasa tabi ko.

Pumunta ang isang lalaking matangkad sa gitna kung saan magsasayaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya. Ang akala ko ba ayaw niyang mag-audition? Umingay ang mga nanonood at 'yung ibang auditionee dahil kahit bago palang siya rito sa Estellan ay kilalang-kilala na siya.

"Name?" Tanong ni Ma'am Galvez sa kanya.

"Dave Rangell Ibasco, Ma'am."
Sagot niya kay Ma'am Galvez.

Pumwesto na siya nang maayos at nagplay na ang music na sasayawin niya. Nagsimula na siyang sumayaw at napanganga kaming lahat kahit simula pa lang iyon. Tang*na, napanood ko 'to sa YouTube eh. Ito 'yung sinayaw ni Hyunjin nang Stray Kids sa Studio Choom bilang Artist Of The Month and aaminin kong mahirap ang choreo nun pero shit kuhang-kuha ni Dave Rangell ang bawat galaw ni Hyunjin. Pati si Ma'am Galvez ay napanganga na rin. Hindi pala nagsisinungaling kanina si Jese Ryl nang sabihin niyang magaling ang Kuya  niyang sumayaw pero hindi niya sinabing sobrang galing ng Kuya niya.

Kahit nakauniform lang 'tong si Dave Rangell habang sumasayaw sa gitna ang hot pa rin niyang sumayaw. Hindi ko tuloy maiwasang mas humanga pa sa kanya.

Nang matapos siya sa pagsasayaw ay napuno nang hiyawan ang court dahil sa mga nanonood na namangha sa pagsasayaw niya. Kahit kami nga nina Ma'am Galvez at Rona ay napatayo at napapalakpak sa galing niya.

"Napakagaling mong sumayaw, Mr. Ibasco." Komento pa ni Ma'am Galvez. "At dahil sobra mo kaming pinahanga ay wine-welcome kana namin sa Dance Club. Congratulations!"

Mas lalong umingay ang court dahil sa anunsyong iyon ni Ma'am Galvez. Inanounce na rin ang ibang nakapasok nang hapon na iyon.

Nag-uwian na ang halos lahat nang mga estudyante andito sa Court at hito ako ngayon hinihintay ang mga kapatid ko rito sa court. Kanina ko pa sila hinihintay dito at tinext ko na silang apat pero wala pa rin ni isa sa kanila. Ano kaya nangyari sa mga 'yon?

"Roseanne," Napalingon ako sa tumawag sa'kin.

Si Dave Rangell.

"B-bakit?" Medyo nautal  pa ako.

"You're older brother called me earlier saying na sumabay ka nalang daw pauwi sa'kin. He's in his groupmate's house doing a project while your triplets brothers is nauna na raw umuwi kasama si Jese Ryl cause they will practicing a dance for their performance in Mapeh." Paliwanag niya sa akin at hindi na ako nagreklamo pa. Pero medyo shocking na pinagkatiwala muna ako ngayon nila Kuya kay Dave Rangell kahit hindi pa naman kami medyo close.

Sumabay na ako kay Dave Rangell pauwi. Pinagtitinginan pa nga kami palabas nang school eh pero dedma lang nang kasama ko kaya dinedma ko nalang din. Nang makalabas na kami ay tuloy-tuloy lang na naglakad palabas si Dave Rangell, kukunin ko pa bike ko eh. Hinayaan ko nalang siyang mauna maglakad at kinuha ko nalang muna ang bike ko bago nakabike na sumunod sa kanya.

Nagulat siya nang bigla kong ihinto ang bike sa harapan niya. Napahawak pa siya sa dibdib niya sa gulat.

"Magugulatin ka pala." Natawa kong sabi sa kanya bago ko tinuro ang upuan sa likod ng bike. "Sumakay kana dun, Dave Rangell."

Tinignan niya ako nang seryoso at hindi niya sinunod  ang sinabi ko. Nagtataka ko naman siyang tinignan.

"Ayaw mong sumakay?" Tanong ko.

"Ako na d'yan, ikaw dito sa likod." Aniya at hinawakan ang isang hawakan dahilan para mahawakan niya ang kamay ko. Sheyt... ang lambot ng kamay niya.

Dahil sa ginawa niyang iyon ay dali-dali akong umalis sa bike at hinayaan siyang pumalit habang ako naman ay sumakay nalang sa likuran. Hindi ko alam kung bakit pero kinikilig ako sa pwesto namin ngayon pauwi.

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon