Chapter 48

133 3 1
                                    

Roseanne's POV

Sa dumaang isang linggo ay inabala ko ang sarili sa pag aasikaso nang debut ko. Umaga hanggang gabi ay inasikaso ko ang nalalapit kong birthday, ni hindi ako nagpapahinga o kumain man lang. Gusto kong libangin ang sarili sa pagiging busy para makalimutan ko ang nakita at nalaman ko. Kapag naiisip ko ang tungkol dun ay parang sinaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko.

back off y'all this dancer is already mine

mamahalin infinity

Mapait akong napatawa ng maalala ang comments niya sa dalawang dance covers ko. Pinagloloko niya ba ako? May girlfriend na siya pero kung makaangkin sa'kin kala mo naman ako 'yung girlfriend niya.

Tsk. What an unfaithful boyfriend.

“You look so stunningly gorgeous, Miss.” Komento ng makeup artist na kakatapos lang akong make-up-an.

Napatitig ako sa reflection ko sa malaking salamin na nasa harap ko. She's right, I look stunningly gorgeous but when you look at my eyes you'll see the sadness. Wala akong pinagsabihan tungkol sa nakita at nalaman ko even Daddy Shun and Kuya Raj ay walang alam dahil wala akong pinagsabihan ni isa sa kanila. Just like Papa Joshua, Kuya Jace, and the triplets, they are also protective to me kaya I'm sure kapag nalaman nila ang tungkol doon ay hindi magdadalawang isip ang mga iyon na sugurin si Dave Rangell sa bahay nila.

Kimi akong ngumiti sa make up artist.

“Thank you so much po,” Magalang kong pasasalamat sa kanya.

Tumayo ako mula sa kinauupuan at hinawakan ko ang pulang gown ko upang makalakad ako ng maayos. Medyo mabigat din kasi ang gown ko.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok sina Kuya Jace at Ate Cassidy na parehong may karga kargang mga bata. Mga nasa dalawa o isang taon na ang dalawang bata na magkamukha.

Ang kambal kong pamangkin. Si Lhael at Khael.

“Kuya Jace! Ate Cass!” Masaya kong sambit at kaagad na yumakap sa kanilang dalawa.

Matapos kong yumakap sa kanila ay napatingin naman ako sa mga pamangkin kong inosenteng nakatingin sa'kin. Ang tataba ng mga pisngi at ang pula ng mga labi!

“Hi baby Khael... Ang cute mo naman...” Nanggigigil kong sabi at kinurot ng mahina ang pisngi niya para hindi siya masaktan.

Tinitigan lang ako ni Khael at napabaling naman ako kay Lhael na karga ni Ate Cass. Gaya ng kakambal ay nakatitig lang din siya sa'kin.

“Hi Lhael! Ang ganda-ganda naman, mana kay Tita siya oh...” Nanggigigil ko ring sabi at kinurot ang pisngi niya ng mahina.

“Happy Birthday Roseanne,” Bati sa'kin ni Ate Cass.

“Salamat Ate.” Nakangiti kong sabi.

“Happy Birthday Seanne.” Bati naman ni Kuya Jace. “Dalaga na talaga ang prinsesa namin.”

Natawa ako sa sinabi ni Kuya Jace.

“Kuya, kahit pa tumanda na ako, ako pa rin naman ang prinsesa niyo.” Sabi ko at natawa ulit.

“Yeah, right.” Natawa rin si Kuya Jace. “Sige na, intayin nalang namin ang grand entrance mo maya-maya.”

“Sige Kuya.”

“Twins, say babye na muna kay Tita Seanne.” Napabaling naman ang atensyon ko sa mga pamangkin ko. Tumaas naman ang mga maliliit nilang kamay at kumaway sa'kin habang inosente lamang ang mga mukhang nakatingin sa'kin.

“Alis na kami Seanne, intayin ka nalang namin sa baba.” Ani ulit Kuya Jace at umalis na silang pamilya.

Nang makaalis na silang magpamilya ay hindi pa man nag iisang minuto ng may kumatok na naman sa pintuan ng kwarto ko at pumasok si Kuya Raj suot ang isang puting tuxedo na mas nakadagdag sa taglay niyang kagwapuhan.

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon