Chapter 10

219 7 0
                                    

Dave Rangell's POV

"Kasalanan niyo 'tong tatlo eh," Paninisi ni Jace sa triplets niyang kapatid matapos magalit ni Roseanne sa kanila.

"Anong kaming tatlo? Nating apat, Kuya. Kasama ka rin kaya." Sabi rin ni Kier.

Nagbibintangan na silang apat kung sino talaga may kasalanan sa pagkagalit ni Roseanne when in fact silang apat ang may kasalanan. Roseanne waited for them to the court but they didn't show up only to surprise her at home, they didn't even think how would Roseanne feel waiting on nothing for almost 2 hours.

Nagpaalam nalang kami sa kanilang uuwi na and they are sorry for what happened.

"Kuya, mukhang galit talaga si Ate Seanne sa KM Triplets at kay Kuya Jace." Ani Jese Ryl habang papasok kami nang bahay.

"Hindi naman 'yon galit sa kanila siguro ay nainis lang o kaya ay sumama ang loob sa ginawa nila." I explained to her.

Napatango-tango naman siya. "Sabagay, kahit ako gaganunin maiinis din ako eh."

We both sat on the sofa. She watch a movie while I'm on my cellphone watching the video that a student take earlier while I'm auditioning. Pero na sa sarili kong sumasayaw sa video ang pinanood ko, si Roseanne na dahil kita siya sa video. She looks amaze and surprise. I don't know why but I suddenly smiled and feel proud of myself that I make her looks amaze and surprise with my dance. Shit... Why am I feeling this?

And then suddenly, here I am again. Searching her name on Facebook pero nung nagpop-up ang account niya doon ay may biglang umagaw nang cellphone ko. Paglingon ko si Jese Ryl. Lumayo siya sa'kin at may pinindot sa cellphone ko tsaka siya ngumisi.

"Jese Ryl, give me back my phone." Seryosong sabi ko sa kanya.

Pero hindi niya ibinigay. Ihinarap niya ang screen nang cellphone ko sa'kin at ipinakita ang ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagsend nang friend request si Jese Ryl kay Roseanne! Shit! Ilang sandali lang ay nagnotif ang Facebook na friends na kami ni Roseanne sa Facebook. Doon tumawa nang malakas si Jese Ryl at ibinigay na sa akin ang cellphone ko.

"You should do the first move Kuya baka maunahan ka pa." Aniya bago tumatawang umakyat sa kwarto niya. Shit! Shit!

Kinabukasan, medyo sinasadya ko talagang magpalate nang kaunti pero mas late pa pumasok sa'kin si Roseanne. Mukhang wala siya sa mood ngayon siguro ay dahil 'to sa nangyari kahapon. Pero hindi ko siya matignan nang deritso dahil nahihiya ako sa ginawa ni Jese Ryl kagabi sa cellphone ko. Baka kung anong isipin ni Roseanne dahil doon pero bakit may parte saakin na nagustuhan 'yung ginawa ni Jese Ryl?

"Mukhang wala ka sa mood ngayon, Seanne." Rinig kong sabi ni Reeve na hindi sinagot ni Roseanne.

Wala nga ata sa mood si Roseanne. Kaya hindi nalang din namin siya kinakausap.

"Rangell, congrats nga pala." Bati sa'kin ni Reeve habang naglalakad kami papuntang canteen. "Nag-audition ka naman pala kahapon eh may paayaw-ayaw kapa."

"Tsk. My mind changed." Sagot ko nalang sa kanya.

Nang makarating kami sa canteen bumili na agad kami nang snacks namin at naupo muna sa isang mesa. Kakaupo pa lamang namin doon ay may magandang babae na lumapit sa bakanteng upuan katabi ni Reeve na nagpatigil naman sa pagkain nang snacks niya.

"Hi Reeve-babe. Bakit hindi kana nagrereply sa mga messages ko? Even my calls ay hindi mo sinasagot!" Reklamo nang babae sa kanya na napanguso pa.

Hindi pa man naibubuka ni Reeve ang bibig upang magsalita ay may babae na namang lumapit sa amin.

"Hey Husband." Bati niya kay Reeve at humalik pa sa pisngi nito.

Whoa... What's happening?

Medyo matagal naman bago nakarecover si Reeve sa paghalik sa pisngi niya.

"H-hey W-wifey." Kita ko ang biglaang pamumula nang tainga niya.

Napataas naman ang kilay nung isang babae at napatayo pa habang inis na napatingin doon sa isa. Uh-oh mukhang may mag-aaway.

"The F?! What did you do to Reeve, you bitch?!" Inis na sabi nung isa.

The other girl cross her arms and raise a brow. "Nothing. Just accept it Riane. Me and Reeve we're already engaged since we born and you can't do anything about it."

Engage? But they're so young to be engage at their age.

Mas lalo tuloy nainis ang babae sa isang babae at handa na sana itong sugurin nang pumagitna na sa kanila si Reeve. Marami na rin kasing mga estudyante ang nanunuod.

"Riane, Nessey, please stop. You two are making a scene!" Sigaw sa kanila ni Reeve.

"Okay then, I will stop." Walang gana na sabi nung Nessey.

"I'm not done yet to you, Hennessey. You bitch." At umalis na ang babaeng si Riane.

"And you, Nessey—" Hindi na natapos ni Reeve ang sasabihin nang bigla siyang sinampal ni Nessey na wala pa ring emosyon sa mukha.

"You better stop being a womanizer Reeve cause if not you will not like what I'm going to do." Then she left leaving Reeve speechless.

That was a intense scene.

Napabuntong-hiningang napaupo nalang si Reeve habang nakahawak sa pisngi niyang sinampal nung Nessey.

"I really hate that girl." Sambit niya nang makaupo.

"Who? The Riane or that Hennessey?" Nang-aasar kong tanong sa kanya.

"That Hennessey. Kinuha niya ang cellphone ko and even threatened me some scary stuff!" May inis sa tono na aniya.

"But is that true? You two are engaged?" Tumango lang siya sa tanong ko.

May mga ganito pa din pala kahit nasa 21st Century na tayo. Ininom ko nalang ang binili kong juice at inubos na ang sandwich na binili ko ganun din si Reeve na mukhang may iniisip pa habang kumain.

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon