Roseanne's POV
Unknown Number:
You've done a great job, Seanne. This Saturday, I'll fetch you to your house. By the way, this is Hennessey.Napabuntong hininga nalang ako sa text ni Nessey sa'kin. Saan nun nakuha ang number ko?
"Sino 'yung nagtext Seanne?" Tanong ni Reeve sa'kin na kumakain nang sandwich.
"W-wala... si ano lang TNT sinabi ubos na raw load ko, load na daw ulit ako." Syempre palusot ko lang yon noh, hindi ko pwedeng sabihin na fiance niya yun. Takot ko lang dun kay Hennessey.
Tumango lang siya sa'kin tsaka ulit nagtanong. "Hindi ko na nakikita si Jace ah pati 'yung triplets. Ano bang ginagawa ng mga 'yun?"
Oo nga no, simula nung bagkabati ulit kaming lima ay hindi ko na sa nakikita kahit sa bahay ay hindi na. Ano naman kaya pinagkakaabalahan ng mga 'yun ngayon?
"Hindi ko rin alam eh," kibit-balikat kong sagot.
Natahimik kaming dalawa pero nagsalita ulit siya.
"Seanne, napansin mo ba si Rangell?" Aniya.
Napakunot naman ang noo ko. "Napansin ang alin?"
"Simula kahapon eh iniiwasan niya tayo. Hindi mo napansin?" Umiling ako sa sinabi niya.
"Hindi eh. Pero bakit naman tayo nun iiwasan?" Tanong ko pabalik sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya at inubos nalang namin ang snack namin bago bumalik sa classroom. At gaya nang sinabi niya sa'kin ay napansin ko na ring iniiwasan nga kami ni Dave Rangell. Ayaw na kaming kibuin kaya hinayaan lang muna namin.
Nung maglunch break na ay inaya namin siyang kumain sa canteen pero umayaw siya dahil ang rason niya ay busog pa daw siya eh hindi naman siya nagsnack kaninang recess. Kaya pinilit siya ni Reeve na sumama samin ngunit nagulat kami nang bigla niyang tinulak si Reeve na sa lakas ay halos masira ang plastic arm chair na binagsakan ni Reeve. May ilang napasigaw na mga kaklase namin dahil doon 'yong ibang lalaking kaklase namin na andito pa ay inawat si Dave Rangell 'yung ilan ay tinulungan naman si Reeve na makatayo mula sa pagkakabagsak.
"Dave Rangell, bakit mo ginawa iyon?" Medyo may halong inis sa boses kong tanong sa kanya.
Tinignan niya ako ngunit walang kahit anong ekspresyon o emosyon sa mukha niya. "Sabing ayoko eh. Tsk."
Nilapitan ko naman si Reeve na ngayon ay pinaupo na nila sa isang plastic arm chair. "Ayos ka lang, Reeve?"
Tinanguan lang niya ako at tumingin siya kay Dave Rangell na madiing nakatitig samin. Hindi ko alam kung anong problema nitong si Dave Rangell at bigla nalang niyang tinulak si Reeve pero hindi ko iyon papalampasin.
"Dave Rangell, ano bang nangyayari sayo? Kahapon ka pa ah. Kung may problema ka pwede mo namang sabihin samin dahil magkakaibigan tayo—" pinutol niya ako.
Tumawa siya nang pilit. "Magkakaibigan? Sorry to burst your bubble Roseanne but we're not friends."
Natigilan ako sa sinabi niya. Nawala ako nang salitang sasabihin dahil sa sinabi niya.
"That was hurt."
"Grabe naman 'yon."
"He's rude."
Rinig kong bulungan ng mga estudyanteng nakikiusyoso sa labas nang classroom namin. Pinagkakaguluhan na 'yong classroom namin dahil sa nangyari.
"Mister Ibasco, Miss Barrinuevo and Mister Vallejo. Please explain what is happening here!"
*
Dahil sa nangyari ay muntik pa kaming maguidance kung hindi lang sinabi ni Ma'am Lopez na kapag naulit pa daw iyon ay ipapaguidance na niya kami. Mabilis na kumalat iyon sa EHS kaya hindi na ako nagulat nang sa uwian ay sinalubong ako nina Kuya pagkalabas ko nang classroom namin.
Una ko agad napansin ang salubong na mga kilay ni Kuya Jace.
"Nabalitaan namin 'yung nangyari rito kanina. Ayos ka lang ba, Seanne-Seanne?" Tanong ni Kuya nang makita ako.
Tumango ako. "Ayos lang ako Kuya."
"Ano ba kasi ang nangyari Ate at natulak ni Kuya Rangell so Kuya Reeve?" Usisa naman ni Kade.
Ikukwento ko na sana ang nangyari nang dumaan sa gilid ko si Dave Rangell. Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sa'kin na agad niyang binawi tsaka deri-deritsong naglakad papaalis. Pagkatapos kaming kausapin ni Ma'am Lopez sa nangyari ay hindi na kami nag-imikan ni Dave Rangell pero si Reeve na siyang tinulak ay kinakausap pa kanina si Dave Rangell na dinededma lang siya at siya pa 'yung panay sorry kahit na ang dapat magsorry ay 'yung tumulak sa kanya. At 'yung sinabi niya kaninang hindi kami magkakaibigan ay hindi maalis-alis sa utak ko. Ang sakit kaya nun.
Narinig kong napabuntong hininga si Kirk na kalmadong nakikinig lang.
"Kuya, sa bahay nalang natin pag-usapan ang nangyari. Pagabi na oh, baka abutan pa tayo sa daan pauwi." Aniya na sinang-ayunan naman namin.
Habang naglalakad kami pauwi ay tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ito.
Unknown Number:
I heard the news about what happened Roseanne. And I'm mad now. That ibasco should pay for what he did to Reeve.Shit!
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!hi! I'm open to criticism about what to improve to my writing skills. Feel free to message me directly at my writing purpose account @Kyeopshe WP on Facebook. Luvlots!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...