Chapter 45

144 4 0
                                    

Roseanne's POV

Balik klase na ulit kami ngayon at para bang napakahabang linggo para iyon sa'kin, ang dami kasing nangyari na hindi ko inasahan. Ang pagbisita namin kay Lola Asuncion sa Archalente, iyong confession namin sa isa't isa ni Dave Rangell, at iyong nung isang araw na nalaman kong posibleng hindi ako tunay na anak nila Mama at Papa o kaya ay anak sa labas. Pero napaisip ako na kung anak man ako sa labas bakit parang totoong anak ang turing sa'kin ni Papa? And seeing Mama and Papa together, naitanong ko sa isip ko na did Mama ever cheated to Papa? Maraming tanong sa utak ko at karamihan noon ay nagsisimula sa what if's at tama si Dave Rangell, hindi ko dapat patagalin ito dahil ngayon pa nga lang ay marami nang tanong sa utak ko. At ang solusyon lang para masagutan ang mga tanong na iyon sa utak ko ay ang kausapin sina Mama at Papa.

“Ate, sabay na tayo papuntang EHS.” Sabi ni Kade na kinuha ang backpack niyang itim na nasa sofa. Kabababa ko lang galing kwarto ko pagkatapos maayos ang sarili.

Tumango lang ako sa kanya at nauna nang lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ng gate ay siya namang labas nina Jese Ryl at Dave Rangell sa gate nila. Kaagad na nakangiting tumakbo papunta sa'kin si Jese Ryl at si Dave Rangell naman ay naglakad papunta sa'kin.

“Good Morning Ate Seanne! You're so pretty as always talaga!” Nakangiting bati sa'kin ni Jese Ryl.

Nginitian ko rin siya. “Good Morning din Jese Ryl. Ang pretty mo rin everyday.”

Nakalapit na si Dave Rangell samin at kaagad akong nginitian, medyo kinilig naman ako kasi ang cute niyang ngumiti.

“Hi. Good Morning, Roseanne.” Aniya na nakangiti pa rin sa'kin.

Ngumiti na rin ako pabalik sa kanya. “Good Morning din, Dave Rangell. ”

“Ang cute niyo namang magbatian Kuya Rangell, Ate Seanne! Nakakainggit!” Nakangusong sabi ni Jese Ryl na mukhang ipinaparinig sa kapatid kong kalalabas lang ng gate.

“Good Morning, best friend kong pangit!” Bati kaagad ni Kade kay Jese Ryl na sumimangot sa natanggap niyang bati mula sa kapatid ko.

“Walang good sa morning ngayon, tinawag mo akong best friend na pangit eh! hmp! Kala ko ba level up na friendship natin? At excuse me! Ang ganda ko kaya!” Parang nagtatampong ani Jese Ryl na pinagcross pa ang mga braso, natawa naman ako at si Kade sa inasta niya samantalang nakakunot ang noo ni Dave Rangell sa kapatid niya.

“Anong level up na ang friendship niyo? Tumigil ka nga Jese Ryl, napakabata mo pa. You're not allowed to have a boyfriend pa.” Nakakunot ang noo'ng aniya sa kapatid, mas lalong napasimangot si Jese Ryl.

Pagdating sa kapatid niya ang protective niya rin parang si Kuya Jace at 'yung triplets sa'kin.

“Tama na nga 'yan, maglakad na tayo. Baka malate na tayo,” Sabi ko at nauna ng maglakad sa kanila pero naramdaman ko kaagad ang pagtabi sa'kin ni Dave Rangell.

Tinignan ko siya at napaiwas ako ng tingin nang makitang nakatingin na din pala siya sa'kin. Naramdaman kong nag-init ang magkabila kong pisngi doon kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Hayun na naman ang puso ko, ang bilis ng tibok.

Tahimik lang kaming dalawa na naglalakad habang maingay naman ang mga kapatid naming nakasunod samin na mukhang nag-aaway. Para talagang aso't pusa 'tong si Kade at Jese Ryl, walang pinipiling lugar kung saan mag-aaway. Hindi nalang namin sila pinansing dalawa hanggang sa makarating kami sa EHS.

Totoo nga, sila na!”

Bagay nga talaga sila. Pero I wonder, paano kaya nakasundo ni Ibasco iyong apat na lalaking Barrinuevo? They're so protective towards their only sister.”

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon