Author's Note: As you read the story napapansin niyo sigurong mahina ang flow nang story so starting from this chapter ay magiging mabilis na ang flow ng story kasi I'm planning to finish this story cause matagal ko na 'tong sinusulat at para na rin matuon ang focus ko sa isa ko pang story cause ang dami talagang pumapasok na new ideas and stories sa utak ko. Kaya ihanda niyo na ang sarili niyo sa mga mangyayaring rebelasyon sa buhay ni Roseanne at sa love story nila ni Dave Rangell ^^
Roseanne's POV
“KIRK MATHAIOUS!” Galit na sigaw ni Mama at dali daling lumapit kay Kirk para kunin ang picture frame. Binuksan ni Mama ang cabinet na pinapatungan niyon at doon iyon inilagay. “Walang ni isa sa inyo ang kukuha nito dito. Maliwanag ba?! Kirk?!”
Mahinang napatango nalang si Kirk at pinagpatuloy na ang pagkain. Habang ako naman ay mas lalong nagtaka sa inakto ni Mama. Simula pa kanina ay napapansin ko na ang biglaang pag iba ni Mama na para bang may hindi dapat kaming malaman.
Tinapos ko na lang ang pagkain at nagpaalam na sa labas na muna. Pagkalabas ko ay siya namang dating ng mga kaibigan ko rito sa Archalente na mukhang nalaman nang andito na kami sa bahay ni Lola.
Kaagad akong nakita ni Mikkey. “Seanne Seanne!”
Napangiti ako at sinalubong sila nang yakap.
“Tang*na! Ang ganda ganda mo na lalo!” Ani Mikkey habang nakayakap pa rin sa'kin.
“Oo nga. Sa tuwing bumibisita kayo rito eh paganda ka nang paganda! Ano bang pinaggagawa mo sa Estellan at paganda ka nang paganda huh?!” Parang naiinis na sabi naman ni Carri.
“Anu ba kayo, Carri at Mikkey. Nasa lahi na nila ang magaganda!” Sabi naman ni Lianna at sunod kong niyakap.
Natawa ako sa pinagsasabi nila. Sobrang namiss ko rin ang tatlong ito lalo na 'tong kaingayan nila.
“Pero, ang tanong, may boyfriend na ba ang Seanne Seanne namin?” Anila na ngumisi pa sa'kin.
Kaagad naman akong umiling sa kanila. “Wala ah. Baka kayo, ang hilig niyo pa naman sa mga gwapong lalaki.”
“Kaya nga gusto ko ang Kuya mo eh,” Ani pa ni Carri at kinikilig pa.
“Ekis na si Kuya Jace, Carri. Hindi na iyon available. ” Sabi ko na medyo natawa pa.
“Ano?!” Gulat niyang reaksyon. “May girlfriend na ang Jace ko?!”
Tumango ako. “Oo. Si Ate Cassidy. Matagal nang sila.”
Para na tuloy siyang lantang gulay ngayon na nakatulala nalang sa ibang direksyon. Gags, 'wag niyang sabihin na may gusto talaga siya kay Kuya Jace?! Ang akala ko ay biro biro niya lang iyon kasi mahilig talaga siyang magbiro sa'kin lalo na kapag tungkol sa mga kapatid ko.
“Eh sino naman 'yung gwapong lalaki na 'yun, Seanne seanne? Pinsan mo ba iyon? Reto mo sa'kin.” Ani Mikkey habang nakaturo sa may likuran ko. Paglingon ko andun si Dave Rangell at nakatingin lang samin.
“Hindi ko pinsan iyon. Tsaka hindi ko pwedeng i-reto iyan,” Mahina kong sinabi sa kanila iyon at umiwas ako nang tingin sa kanila.
Pinanliitan nila ako nang mata. “At bakit naman?”
“B-basta... Hindi pwede.” Sabi ko.
Hindi naman talaga pwedeng i-reto si Dave Rangell noh! Magalit pa 'yan sa'kin hindi na naman ako kakausapin niyan.
“Kuya!” Nawala sa'kin ang atensyon nila Mikkey nang marinig namin ang boses ni Jese Ryl na tinatawag ang Kuya niya. Buti nalang...
Lumabas si Jese Ryl sa bahay at lumapit kay Dave Rangell at may sinabi rito. Napanganga naman sina Mikkey at mukhang gulat nang makita si Jese Ryl.
“H-hindi ba... s-si Jese R-ryl Ibasco iyan? Iyong sikat na Vlogger?” Ani Lianna habang nakaturo kay Jese Ryl na kausap si Dave Rangell.
“Yan 'yung kapatid niyang masungit?” Hindi makapaniwalang ani naman ni Carri.
Doon na ako nagsalita dahil gulat na gulat talaga sila.
“Uhm, Oo si Jese Ryl Ibasco nga 'yan at 'yan yung kapatid niyang si Dave Rangell Ibasco. Kasama namin sila rito pagpunta,” Sabi ko at napatingin sila sa'kin na may gulat ding mukha.
“Close ka sa kanila?!” Sabay nilang sabi.
Napatango naman ako.
“Tang*na! Ipakilala mo naman kami Seanne Seanne.” Ani Mikkey na nag puppy eyes pa.
Kaya naman lumapit ako kina Jese Ryl habang nasa likuran ko naman sila Mikkey na inayos ayos pa ang sarili para sa pagpapakilala ko sa kanila kay Jese Ryl at Dave Rangell.
“Uhm, Jese Ryl, Dave Rangell,” Mahina kong pagtawag sa kanila at napalingon naman sila sa'kin. “Gusto daw makipag kilala ng mga kaibigan ko sa inyo. Taga hanga mo raw kasi sila Jese Ryl.”
“Hi po. Ako nga po pala si Mikkey, nice to finally meet you po Miss Jese Ryl!”
“Hello! Ako naman si Carri! Ang ganda ganda mo naman sa personal Miss Jese Ryl!”
“Lianna naman ang pangalan ko. Pwede ba magpapicture sa'yo Miss Jese Ryl? ”
Ngumiti naman si Jese Ryl at nagpapicture sa mga kaibigan kong tuwang tuwa na mameet siya.
“Are they your friends here?” Rinig kong tanong ni Dave Rangell na ngayon ay nasa tabi ko na at nakatingin din sa mga kaibigan kong nagpapapicture sa kapatid niya.
Tumango naman ako. “Oo. Sina Mikkey, Carri, at Lianna.”
“It's good to know that you have other friends except me and Reeve,” Aniya.
Friends? Magiging friend pa rin kaya ang tingin mo sa'kin kapag nalaman mong may gusto na ako sa'yo?
“Oy, Seanne Seanne! Bakit hindi na'tin ipasyal sina Miss Jese Ryl at 'yang Kuya niya rito sa Archalente?” Suhestyon bigla ni Mikkey na mukhang tapos na magpapicture kay Jese Ryl.
Napalingon ako kay Dave Rangell. “Okay lang ba 'yun sa inyo?”
Tinignan niya rin ako at tumango siya.
Nilingon ko ulit sina Mikkey at nag thumbs up. “Pero teka lang, aayain ko rin sina Kuya baka gusto nila.”
Hindi ko na hinintay ang sagot nila at pumasok na ako sa loob para ayain sina Kuya. Mabuti at nasa may sala lang sila kaya madali ko silang naaya.
“Sige at nang mapasyal ko rin si Cass sa Archalente dahil first time niya rito,” Sabi ni Kuya at nginitian si Ate Cass.
Sumama sila Kuya at 'yung triplets. Nagpaalam naman kami kina Mama para alam nila kung saan kami nagpupunta, ayaw kong magalit na naman siya mamaya kapag hindi kami nagpaalam.
*
Don't forget to VOTE, COMMENT, and FOLLOW^^
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Fiksi RemajaSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...