Chapter 46

137 8 0
                                    

Roseanne's POV

1 week later...

Walang mga araw na hindi ko inisip ang tungkol sa kung paano magtatanong kina Mama at Papa sa kung ano ang totoo tungkol sa pagkatao ko. Parami nang parami ang mga tanong at mga posibilidad sa utak ko kaya naman minsan ay hindi ako kaagad nakakatulog, minsan pa nga ay pati si Dave Rangell ay nagpupuyat dahil kausap ko siya gabi-gabi dahil doon. Sa kanya ko sinasabi ang mga gusto kong itanong at 'yung mga posibilidad sa isip ko.

Sabado na ngayong araw at ngayon ko gustong tanungin sina Mama at Papa. Naghahanap nalang ako ng magandang tyempo na makausap sila tsaka nasabi ko na rin kay Dave Rangell na itetext ko nalang siya kapag nakahanap na ako ng magandang tyempo.

Kaya naman ng makahanap nga ako ng magandang tyempo ay kaagad ko siyang tinext at maya-maya lang ay nasa pintuan na namin siya.

“Are you sure about this, Roseanne?” Bungad niya sa'kin pagkabukas ko ng pintuan. Mas mukha pa siyang kabado kesa sa'kin.

Tumango naman ako tuluyan na siyang pinapasok. Nasa sala lamang sila Mama at Papa at nanonood ng movie kaya ito talaga ang tamang tyempo para makausap sila. Hindi na rin kasi ako makapaghintay na masagot nila ang mga tanong na ilang araw akong binabagabag.

“Nasa sala sila Mama. Tara,” Aya ko sa kanya at sumunod naman siya.

Ramdam ko na ngayon ang kaba at takot sa puso ko habang naglalakad kami palapit kila Mama at Papa.

“Ma, Pa,” Tawag ko sa atensyon nila at napalingon naman sila samin. “Pwede ko po bang makausap kayo?”

Nagkatinginan muna silang dalawa bago kami sinenyasan na maupo sa kaharap ng sofang kinauupuan nila. Kabadong kabado na ako.

“Ma, Pa...” Napalunok ako.

“Kayo na ni Dave Rangell, anak?” Biglang sabi ni Papa habang nakatingin saming dalawa ni Dave Rangell na nabigla naman sa sinabi niya.

Si Dave Rangell na ang sumagot.

“Hindi po tungkol dyan Tito... pero hindi pa po, we're just friends right now with mutual feelings.” Parang nahihiyang aniya kay Papa na napatango tango naman.

“Eh kung hindi tungkol doon eh... Tungkol saan? Roseanne?” Tanong naman ni Mama.

Heto na talaga. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

“Ma, Pa, nung isang araw po kasi may lalaki ritong nagpunta at ipinakilala ang sarili bilang si Shun Villa Fuente na tunay na tatay ko raw po...” Hindi ako makatingin sa kanila habang sinasabi ang mga iyon. “G-gusto ko po sanang malaman mismo sa inyo ang t-totoo... Ma, Pa...”

Ngunit hindi man lang sila nagulat sa sinabi ko o kahit kakikitaan man lang ng takot. Napabuntong hininga lang si Mama at si Papa naman ay tinanguan lang si Mama na para bang may sinisinyales.

Tipid ang ngiting tumingin sa'kin si Mama.

“Alam namin anak, sinabi na niya mismo samin.” Ani Mama at nagulat ako roon. “Hinintay lang talaga namin ng Papa mo na ikaw mismo ang magtanong samin and here it is. Mukhang marami kang gustong itanong samin and siguro ay ito na ang tamang pagkakataon para malaman mo na rin.”

Mas lalong gumapang ang kaba sa akin at napalunok ulit ako. Naramdaman ko namang hinawakan ni Dave Rangell ang isang kamay ko na para bang sinasabi na andyan lang siya nakaalalay sa'kin.

“Totoong anak ka ni Shun, Roseanne. Matagal ka na niyang hinahanap simula noong nalaman nawawala si Tanya,” Panimula ni Mama at nakinig lang ako. “Hindi kami ang tunay mong pamilya Seanne, pero pamilya pa rin tayo kasi kahit papaano ay magkadugo tayo.”

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon