Dave Rangell's POV
"Kuya, are you out of your mind again? You should think before you push Kuya Reeve! Now look! The whole EHS is talking about it! What's wrong with you Kuya? Mabuti at next week pa uuwi sina Mommy from their mini reunion slash vacation." Hinayaan ko lang na sermunan ako ni Jese Ryl dahil alam kong kasalanan ko ang nangyari pero hindi ko iyon pinagsisihan. Alam kong mali ang paraan ko pero if 'yon ang paraan para lumayo sila sa'kin then it's okay. Ayaw kong mangyari sa kanila ang nangyari kay Chard nang dahil sa'kin. I know that this reason is bullsh*t but you can't blame me.
"Kuya, are you even listening to me?" Nakapamaywang na ngayon si Jese Ryl sa harapan ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa tsaka umakyat sa kwarto ko. Iniisip ko sanang tumayo sa balkonahe nang kwarto ko pero nang makita ko si Roseanne sa kabila ay napaatras ako. I know she's mad at me now lalo na doon sa masasakit na salitang binitawan ko kanina. I'm sorry Roseanne.
At kagaya nang nakaugalian ko ay sumayaw na lamang ako para mawala kahit kaunti man lang ang mabigat na pakiramdam na ito sa dibdib ko. Ginawa ko ang request ng mga followers ko na i-cover din ang choreo nang Run Bulletproof by BTS. Pinag-aralan ko ang bawat steps at nang makuha ko na ay vinedyohan ko ang sarili ko sa TikTok but ofcourse I cover my face with a black facemask and a black cap, nagsuot na rin ako nang gray tank top and a black jogger na tinerno ko naman sa black sneakers ko.
Nang matapos kong maishoot ang video ko ay pinanood ko muna ang sarili kung may mali ba o kung may nakalimutan akong steps. Mabuti at wala namang mali kaya pinost ko ito without any caption on it.
Ginanahan pa'ko sa pagsasayaw kaya pinag-aralan ko rin ang steps nang WYAT by SB19 and nang makuha ko ay shinoot ko ulit ang sarili before posting it too. And just by dancing, ang mabigat na pakiramdam ay unti-unting gumagaan.
*
Tahimik akong umupo sa upuan ko without greeting Roseanne and Reeve a Good Morning. May mga ginagawa din naman silang kanya-kanya ngunit binati pa rin ako ni Reeve na nagbabasa ng isang libro habang si Roseanne ay busy sa kanyang cellphone at may pinapanood. Syempre dahil napapagitnaan nila akong dalawa ay hindi ko sinasadyang makita ang pinapanood niya and what she's watching right now is me! 'Yung video sa TikTok na pinost ko kagabi!
"Ang galing-galing ni RDancer diba?" Kaagad akong napaiwas nang tingin sa cellphone ni Roseanne dahil pati si Reeve ay nakikisilip na.
Napalingon si Roseanne kay Reeve. "Oo, magaling nga siya. Pero mas magaling si Ms. RB."
Napangiwi ako sa sinabi ni Roseanne. The F? She's a fan of Ms. RB? 'Yung sikat din na faceless Dancer sa TikTok na babae?
"Ms. RB? Sino 'yun?" Nagtataka namang tanong ni Reeve. I smirk at that. Tsk. Mas kilala talaga ako kesa sa Ms. RB na 'yan. Tsk Tsk.
May pinindot-pindot naman si Roseanne sa cellphone niya tsaka may ipinakita kay Reeve na TikTok video ni Ms. RB na kina-cover ang choreo nang SG sa part ni Lisa Manoban nang Blackpink. Well, I watch this video of Ms. RB at hindi maipagkakaila na magaling din siyang sumayaw.
"Magaling nga din si Ms. RB at ahem ang hot." Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pamumula ng pisngi ni Roseanne. "Pero bakit pareho silang may takip sa mukha ni RDancer? Pangit guro silang pareho kaya tinakpan nila ang mga mukha nila. Hahaha!"
Pareho kaming napa-ubo doon ni Roseanne. Nagkatinginan tuloy kami pero pareho ding nag-iwas sa isa't isa. I can feel my ears burning because of it. Shit... what's wrong with me?
*
Lunch break ay nagulat akong nagpaiwan si Roseanne dito sa classroom gaya ko. Nagpabili lang siya kay Reeve nang ulan sa canteen dahil dito nalang daw siya kakain. Pagkaalis ni Reeve ay tahimik niyang kinuha ang cellphone niya at nagscroll doon nang kung ano. Ganun din ang ginawa ko ngunit napatigil ako magsalita si Roseanne.
"Hindi ka man lang ba mag-sosorry?" Aniya.
Hindi ko siya sinagot.
"Ganyan ka ba talaga katigas, Dave Rangell?" Aniya.
Hindi ko ulit siya sinagot.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Okay. Hindi na kita pipilitin pero para malaman mo, pwede mong sabihin sa'kin kung anong problema mo, hindi bilang kaibigan kundi bilang kaklase."
"Pano kung sabihin ko nga sayo Roseanne. Will you still stay by my side?" Sabi ko na nilingon pa siya.
Natigilan siya sa sinabi ko. Siguro ay hindi niya iniexpect na sasagutin ko siya.
Ibubuka na sana niya ang bibig upang magsalita nang dumating si Reeve dala-dala ang pinabili niyang ulam rito.
"Oh, ito na Seanne. Dinagdagan ko pa nang 5 pesos 'yung pera mo kasi kulang." Aniya at inabot kay Roseanne ang tinolang manok na nasa isang maliit na cellophane.
Ngumiti si Roseanne kay Reeve. "Thank you Reeve. Ambait mo talaga," Nagsalubong ang kilay ko roon. Nagpapacute ba siya kay Reeve?
Napatingin sa'kin si Reeve. "Eh, ikaw Rangell, kumain ka na ba?"
"I'm still full." Saad ko ngunit ang totoo ay nagugutom na talaga ako. Asan na ba kasi si Jese Ryl? Nasa kanya pa naman 'yung lunchbox ko.
Kumain silang dalawa sa magkaiba kong gilid at mas lalo ko lamang naramdaman ang pagkagutom. At hindi na talaga natiis ng tyan ko, napapikit nalang ako sa hiya nang tumunog ang tyan ko.
Parehong napatingin sa'kin si Roseanne at Reeve. At alam ko kung ano ang iniisip nila.
"Tsk. Still full daw. Sinungaling. Nagugutom na nga pinapairal pa pride." Rinig kong sabi ni Reeve.
"Ito oh, salo nalang tayo. Madami naman nailagay kong kanin eh tsaka madami pa 'tong tinola." Alok ni Roseanne at inilagay sa arm chair ko ang lunch box niya pati iyong tinola na nasa isang mangkok na.
"Kumain ka nalang Rangell. Ibaba mo muna pride mo kesa naman mahimatay ka sa gutom d'yan." Sabi na naman ni Reeve.
At hindi na nga ako nagmatigas. Nagsalo kami ni Roseanne sa pagkain niya. Now, I'm regretting what I said to her. Yeah, I said that we're not friends but what they doing right now is what friends are doing.
But what is this different feeling I'm feeling towards Roseanne?
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...