Roseanne's POV
Dahil si Dave Rangell Ibasco itong nagpepedal at ako 'yung nasa likuran ay hindi maiwasang napapatingin samin ang mga estudyanteng piniling maglakad pauwi. Eh sino ba naman ang hindi mapapatingin samin lalo na't ganito ang posisyon namin. Siguro 'yung iba iniisip nilang may relasyon kaming dalawa ni Dave Rangell, alam ko na naman iniisip nila samin dahil sa titig nila.
"Don't mind them." Biglang sambit ni Dave Rangell habang nagpepedal. "They are just confuse."
Hindi nalang ako sumagot sa kanya pero sinunod ko ang sinabi niya. Malapit na kami sa mga bahay namin pero nangunot ang noo ko nang mamataan si Kade at Jese Ryl sa harap ng bahay namin. Bakit nasa labas ang dalawang 'to? Diba may pinapractice ang mga 'to?
Inihinto ni Dave Rangell ang mismong bike ko sa tapat nina Kade at Jese Ryl na mukhang hindi kami napansing papalapit sa kanila. Pansin ko ring parang sobrang lapit nilang dalawa. Anong meron?
Napatigil sila nang makita kami ni Dave Rangell at lumayo pa nang kaunti si Kade kay Jese Ryl.
"Kuya! Ang sabi mo di ka mag-aaudition sa Dance Club?" Nakangusong sabi ni Jese Ryl at iniharap ang cellphone niya samin. "Look. Hindi tuloy namin napanood nang live ang pagsayaw mo."
Hindi pinansin ni Dave Rangell ang pagnguso nang kapatid niya imbis ay binalingan niya ako.
"Hindi ka pa ba bababa, Roseanne?" Aniya na nagpatigil sa'kin.
Shit! Hindi pa pala ako umalis sa pagkakaangkas! Dali-dali naman akong umalis sa pagkakaangkas at halos hindi ko na matignan si Dave Rangell sa hiya ko.
"Ate, Kuya Rangell, pasok na muna tayo sa bahay." Sabi ni Kade. At wow, ano raw? Kuya Rangell?
Pumasok na kami sa bahay at bitbit naman ni Dave Rangell ang bike ko, siya na raw maglalagay nun sa may grahe namin na itinuro naman ni Kade kung saan.
Pagpasok ko sa bahay namin ay nagulat ako sa biglaang pagsabog ng confetti na galing sa hawak-hawak na kung ano ni Kirk. Teka, ang akala ko ba ay may practice ang mga 'to? At pati si Kuya Jace ay andito rin!
"Congratulations!" Sabay-sabay nilang bati sa'kin.
Pero hindi man lang ako natuwa sa ginawa nila imbis ay nainis ako. Tinignan ko nang masama sina Kuya Jace at 'yung triplets. Nag-umpisa na ring mangilid ang mga luha ko sa inis sa kanila.
"Ate naman 'wag kang umiyak sa saya ang pangit—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Kier.
"Tingin niyo nakakatuwa ang ginawa niyo?!" Natigilan silang lahat pati sina Jese Ryl at Dave Rangell. "Hinintay ko kayo sa court kasi sabi niyo sabay tayong uuwi! Pero hindi kayo dumating kasi ang sabi may ginagawa kayo pero ano 'to?! Isusurprise niyo lang pala ako! Nakakainis kayot apat kinuntsaba pa ninyo sina Jese Ryl at Dave Rangell. Hindi ako natutuwa. Nakakainis kayo!"
Matapos kong masabi iyon ay dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto ko. Alam kong ang babaw nang dahilan ko para umakto nang ganoon sa kanila pero hindi ko na maiwasan eh sobra talaga akong nainis sa ginawa nila.
Nagkulong ako sa kwarto at hindi na lumabas nang gabing iyon kahit pa nung kinatok ako nina Mama at Papa para kumain ay sinabi ko nalang na wala akong gana. Tumambay nalang ulit ako sa teresa nang kwarto ko habang nagbabasa nang isang novel na nakaugalian ko nang gawin kapag wala ako sa mood o masama ang loob ko.
Napatingin ako sa katapat kong balkonahe ngunit walang tao roon at nakapatay ang ilaw. Siguro ay natulog na iyon o kaya ay nasa baba pa iyon kasama sina Kuya.
Nasa kalagitnaan na ako nang nobelang binabasa ko nang biglang tumunog ang cellphone kong nasa mini table dito sa teresa. Nang tingnan ko kung ano iyon ay notification pala iyon galing sa Facebook kasi may nagrequest nang friend request, tinignan ko kung sino iyon at halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat.
The F... Dave Rangell Ibasco sent you a friend request.
Gumagamit din pala siya nang Facebook? Parang wala sa personality niya ah. Pinindot ko ang confirm para maging friends na kami sa Facebook pero heto ako at tinignan ang account niya. Kelan pa ako natutong mang stalk?!
Medyo blurred ang profile niya at nakasuot siya nang itim na jogging pants tsaka blue tank top, seryoso siyang nakatingin sa camera habang nakatayong nakapamulsa. Ang caption niya ay isang emoji lang nang apoy at pinrofile niya lang 'to last year. Madami siyang likes and comments pero karamihan sa mga comments ay kino-congratulate siya at ang grupo daw nila dahil nagchampion. Ito siguro 'yong sinasabi ni Jese Ryl kanina na myembro dati nang isang Dance Group si Dave Rangell sa Canada. Tinignan ko pa ang account ni Dave Rangell at mukhang gaya ko ay hindi siya mahilig magpost nang magpost karamihan kasi sa timeline niya ay tags at mentions lang din.
Tinigilan ko na ang pangstalk sa account niya at tinignan kung anong oras na. 10:27PM. Kailangan ko na palang matulog bukas ko na tatapusin 'tong binabasa ko.
Kinabukasan, sinadya ko talagang hindi sumabay nang kain at papuntang eskwelahan kina Kuya dahil naiinis pa rin ako sa ginawa sa'kin kahapon. Walang alam sina Mama at Papa sa nangyari kahapon dahil may pinuntahan sila kahapon at gabi na nakauwi.
Pagkarating ko sa classroom namin ay tahimik lang akong umupo ni hindi ko nga agad napansin na andito na pala si Dave Rangell sa tabi ko pati si Reeve na nakaupo na sa tabi ni Dave Rangell. Yeps, kaming tatlo ang nasa likod sa gilid.
"Mukhang wala ka sa mood ngayon, Seanne." Sabi ni Reeve nang mapansin ang pananahimik ko.
Hindi ko siya sinagot, hindi na rin siya nagsalita pa. Alam kasi niyang kapag wala ako sa mood eh wala talaga at 'wag mo nang subukan pang inisin ako dahil tatamaan ka talaga sa'kin.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...