Dave Rangell's POV
Hindi ko maiwasang matawa ng mahina sa itsura ngayon ni Roseanne na nakabusangot at salubong ang kilay habang pinapanood ang triplets na nakikipagtawanan sa mga kaibigan. Eh paanong hindi bubusangot si Roseanne eh kanina pa niya kinukulit ang triplets sa libre daw nila sa kanya pero dahil busy pa 'yung tatlo at ayaw umalis sandali sa mga kaibigan nila kaya heto ngayon si Roseanne.
“Naririnig ko tawa mo, Dave Rangell.” Aniya na mas lalo pang bumusangot ang mukha.
Pinigilan ko naman ang sariling mas tumawa pa. “Wala na. Tumigil na ako.”
“Ang huhudas talaga nilang tatlo. Nakakainis.” Aniya pa.
Tumayo ako mula sa kinauupuan naming bench. “Tara. Ililibre kita.”
Napaangat ang tingin niya sakin na kung kanina ay nakabusangot ngayon ay nakangisi na siya. Sheyt! Bakit ba kasi ang cute-cute niyang ngumiti... Kaagad siyang tumayo at nauna nang lumapit sa tindahan ng barbeque.
“Manang, tatlong isaw po.” Aniya sa tindera tsaka bumaling sakin. “Ikaw, Dave Rangell, anong sayo?”
Napatitig lang ako sa kanya habang nakangiti kasi ang cute-cute talaga niya lalo na kapag nakangiti.
“Ang cute mo.” Imbes na sagutin ang tanong niya ay iyon ang lumabas sa bibig ko.
Natigilan siya pati ang ibang taong bumibili na narinig ang sinabi ko. Pero hindi ko na iyon babawiin lalo na at namula na naman siya tsaka hindi na makatingin sakin.
“Naku, kinilig si Ateng!”
“Nakakainggit naman.”
“Sanaol cute.”
Rinig kong komento ng ilang bumili rin. Kumuha nalang din ako nang tatlong isaw na sinundan pa nang tingin ni Roseanne pagkaabot ko sa tindera na pinipigilan ang kilig.
“Ate, isang buko juice nga po.” Ani ulit ni Roseanne sa tindera.
Ginaya ko ulit siya. “Gawin niyo na pong dalawa Ate.”
Kita kong natigilan siya sa ginawa ko habang ang mga taong kanina pa nakamasid samin ay natatawa at kinikilig sa ginagawa ko. Ewan ko ba kung bakit ko 'to ginagawa pero isa lang ang alam ko, nag-eenjoy akong kasama siya at 'yung reaksyon niya sa ginagawa ko makes her even more cuter to my eyes.
“Ang sweet niyong magkasintahan na dalawa para kayong iyong dalawang estudyante noon na halos kada hapon ay kumakain rito.” Sabi nang matandang katabi ni Manang na nagtitinda. Ngumiti pa ito samin, “Pero ilang taon na ang nakaraan at hindi ko na sila nakikita. Nagkatuluyan kaya ang dalawang iyon at mayroon na kayang mga anak iyon?”
“Pasensya na kayo kay Lola ha, mukhang naalala niya talaga sainyo sina Tanya at Shun na laging kumakain rito noon kay Lola tuwing uwian galing dyan sa eskwelahan.” Hingi ni Manang nang paumanhin.
Pero magpatuloy pa rin ang matanda na ngayon ay titig na titig na kay Roseanne. “Iha, medyo hawig ka kay Tanya Rose. Pareho kayo ng mga mata at parehong nawawala ang mga mata kapag ngumingiti o tumatawa. Nakikita ko rin saiyo si Shun na kanyang kasintahan.”
Nagkatinginan kami ni Roseanne na gaya ko ay hindi maintindihan ang pinagsasabi ng matanda. Napansin siguro ni Manang na hindi namin naiintindihan pinagsasabi ni Lola kaya naman tinawag niya ang anak para libangin ang matanda.
“Heto na ang anim na isaw at dalawang buko juice niyo, iha, iho. Pasensya na talaga kayo kay Lola.” Sabi ulit ni Manang.
Nginitian na lamang namin ni Roseanne si Manang tsaka kami bumalik sa pwesto namin kanina. Pareho kaming natahimik ng ilang segundo bago naunang magsalita si Roseanne.
“Parang pamilyar sakin ang mga pangalang binanggit ni Lola pero hindi ko maalala kung sino sila o kung bakit pamilyar ang mga pangalang iyon.” Aniya habang dahan-dahang kinakain ang hawak na tatlong isaw.
Napabuntong hininga ako at kumagat na rin sa isaw ko. “Huwag mo nalang masyadong isipin iyon Roseanne.”
Tumango lang siya sa sinabi ko at inubos na ang kinakaing isaw tsaka iyong buko juice.
“Ate!” Napalingon kami sa triplets na tumatakbo palapit samin. Hinihingal silang pare-pareho at naliligo na sa sariling pawis.
“Ate, kanina pa namin kayo hinahanap...” Hingal na sabi ni Kier na nakatukod sa parehong tuhod dahil sa hingal.
“Nilibre ako ni Dave Rangell eh,” May halong tampo at pagmamayabang ni Roseanne sa tatlo.
“Ate, Alam naming nagtatampo ka samin ngayon pero kailangan na nating umuwi ng bahay.” Ani Kade na hindi na masyadong hinihingal.
“Tumawag si Jese Ryl kay Kade, nagkakagulo daw ngayon sa bahay.” Kaagad na napatayo si Roseanne sa kinauupuan namin dahil sa sinabi ni Kirk.
“Ano? Bakit daw? T-tara na!” Natatarantang ani Roseanne.
Sumunod na rin ako sa kanila pauwi kasi wala naman akong gagawin dito sa plaza. Sinama lang talaga ako nitong tatlo dahil maglalaro aw kami ng basketball na hindi naman natuloy.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!sorry sa maikling update bawi ako sa next chap ^^
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...