Chapter 37

158 4 1
                                    

Roseanne's POV

Matapos naming manalo sa Dance Contest ay may iilan pang nagpapicture samin tsaka bumati nang congratulations kaya medyo matagal rin bago nakalapit samin ang pamilya namin ni Dave Rangell.

“Sabi ko na nga ba eh! Kayo talaga ang mananalo!” Natutuwang sabi ni Tito David habang nakayakap na kay Dave Rangell na nakangiwi na dahil sa higpit ng yakap sa kanya ni Tito.

Lumapit naman sa'kin si Papa at Mama na may mga proud din itsura habang naluluha pa si Mama at niyakap ako.

“Proud na proud kami sayo anak, sa inyong dalawa ni Dave.” Ani Mama habang nakayakap sa'kin.

“Looks like we need to celebrate the win of this two,” Masayang sabi rin ni Tita Jhessa na nakayakap na rin kay Dave Rangell matapos ni Tito.

“But wait,” Biglang ani Jese Ryl kaya napatingin kaming lahat sa kanya. “Let's take a groupie first para may remembrance tayo sa gabing 'to. Okay, pose everyone! 1,2,3... Cheese!”

Nakailang pindot pa si Jese Ryl sa hawak na selfie stick bago siya nakuntento sa groupie naming lahat. Umuwi na rin kami pagkatapos dahil 11pm na rin natapos ang Dance Contest at hinihintay kami ni Lola sa bahay niya kaya hindi kami pwedeng magtagal pa.

“We did it,” Napalingon ako kay Dave Rangell na nasa tabi ko na habang naglalakad kami papunta sa Van namin sa may parking.

Ngumiti ako. “Oo nga. Worth it 'yung 3 and a half kong practice sa sayaw na'tin.”

He smiled too. “I told you, you really can do it. Nagagawa mo nga nun na sumabay sa hard choreos sa TikTok eh 'yun pa kaya.”

“Pero salamat kasi kung hindi ka pumayag na mag team up tayo para rito, hindi siguro ako mananalo if ako lang mag-isa.” Sabi ko sa kanya.

“I can't say no to you Roseanne, you know that I'm in love with you.” Aniya at naramdaman ko naman ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Oo na, nakakakilig.

“Pero kung... hindi ka ba in love sa'kin, hindi ka papayag?” Lakas ang loob na tanong ko habang nag-iinit pa rin ang magkabilang pisngi.

Tumingin siya sa'kin, napaiwas naman ako nang tingin. Hindi ko talaga matagalan titig niya sa'kin parang sasabog sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ang dibdib ko.

“Papayag pa rin cause your my friend but you're not a friend now cause I'm in love with you so maybe a girl I'm in love with. ” Aniya at nakita ko mula sa gilid ng mata kong nakatuon na sa harapan ang tingin niya.

Eh kung in love naman siya sa'kin eh bakit hindi niya pa ako ligawan? Hindi sa pinangungunahan ko si Dave Rangell ah hindi ko lang talaga kasi maiwasang itanong sa utak ko, nakakahiya ring itanong sa kanya baka isipin niya pa gusto ko talagang magpaligaw sa kanya.

“I know what you're thinking right now, Roseanne.” Natigilan ako at napalingon sa kanya na nakatingin na naman sa'kin. “Hindi muna ako manliligaw sayo kasi I want to ask first your parents if pwede ba kitang ligawan bago kita tanungin. And yes, also your brothers.”

Napanganga ako sa sinabi niya. What the?! Sure ba siya?! At mukhang hindi mo man lang siya kakakitaan ng kaba imbes ay confident pa talaga siya na papayagan siya! Hindi ba siya natatakot sa magiging reaksyon ni Papa at nang mga kapatid ko? Mahigpit pa naman ang mga iyon lalo na sa ganitong mga manliligaw sa'kin.

Mukhang nabasa niya ulit ang nasa utak ko kaya nagsalita ulit siya.

“Don't worry about your Kuya Jace and the triplets, boto naman ang mga 'yun sa'kin.” Aniya pa at kumindat sa'kin. 

Hindi na ako nakapagreact pa sa sinabi niya dahil palapit na kami sa Van at mukhang kami nalang ang inaantay kaya sumakay na rin kami agad. Maingay sa loob ng Van habang pauwi kami dahil sina Kirk at Kier ay mukhang nag-aaway sa kung anong bagay habang si Kade at Jese Ryl naman ay may pinag-uusapan tungkol daw sa i-uupload na bagong vlog ni Jese Ryl.

“'Wag mo munang i-upload 'yan Ryl, promise may mga maidadagdag ka pa d'yan kasi 3 days pa naman tayo rito at may 4 days pa kaya 'wag muna. ” Rinig kong pangungumbinsi ni Kade kay Jese Ryl sa may harap.

“Sige na nga...” Naiimagine kong nakanguso 'yan ngayon si Jese Ryl sa harapan. “Kung hindi lang din kita crush eh...”

Napatigil sina Kirk at Kier nang marinig iyon pati kami ni Dave Rangell ay napatigil. Hindi iyon narinig nila Mama sa harapan kaya tuloy lang sila sa pinag-uusapan nila sa may drivers seat at sa may likuran niyon kung saan nakaupo sina Tito at Tita pati sina Kuya Jace at Ate Cass.

“A-ano... crush mo rin ako Ryl?” Hindi makapaniwalang tanong ni Kade.

“Rin? Crush mo rin ako Kadey?” Ganun din si Jese Ryl. Mukhang ngayon lang nila nalaman na may crush sila sa isa't isa at talagang sa loob pa nang Van nagkaaminan kung saan naririnig naming mga kabataan.

Napatingin ako sa katabi kong mukhang wala nang balak na makialam sa dalawa. Medyo natawa ako nang palihim, kaya ba hinayaan nalang niya ang dalawa na magkaaminan rito ay dahil nakikita niya kami sa dalawa?

“Don't look at me like that, Roseanne.” Aniya nang mapansin ang pagtingin ko sa kanya.

“Okay na sayo na mag boyfriend ang kapatid mo?” Tukso ko sa kanya.

He glare at me. “Hindi pa rin.”

“Eh bakit—” Pinutol niya ako.

He pouted. “I don't want to lose Kade's support for me to you.”

Natawa ako nang malakas dahilan upang mapatingin silang lahat sa'kin, pati sila Mama at Kuya ay napalingon sa'kin. Tumigil naman ako kaagad at humingi nang sorry sa biglaang pagtawa ko.

Kaya naman pala hinayaan niya lang kasi ayaw niyang mawala ang support sa kanya ni Kade para sa'kin. Hayst... Ibang klase rin 'tong si Dave Rangell eh 'no?

“Anong nakakatawa sa sinabi ko?” Tanong niya pa matapos kong mag sorry.

Pero natatawa pa rin ako nang kaunti at naluluha na rin ang mata ko sa pagtawa.

“Wala... I just find it funny.” Sabi ko at pinunasan ang maliliit na luha sa mga mata ko.

“Yeah, sa sobrang nakakatawa naluluha ka na.” Naiiling na aniya at siya na mismo ang umalis sa mga maliliit na luha sa mga mata ko gamit ang isang kamay niya.

“Oy! Ano 'yan Dave Rangell Ibasco?” Pareho kaming natigilan ni Dave Rangell at napatingin sa harapan kung saan nakatingin na samin lahat ngunit 'yung tingin ni Papa ay nakakatakot.

Lagot...

*
Don't forget to VOTE, COMMENT, FOLLOW^^

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon