Roseanne's POV
Dahil sa nangyaring gulo kagabi ay napagdesisyunan ng mga parents namin na imbes na manatili pa rito ng mga ilang araw ay uuwi na daw kami ngayong araw. Baka kung anu-ano pa raw kasing gulo ang mapasok namin at hindi daw iyon maganda lalo pa at mga dayo lang kami rito sa Archalente though taga rito naman si Mama pero dahil sa Estellan kami nakatira at bumisita lang dito kay Lola ay mga dayo talaga kami rito.
“Uuwi na ba talaga kayo ngayong araw?” Rinig sa boses ni Lola ang lungkot habang sinasabi iyon.
Nagkatinginan si Mama at Tita Jhessa tsaka ngumiti kay Lola.
“Opo Tita. Alam n'yo naman po kung anong kinasangkutan ng mga bata kagabi,” Sabi ni Tita Jhessa na nakahawak sa kamay ni Lola.
“Tsaka Ma, hindi naman ito ang huling bibisita kami sa'yo. Inaaya ka nga namin na doon ka nalang samin tumira sa Estellan pero ayaw mo namang iwanan ang bahay na'tin rito.” Nakangusong sabi ni Mama kay Lola.
Ngumiti naman si Lola sa nakangusong si Mama. “Anya Lyn, bago kami nagpakasal nang tatay mo ay pinapagawa na namin ang bahay na ito tsaka pinagtrabahuan at pinag-ipunan namin ito. Dito na rin kayo nabuo, nagkaisip, at lumaki ng kapatid mo tsaka isa ito sa mga kayamanan namin ng tatay n'yo at dito din namayapa ang tatay n'yo at siguro sa mga susunod na taon ay baka dito na rin ako sa bahay na ito mamayapa.”
Kita ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ni Mama habang sinasabi ni Lola ang mga iyon sa kanya. Masakit kasing isipin na ang magulang na nag-alaga at nagpalaki sa iyo ng matagal na panahon ay maari nang mawala sa mundo anumang oras, araw, buwan, o taon kaya naman hindi ko na rin mapigilang mapaluha habang nanonood kina Mama at Lola. Pero hindi ko alam kung bakit pero may nararamdaman akong kakaibang kirot sa puso ko na hindi ko maipaliwanag.
“Mama naman... 'Wag ka naman po'ng magsalita ng ganyan, hu'wag mo muna po'ng isipin ang tungkol d'yan dahil hindi ka pa susunod kay Papa kasi magtatagal ka pa sa mundong 'to. Hahanapin pa na'tin si Tanya hindi ba?” Lumuluhang sabi ni Mama.
Napangiti ulit ng mapait si Lola. “Ang Tanya Rose ko... Ang kapatid mo... Kakambal mo Anya Lyn... Maraming taon na ang nagdaan at hindi pa rin na'tin siya nakikita. Sana man lang bago ako mawala sa mundong 'to ay makita ko man lang ang kakambal mo.”
Hindi ko alam kung bakit pero natigilan ako sa pangalang binanggit nila Mama. Pamilyar ang pangalan na iyon ngunit may kakaiba akong naramdaman sa puso ko na para bang nangungulila sa kung ano na hindi ko matukoy. Umiling na lamang ako at inalis ang isiping iyon sa utak ko.
“Lola, may kakambal po si Mama?” Rinig kong tanong ni Kier.
Ang alam namin may kapatid si Mama ngunit nawawala raw pero hindi naman namin alam na kakambal pala na kapatid iyon ni Mama.
“Siya po ba 'yung babae sa picture frame na nakita namin?” Tanong din ni Kirk na bakas din ang kuryosidad kagaya naming lahat na magkakapatid at ganun din ang magkapatid na sina Jese Ryl at Dave Rangell.
Tumango si Lola. “Oo, siya ang kakambal nang Mama n'yo. Ang Tita Tanya Rose ninyo, ngunit matagal na siyang nawawala matapos siyang itanan ng nobyo niyang walang modo.”
Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pagtitinginan ni Papa at Tito David na para bang alam nila ang tinutukoy ni Lola. Kahit hindi nila sabihin alam kong may alam sina Papa, Mama, Tito David at Tita Jhessa na tanging sila lamang ang may alam. At ramdam kong may tinatago sila sa amin— saaming mga anak nila.
Si Tita Jhessa ang pumutol sa katahimikan na biglang bumalot sa'min.
“Mga bata, magpaalam na kayo sa Lola Asuncion n'yo pati na rin kina Lnaka Gracia at Tita Faye n'yo.” Sabi ni Tita Jhessa at lumayo muna sila kay Lola Asuncion para makalapit kami.
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...