Chapter 18

178 6 0
                                    

Roseanne's POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko matapos malaman ang nangyaring iyon kay Dave Rangell.

‘‘Sinisi ako nina Nathalie sa nangyari, dahil daw sa'kin namatay ang pinsan niya.’’ Dagdag pa niya.

‘‘Sinisi ka rin ba ng pamilya niya?’’ Tanong ko pa.

Umiling siya at nagbaba nang tingin sa mga paa niya. ‘‘Hindi naman ako sinisi o kahit nagalit man lang sa'kin pero sinisi ko ang sarili dahil sa pagkamatay ni Chard. Siguro kung hindi ko siya hinayaang magdrive buhay pa sana siya ngayon at hindi nagkawatak-watak ang Ace Dancers dahil sa'kin.’’

Hindi ako marunong mag comfort nang isang tao pagdating sa mga ganito pero naalala ko 'yung napanood ko sa mga movies na kapag may ganito ay dapat daw niyayakap sila para makaramdam ng comfort. Kaya naman niyakap ko si Dave Rangell mula sa gilid na biglang natigilan sa ginawa Kong pagyakap sa kanya. Mahina ko ring tinapik-tapik ang likod niya.

‘‘Huwag mo nang sisihin ang sarili mo Dave Rangell. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari kay Chard eh. Hindi natin mapipigilan ang mga nakatadhanang mangyari sa isang tao. Huwag mong hayaan ang sarili mong magsuffer sa nangyari sa nakaraan at hayaan mong imaging malaya ka sa kasalukuyan.’’ Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga sinabi kong iyon na kusa na lamang lumabas sa bibig ko.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

‘‘S-salamat,’’ Mahinang aniya.

‘‘Kaya ba nagiging cold at distant ka sa'kin dahil doon?’’ Tanong ko pa.

‘‘Oo. Natatakot kasi akong baka mangyari iyon sa inyo kapag dikit parin kayo ng dikit sa'kin.’’ Buntong-hiningang aniya at tumingin sa'kin. ‘‘At sorry kung sinungitan ko kayo, lalo na ikaw Roseanne.’’

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko nang tumingin siya sa'kin at sa mga mata ko. Bakit ang bilis ng tibok nang puso ko?

‘‘A-ayos lang iyon” Umiwas ako nang tingin sa mga mata niya at ibinaling nalang ang paningin sa suot kong wristwatch. “Kakatapos lang pala ng first period natin ngayong tanghali. Balik na tayo sa classroom?”

“Sige.” Sang-ayon niya at sabay kaming tumayo mula sa pagkakaupo tsaka magkasunod na bumalik sa classroom.

Pagkapasok namin sa classroom kaagad kaming sinalubong ni Reeve na may nagtataka ngunit nakakalokong tingin samin. Ano na naman kaya iniisip nito?

“Saan kayo galing na dalawa huh? Alam nito bang inabsenan kayo ni Ma'am Sy sa subject niya?” Aniya pa nung makaupo na kami sa upuan namin.

“Pres, wag mo nang sermunan sina Barrinuevo at Ibasco... nagdate lang naman sila eh.”

“Oo nga Pres. Hayaan mo nalang sila.”

“Baka crush mo si Barrinuevo, Pres? Naku, love triangle pala 'to!”

Nagkantsawan ang buong klase kay Reeve na ikinainis naman niya. Natatawa ako sa itsura ngayon ni Reeve na parang bombang ilang segundo nalang ay puputok na.

“Magsitahimik kayo! Hindi ko crush si Roseanne! Mga maissue!” At pumutok na nga siya.

Natahimik ang lahat ng ilang segundo tsaka biglang tumawa. Mukhang pinagtitripan nila si Reeve.

“Ang cute mo pala magalit Pres. HAHA!”

“Kaya naman pala madaming chix 'tong si Pres eh. Gwapo, matangkad, mayaman, matalino, at tsaka cute. Grabe ka naman Pres.”

“Balita ko pinag-awayan 'yang si Pres ni Riane at Hennessey. Idol na talaga kita Pres!”

At sunod-sunod na nilang pinagtulungan si Reeve na pulang-pula nasa inis. Pikunin din kasi 'tong si Reeve eh kaya pinagtitripan ng buong klase.

Nakakatawang tingnan ang pinaggagawa nila kaya naman napatingin ako sa katabi kong tumatawa na rin. Mukhang ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Mas lalo tuloy siyang gumwapo. Bigla na namang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil doon gusto kong iiwas ang tingin sa kanya ngunit ayaw gumalaw ng ulo ko para umiwas at aaminin ko nag eenjoy ako sa pagtitig sa kanya.

“Ang gwapo-gwapo niya 'no?”

Tumango naman ako.

“Crush mo na ba?”

Tatango na sana ulit ako nang marealize kong bakit may boses na bulong ng buong sa'kin. Nagising ako sa ginagawa ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang lahat sila ay nakatingin na sa'kin pati si Dave Rangell na hindi ko alam kung nakangiti ba sa'kin o ano pero takte! Alam ba niya na tinititigan ko siya? Narinig niya kaya iyon?

“Oh my! So true nga 'yong sa page?!” Biglang tili ng isang kaklase namin.

“Anong page?” Tanong naman ng isang kaklase namin.

“EHS Datings!” Sagot nung isa.

Nanalaki ulit ang mga mata ko dahil sa narinig. Takte! Lahat pa naman ng mga estudyante sa EHS ay doon nakikichismis sa kung sino-sino ang nagdedate dito sa EHS or something na inlove ang love. Sino ba kasi admin ng page na 'yan?!

“Hala. Oo nga. May picture kayong magkayakp dito. Puro negative at positive comments ang nasa comment section.” Sabi nang isang kaklase ko.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan ang post na iyon nang EHS Datings n pinost pala 18 minutes ago. Pati si Dave Rangell ay napatingin na rin sa cellphone niya, magkasalubong pa ang kilay.

EHS Students, here's the new tea na mainit-init pa. You see sa picture below is may dalawang EHS Students na nagyayakapan sa garden and guess who's those two student. Yeah! They are Roseanne Barrinuevo and Dave Rangell Ibasco. At mukhang nagcut sila ng class para makapagdate! What do you think guys? Comment down below.’

#1: Unfairness bagay sila ah. #DavEanne

#2 They look good together but I think the Barrinuevo Boys will not be happy about this.

#3 Hindi hinarang ng Barrinuevo Boys si Ibasco? Whoa. That's new.

#4 They're just friends and it's normal that friends are hugging. Gosh! Ang issue niyo ah.

#5 Mukhang may mababasag ang mukha mamayang uwian. HAHA. Goodluck Ibasco!

Tang*nang page 'to. Malalagot na naman ako kay Kuya Jace tsaka sa triplets nito! Takte!

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!



















That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon