Chapter 26

154 7 0
                                    

Roseanne's POV

Dahil sa pag-iisip ko sa nangyari kagabi ay hindi ko magawang makatulog ng maayos. Kaya naman paggising ko hindi na ako nagtaka nang pagharap ko sa salamin ko para ayusin ang sarili ay nakita ko ang medyo malaki kong eyebag na sinabayan pa nang isang pimple sa noo ko, mabuti nalang at maitatago lang siya ng manipis kong bangs.

“Good morning Seanne.” Bati sakin ni Ate Cass pagkababa ko. Ang ganda talaga ni Ate kahit bagong gising at ang blooming pa niya.

Bumati naman ako pabalik sa kanya. “Good morning din Ate Cass.”

“Kulang ka sa tulog noh? Mashadong halata ang malaki mong eyebag.” Ani pa Ate Cass.

Napasimangot ako. “Huwag mo nalang pansinin iyan Ate.”

“Nga pala, ipinagluto ko kayo ng breakfast.” Masayang aniya kaya napatingin ako sa lamesa namin sa kusina.

Napangiwi ako ng makita ang madaming pagkain na nakahain roon. Naglilihi na ba si Ate Cass at nakalimutan na tapos na ang birthday ni Kuya Jace? Ang daming pagkain na nakahain eh.

“Maupo kana at kumain Seanne. Ubusin mo ang lahat nang 'yan, madami pa naman sa ref eh.” Masayang sabi ni Ate habang hinahainan ang plato ko. Paano ko 'to mauubos lahat eh halos pangdalawang araw 'to na kainan.

Mabuti nalang at bumaba na rin 'yung triplets atleast hindi lang ako ang uubos nitong mga hinanda ni Ate Cass. Nang matapos kumain ay nagpaalam na kami sa kanyang pupunta ng EHS. Pinagbaon niya pa nga kami eh para daw kasi kapag nagutom kami. Pagkarating ko sa classroom namin ay naabutan ko roon si Reeve at Dave Rangell na mukhang may pinag-uusapan. Napatigil sila nung makitang papasok ako, saglit na napatingin ako kay Dave Rangell na iniwas ang tingin nang makitang nakatingin din ako sa kanya. Parang may kumirot sa puso ko dahil doon.

“Hoy! Roseanne Barrinuevo.” Banggit ni Reeve sa buo kong pangalan.

“Ano?” Sabi ko at naupo sa upuan ko.

“Ano 'tong nakalap kong impormasyon na may namamagitan na sa inyo nung SSG President na 'yun?” Nakangusong aniya.

Napakunot naman ang noo ko. “Si Rayver ba tinutukoy mo? Wala ah.”

“Sinungaling. Eh ano 'tong bouquet nang bulaklak na andito. Hmm?” Nakangusong aniya sabay bigay ng isang bouquet ng tulips sakin na hindi ko napansin. “May pa card pang, 'Good morning Miss Barrinuevo, your suitor, Rayver.”

Nanlaki ang mga mata ko. The F?! Binasa niya 'yun? Bakit ba kasi napakapakialamero nitong si Reeve. Napatigil naman kami ni Reeve nang biglang tumayo si Dave Rangell at walang sabi-sabing lumabas ng room. Sheyt... Bakit pakiramdam ko magiging distant na naman siya?

“Nag-away ba kayong dalawa?” Usisa pa ni Reeve.

“Wala naman.” Sagot ko.

“Eh anong nangyari dun? Mukhang bad trip eh.” Dagdag niya pa.

Napabuntong hininga naman ako ng malalim. Wag kang mag-isip ng kung ano Roseanne. Ano ba kasing nangyayari sakin?

Hindi ko nalang muna inisip ang mga iyon at inabala muna ang sarili sa cellphone bago magsimula ang klase.

Mikkey: Hello Seanne. Naalala mo pa ba ako? Nga pala, malapit na ang pyesta dito sa Archalente. Hindi ba kayo magbabakasyon rito o bibisita man lang kay Lola Asuncion? Miss kana namin kasi.

Si Mikkey ay kaibigan ko sa probinsya nang Archalente kung saan naninirahan ang Lola ko, doon din naman dati si Mama at 'yung kapatid niya pero nung magfofourth year highschool na sila ng kapatid niya ay pumunta na sila dito sa Estellan para ipagpatuloy ang pag-aaral at dito na rin magkokolehiyo dahil nung mga panahon pa daw na iyon ay wala pang college doon pero ngayon ay mayroon na naman. Sabi pa nga ni Mama ay dito niya nameet si Papa at naging Highschool sweethearts sila, ganun din daw ang kapatid niya at 'yung boyfriend nito.

Nagreply naman ako kay Mikkey.

Roseanne: Namimiss na din kita, Mik. Magtatanong pa'ko kina Mama about dyan then message nalang kita ulit. Mabuti at pinaalala mo sakin may isang linggo kasi kaming walang pasok next week.

Sinend ko agad iyon kay Mikkey at inantay ang reply niya. Matagal tagal na rin simula noong bumisita kami kay Lola sa Archalente. Siguro ay mga tatlong taon na iyon. Hindi naman nag-iisa si Lola sa bahay niya sa Archalente kasama niya roon ang pinsan niyang si Lola Gracia at ang anak nitong si Tita Faye na isang matandang dalaga. Hindi na iyon nag-asawa dahil namatay ang unang boyfriend niya at sa sobrang pagmamahal niya rito ay hindi na niya nagawang magmahal ulit kaya naging matandang dalaga. Though, mabait naman siya kabaliktaran ng ibang matatandang dalaga na parang galit sa lahat.

Habang naghihintay na magreply si Mikkey ay nanonood na muna ako ng videos sa YouTube na puro Dance Covers lang naman. Maya-maya pa ay may bagong pumasok at napakunot ang noo ko nang makitang si Dave Rangell iyon at isang babaeng maganda na nakangiti sa kanya habang may sinasabi siya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla along nairita at umiwas nang tingin sa kanila.

Sino 'yan? Bakit pumunta 'yan dito sa classroom namin? Basal mga outsiders dito sa classroom namin. Tsk.

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!

hello! gusto ko malaman mga thoughts niyo about sa story kong 'to kindly leave a comment po hihi. luvlots!

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon