Dave Rangell's POV
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin ngayon. I just saw Roseanne getting off in a car, she's wearing a sky blue dress and she's so beautiful. Kaya naman hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. What if nakipagdate siya? Pero kanino naman? Kay Reeve? Alam ba ni Roseanne na may fiance na si Reeve? Shit! This is so crazy!
"Ambagal mo kasi Kuya, 'yan tuloy mukhang mauunahan ka pa." Kaagad akong Napalingon kay Jese Ryl na nasa may hambana ng pintuan ko habang natatawa at naiiling na nakatingin sa'kin.
Masama ko siyang tinignan. "Shut up, Jese."
"Kuya, kung ayaw mong maunahan ka gumawa kana nang paraan." Parang sobrang dali naman nun gawin kung makapagsalita 'to. Tsk.
"Hindi iyon ganun kadali Jese." Sagot ko sa kanya.
Umikot ang dalawang mata niya. "Ang sabihin mo naduduwag ka lang Kuya. She's different to Nathalie. Very different."
Napapikit ako sa inis nang banggitin niya ang pangalan ng babaeng iyon. "Don't mention her name. It pissed me."
"Bakit? Hindi ka pa ba nakakamove-on sa babaeng 'yun, Kuya?" Taas ang kilay na tanong niya.
"I already moved on." Sagot ko at tsaka napatingin ulit kina Roseanne.
"Okay, sabi mo eh." At narinig ko ang pagsara ng pintuan. Tsk. Pumunta lang ba 'yun dito para sabihin ang mga 'yun?
Mabilis lamang dumaan ang mga araw, naging distant at malamig na ang pakikitungo ko kina Roseanne at Reeve habang mas nagiging close naman sila na lalo kong ikinainis. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero gusto kong ako 'yung palaging nakakausap ni Roseanne, Kasama magrecess at lunch break.
"Hi Dave. Can I seat here?" Napaangat ang tingin ko sa babaeng nakangiti sa'kin nang matamis. Kinunotan ko siya nang kilay at napatingin ako sa paligid tsaka ko ulit siya tinignan.
"Marami pa namang ibang bakanteng upuan, doon ka nalang." Sagot ko at itinuon naman ang paningin sa cellphone ko.
Mula sa gilid ng mga mata ko kita kong naupo siya sa isang upuan dito sa mesa kung saan ako nakaupo. Tsk. Bahala siya sa gusto niya.
"Pero dito ang gusto ko eh," Malanding aniya.
"Bahala ka," Sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa.
Tsh. Nagpost pala kagabi si Ms. RB nang Dance Cover. Sabi ko sa isip ko matapos kong mapanuod sa TikTok ang bago niyang post. She did do the OMG choreo by Newjeans at 'yung Run Bulletproof nang BTS, at sa comment section naman ay may mga comment na 'RDancer is much more magaling pa rin!', 'Whoa... you slayed it Ms. RB! I hope you and RDancer collab!', 'Mas magaling ka parin Ms. RB!'.
Those are some of their comments to her video. Tsk. I won't collab with her and I don't even know here."Napakabusy mo naman sa cellphone mo, Dave." Rinig kong sabi nung babae na dinedma ko lang ngunit bigla niyang kinuha ang cellphone ko na ikinainit na nang ulo mo. How dare she!
"What's your problem?!" May inis sa boses na tanong ko na napalakas pa dahilan upang mapatingin ang ilan samin.
Pero ngumiti lamang ulit nang matamis ang babae. "Nothing. I just want to talk to you—"
"Then I'm not in the mood to talk to a clown. Psh." Masungit na sagot ko at kinuha ang cellphone ko na nasa table tsaka iniwan ang babae na gulat.
Hindi maganda ang araw ko ngayon kaya 'wag niya akong maistorbo sa mga kalokohan niya. Bumalik nalang ako nang classroom namin at nadatnan ko roon si Roseanne nag-iisa. Tsh. Di sila magkasama ni Reeve ngayon.
Napaangat siya nang tingin sa'kin nang maramdaman ang presensya mo. Dire-diretso akong naupo sa upuan ko at hindi siya siya inabalang tingnan.
Maya-maya pa ay may biglang pumasok na lalaki na basi sa itsura ay mukhang galit at nakasunod sa likod niya iyong babaeng nasungitan ko. Dire-diretsong pumasok ang lalaki at lumapit sa'kin tapos ay malakas niyang hinampas ang armchair ko.
"Hoy Ibasco." Galit na aniya.
Kinunotan ko siya nang nuo. "What?"
Napatingin samin si Roseanne at natigil sa kanyang ginagawa. Nagtataka siyang nakatingin samin.
"Anong what? Pinaiyak mo ang kapatid ko at ipinahiya sa harap ng maraming estudyante!" Sigaw niya sa'kin.
"Ah talaga? Parang 'yun lang eh umiiyak na. Tsh." Ani ko na mas ikinagalit niya.
Kinwelyuhan niya ako at hindi naman ako pumalag. Hinayaan ko lang siya.
"Pinaiyak mo ang nag-iisang kapatid ko! Ang prinsesa nang pamilya namin! At hindi ko matatanggap iyon!" Aktong susuntukin na niya ako nang biglang pumagitna si Roseanne para pigilan siya.
"Wag mo siyang saktan!" Sabi ni Roseanne at binigyan nang matalim na tingin ang lalaki.
Ngunit hindi natinag ang lalaki sa kanya imbis ay nagsalita ito.
"Barrinuevo, huwag kang makikialam rito dahil ayaw ko nang gulo sa inyong mga Barrinuevo." Seryosong sabi nung lalaki kay Roseanne.
"Kuya, ano naman kung magkagulo kayo? Hindi ka naman kaya ng mga iyon eh." Pagmamaktol pa nung babae.
"Ayaw mo naman palang makaaway mga kapatid ko kaya kung ako sayo bitawan mo na siya at umalis na kayo nang kapatid mo." Matapang na sabi ni Roseanne na hindi pinansin ang kapatid nang kumwilyo sa'kin.
Tinignan naman ako nung Kuya nung babae nang masama. "Papalagpasin ko 'to Ibasco. Magpasalamat ka at andito ang babaeng Barrinuevo kundi ay kanina pa kita binugbog na gago ka."
Matapos niya iyong sabihin ay binitawan na niya ako tsaka niya hinila ang kapatid na nagpapadyak pa sa inis dahil hindi ako naturuan ng leksyon nang kapatid niya. Psh. How childish of her.
Nang makaalis na ang magkapatid ay hinarap naman ako ni Roseanne na nakapameywang pa.
"Ano ba kasing ginawa mo, ha?" Aniya.
Umiwas ako nang tingin sa kanya. "Wala."
"Anong wala? Eh ano 'yun? Bakit sumugod 'yung kapatid ni Jelly dito? Pinaiyak mo ba si Jelly?" Sunod-sunod na tanong niya.
Iniangat ko ang tingin sa kanya at tinignan siya direkta sa mga mata niya. "Eh kung pinaiyak mo nga 'yung babaeng 'yun. Ano naman ngayon sayo?"
Medyo nagulat siya sa sinabi ko ngunit nakabawi rin. Seryoso niya akong tinignan.
"Alam mo Dave Rangell Ibasco, napupuno na talaga ako sayo. Hindi ko alam kung anong problema mo o kung may pinagdadaanan ka lang ba o sadyang ganyan kana. Alam mo bang nakakapag-alala kana huh?" Aniya sa'kin na ikigulat ko naman at napatingin sa kanya. "Nitong nakaraang araw lumalayo ka samin tapos paglalapit kami sayo ang cold-cold mo samin. Ano ba kasi talagang problema mo ha?"
Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi niya, walang salitang gustong lumabas sa bibig ko dahil sa gulat. What did she just say? She's worried of me?
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Ficção AdolescenteSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...