Chapter 1

369 15 5
                                    

Roseanne's POV

"... That's all. Meeting dismissed." Pagtatapos nang meeting ng Presidente namin sa Dance Club.

Nagsitayuan na 'yung mga kasamahan ko kaya tumayo na rin ako at sinuot ang backpack ko. Kita kong lumapit sa'kin ang Presidente naming si Ate Alliyah.

"Roseanne," Tawag niya sa'kin kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano po 'yun, Pres?"Tanong ko dahil halata namang may gusto siyang sabihin.

"Pwede bang ikaw at si Rona na 'yung maghanap ng bagong members ng Dance Club? Busy kasi kami ngayon sa subjects namin. Alam mo namang graduating na kami, diba?" Aniya.

Tumango naman ako. "Sige, Ate. Ichachat ko nalang mamaya si Rona."

"Maraming salamat, Seanne. Makakahinga na ako ng maayos nito." Aniya na napabuntong hininga pa.

Nagpaalam na rin akong aalis na dahil baka hinihintay na ako nung apat at baka naiinip na rin ang mga iyon. Konti pa naman mga pasensya ng mga iyon. Palabas na ako sa pintuan nang Dance Club at nung paglabas ko halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita nung apat sa gilid ng pintuan at pare-parehong nakasandal sa may gilid.

"Ang tagal mo," sabay-sabay nilang sabi.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko bago ako humarap sa kanila. Kasama pala nila si Ate Cassidy na nakatayo lang sa tabi ni Kuya Jace at kumaway sa'kin.

"Ano bang pinagmeetingan niyo at ang tagal-tagal mong lumabas, Seanne?" Naiinip na tanong ni Kuya na magkasalubong ang mga kilay at kunot ang noo.

"Tungkol lang sa Dance Club Kuya, at kinausap rin ako ni Ate Alliyah kaya natagalan ako." Paliwanag ko naman agad para di na magsalubong 'tong mga kilay ni Kuya. Nakakatakot eh!

"Yun naman pala, Kuya, eh. Tara na nga. Kakatext lang ni Mother sa'kin na tayo nalang daw hinihintay doon." Singit naman ni Kade at inakbayan ako.

Sa kanilang apat kasi si Kade talaga 'yung masasabi kong kavibe ko. Para siyang kapatid ko na bestfriend ko pa, siya kasi 'yung unang nakakalam tungkol sa mga nangyayari sa'kin at siya rin 'yung kakampi ko kapag inaaway ako nitong tatlo.

Habang naglalakad kami pauwi pansin kong nasa tabi na namin sina Kier at Kirk tsaka parehong nakasimangot. Ano naman kaya sinisimangutan ng dalawang 'to?

"Bakit nakasimangot kayong dalawa?"Tanong ko sa kanila.

"Tumingin ka sa likod, Ate. Mapapa-sana all  ka nalang talaga," Simangot na sabi ni Kirk.

Napalingon naman ako sa likuran namin. Magkaholding hands sina Ate Cassidy at Kuya Jace tapos makasalo sa isang headset tsaka masayang nagkwekwentuhan na parang wala kaming apat rito sa harapan nila. Kaya namn pala eh, naiingit 'tong dalawa kasi di nila nagawa ang mga ganyan sa mga nagugustuhan nilang babae.

Hindi ko nalang pinansin ang pagsimangot nitong dalawa at nakipagtawanan nalang kay Kade dahil kanina raw ay nagtagkang manligaw ang kaibigan niya sa isang babae kanina kaso nareject dahil sa gupit ng buhok nito.

Pagkarating namin sa bahay ay kaagad kaming sinalubong ni Mama at piniringan ang mga mata ni Kuya Jace papasok sa bahay. Inalalayan naman siya nina Ate Cassidy at Mama.

Pagkapasok namin sa bahay ay nagulat akong andito pala lahat ng kaibigan ni Kuya Jace, tsaka 'yung ibang mga pinsan namin sa Mother at Father side. At ang daming pagkain sa mesa namin, usually kasi kapag may birthday samin ay simple lang talaga ang handa namin hindi katulad ngayon.

"Happy Birthday Jace Lester!" Sabay-sabay nilang sigaw ng tanggalin na nina Ate Cassidy at Mama ang piring ni Kuya.

Halata namang nagulat si Kuya dahil sa malakas na bati sa kanya at sa dami ng mga andito. Halos mapuno nga 'yung sala namin eh.

"Pwede na tayong mag-inuman mamaya, Jace!" Bigla ay sigaw ng isa sa mga pinsan naming si Kuya Lark. Natawa kaming lahat except sa Mama niyang kinurot siya sa tagiliran, napangiwi tuloy siya sa sakit.

Matapos magbatian at kumustahan ay nagpray muna kami tapos ay kumain na habang ako naman ay umakyat muna sa kwarto ko para magbihis at ichat si Rona tungkol sa favor ni Ate Alliyah samin.

Pumayag rin si Rona at sinabing kita nalang this monday. Absent kasi 'yun kanina dahil nilalagnat daw. At para makababa na ako baka hinahanap na nila ako, kumuha na muna ako ng damit ipangbibihis sa closet ko tsaka iyon inilagay sa kama ko. Hinubad ko muna 'yung uniform ko bago 'yung sando na suot ko rin pero di ko pa man nahuhubad iyon ng tuluyan ay napalingon ako sa kaharap naming malaking bahay na katapat lang ng bahay namin.

Nanlaki ang mga mata ko nang may makitang nakatayong anino roon at parang nakatingin sa'kin. Kinabahan ako bigla dahil naalala kong wala ng nakatira doon at nililinisan nalang ng mga caretaker doon tuwing umaga, alas singko pa naman na ngayon kaya malamang multo 'tong nakikita ko ngayon. Di ko na tuloy hinubad ang sando ko at napasigaw nalang dahil sa takot.

"Ahh! Multo!" Sigaw ko.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga nagmamadaling yabag papunta sa kwarto ko at biglang pabagsak na bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Bumungad sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Kade na hinihingal pa, sa likod niya ang tatlo kasama sina Mama at Papa pati sina Ate Cassidy tsaka 'yung mga pinsan at kaibigan nila.

"Ate, anong nangyari?" Tanong ni Kade.

Nanginginig ko namang tinuro ang teresa sa katapat na bahay at napatingin naman sila doon ngunit naguguluhan namang napatingin sa'kin.

"Anong meron dun, Ate?" Naguguluhang tanong ni Kirk.

"May n-nakita akong multo kanina, a-aninong nakatayo na nakatingin sa'kin."Sabi ko na napalunok pa.

"Baka naman namamalikmata ka lang, Seanne." Sabi naman ni Kuya Jace.

Umiling ako. "H-hindi. May nakita talaga ako eh."

"Ate, baka bumukas 'yung third eye mo kaya nakakakita ka na nang multo!" Parang namamangha pang saad ni Kier na binatukan naman ni Kuya Lark.

"Isara mo nalang 'yang kurtina mo Seanne," Sabi ni Papa at sinirado ko naman.

Umalis na silang lahat sa kwarto ko at nagpaiwan naman ako para ituloy ang naudlot kong pagbibihis. Pagkatapos kong makapagbihis ay sinilip ko pa iyong katapat na bahay ngunit wala na roon ang anino na nakita ko. Siguro nga ay guni-guni ko lang iyon.

Kinabukasan ay nagising nalang ako dahil sa ingay ng mga tao sa sala. Hindi na kasi nakauwi kagabi 'yung ilang bisita namin dahil nasobraan sa pagkalasing kaya dito nalang sila sa bahay pinatulog, tutal naman ay weekends ngayon.

Bumangon nalang ako at nagpunta muna nang banyo para makapaghilamos. Pagkatapos ay tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 8:15AM. Napansin ko namang maganda ang araw ngayon kaya binuksan ko ang mga kurtina sa teresa para pumasok ang sinag ng araw. At dahil maganda ang araw ngayon ay nagplay ako ng music sa cellphone ko at napapasayaw naman ako, feel na feel ko kasi talaga na may magandang mangyayari ngayong araw.

Pasayaw-sayaw ako sa kwarto habang kumuha ng damit sa closet ko para pampalit ko pagkatapos maligo. Pagharap ko ulit sa teresa ng katapat na malaking bahay ay kagaya kagabi nanlaki ulit ang mga mata ko dahil may nakatayo ulit roon ngunit hindi na iyon anino kundi isang lalaking tao na walang emosyon sa mukha, topless at may hawak-hawak pang lalagyan ng kape, magulo rin ang buhok niya pero dahil sobrang gwapo niya ay kahit ganun, gwapo pa rin siya. At hindi ko naman maipagkakaila na sobrang hot niya, lalo pa't topless siya at may 6 pack abs. Lord, am i in hell now? Bakit sobrang init kahit umaga pa lang?

Pero agad ding nawala ang pagkamangha ko dun sa lalaki sa tapat nang maalala kong bagong gising pala ako. Wala akong suot na bra, magulo pa ang buhok ko, at manipis na tela ng damit ang suot ko! Baka bumakat 'yung ano ko, nakakahiya!

Binabawi ko na pala 'yong sinabi kong feel kong magandang araw ito kasi hindi pala!

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!



That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon