Chapter 12

208 7 3
                                    

Dave Rangell's POV

Kakatapos lang nang Math subject namin na pinagboardwork lang kami individually. Nagpresinta kami ni Roseanne na siyang mauuna dahil marami sa kaklase namin ang kinakabahan lalo pa't 50 points sa mga makakasagot nang tama. Tama naman kami ni Roseanne sa boardwork namin kaya naman humanga ang mga kaklase namin samin na ang ilan ay nagpaturo pa kay Roseanne kung paano bago nagboardwork. Sakin ay walang humingi nang tulong dahil natatakot sila hindi kasi ako nakikipagclose sa kanila at kung minsan ay nasusungitan ko pa sila mapa-lalaki o babae kaya masama ang tingin nang ilan sa'kin lalo na nang mga lalaki. Pero wala akong pakialam, ayaw kong makipagkaibigan sa kanila.

"Hoy Reeve! Saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Roseanne kay Reeve na mukhang lalapit sa kafling niyang si Riane na dinededma siya dahil sa nangyari kahapon.

"Kakausapin ko lang si Riane sandali. Mauna nalang—" Pinigilan siya ni Roseanne sa braso.

"Wag! Hindi pwede!" Pigil sa kanya ni Roseanne. Napakunot ang noo ko dun. Bakit niya pinigilan si Reeve na lumapit kay Riane?

"Anong hindi pwede? Sandali lang naman—" Pinutol ni Roseanne si Reeve.

"Hayaan mo na 'yang babaeng 'yan na magtampo-tampuhan! Sayang sa oras, Reeve." Ani Roseanne na hinihila na si Reeve papunta sa bilihan nang snacks.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang sumama ang mood ko sa ginawa ni Roseanne. Kaya naman habang kumakain nang snacks ay tahimik lang ako at nakikinig lang sa pinag-uusapan nilang kung anu-ano. Mas lalong sumama ang mood ko dahil mukha akong hangin sa kanilang dalawa. Kaya naman tumayo ako at iniwan silang dalawa doon tsaka ako bumalik sa classroom na wala sa mood.

Maya-maya pa ay bumalik na rin silang dalawa. Hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang sa pagsscroll sa Instagram ko.

"Rangell, bakit mo kami iniwan ni Seanne doon?" Rinig kong tanong ni Reeve sa'kin na hindi ko sinagot.

Refresh ako nang refresh sa IG ko hanggang sa magpop-up sa newsfeed ko ang isang post nang dati Kong groupmate at kaibigan na si Jameson. He posted an old photo of him and our friend Chard with a caption; Miss you so bad dude. If I could just bring back the time and saved you.

Heto na naman, sumasakit na naman ang puso ko at bumabalik na naman sa isipan ko ang nangyari nang gabing 'yon.

"Dave Rangell, ayos ka lang ba?" Rinig kong tanong ni Roseanne nang mapansin ang panginginig at pamamawis ko.

"O-oo," tipid kong sagot at pinatay na lamang ang cellphone ko.

Napahawak nalang ako sa noo ko habang napayuko.

Buong maghapon ay tahimik lang ako kahit pa ilang beses akong sinubukang kausapin ni Reeve nang kung anu-ano. Hanggang uwian ay tahimik pa rin ako at alam kong magtatanong ang kapatid ko dahil kanina pa kunot ang noo niya sa'kin.

"Kuya, you okay?" Hindi na talaga niya nakayanan at nagtanong na.

Tumango lang ako sa kanya. Pero alam kong hindi siya kumbinsido.

*

"D-dave, p-please help m-me..."

"Chard?"

"Dave, h-help me. S-save me p-please... I beg you... Dave."

"Chard..."

"Dave, save me—" pilit ko siyang inaabot ngunit gumalaw ang sasakyan at nahulog. Kasama siya sa loob.

"Chard! No!" Sigaw ko at napabalikwas nang bangon.

Napanaginipan ko na naman si Chard.

Habol ko ang hininga ko at ramdam ko ang pawis kong tumagaktak na. Napahilamos nalang ako sa mukha ko gamit ang mga kamay ko tsaka ako pumuntang bathroom para maghilamos nang tubig sa mukha ko. Pagkatapos ko ay hindi na ako makatulog kaya pumunta muna ako sa teresa ko para magpahangin.

Alas 2 na nang madaling araw kaya malamig ang simoy nang hangin ngunit hindi ko masyadong maramdaman iyon. Malalim akong napabuntong hininga at napatingala nalang sa kalangitan.

'Chard, I'm so sorry if I didn't save you from your death. I know that you will not forgive me but please allow me to say sorry. Yeah, my sorry won't bring you back to life and I know that. I have so many what if's in my mind Chard. What if I didn't chase her? What if I didn't allow you to tag along? But what can I do, right? You died because of my craziness. I am very sorry Chard.'

Yes, it's my fault why my groupmate and friend Chard Davidson died. It's been 2 months since he died and it still hunts me.

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!

i'm very sorry sa mga grammatical errors, i'm still improving it and also my writing skills.

hello to miss SJ_Bluess, gusto ko lang magpasalamat sa pagsuporta mo sa'kin, hindi man kita kilala nang lubusan at hindi pa man kita nakikita sa personal, I'm so grateful to have an online friend like you🥺 hoping to meet you in person someday. I super appreciate you Miss SJ. Sana makamit natin pareho mga pangarap natin. Luvlots!❤️

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon