Roseanne's POV
Matapos ang misa ay isa-isa nang nagsialisan ang iba at 'yung mga andito pa ay nakipag-usap sa mga kakilala nila.
"Hey," Bago pa ako makasunod sa mga magulang ko na palabas na ay napahinto ako dahil sa pagtawag sa'kin nung lalaki sa balkonahe.
Nilingon ko siya ulit na may maliit na ngiti sa mga labi ko. Ayaw kong pahalata na halos magwala na ang loob ko dahil sa pagtawag niya sa'kin.
"Hmm?" Iyon lang ang narinig niya sa'kin.
"I just want to say sorry para doon kahapon. I didn't mean to see you at your room changing clothes," Aniya na mukhang nahihiya pa sa nangyari. "And, at that morning too. I'm really sorry."
So, confirmed, siya nga 'yon at hindi isang anino o multo! Kaya pamilyar din 'yung built nang body niya eh.
"Naku, 'wag mo nalang isipin 'yun. Kalimutan nalang natin 'yun," Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Roseanne!"
"Rangell!"
Pareho kaming napatingin sa mga tumawag samin. Si Kuya Jace ang tumawag sa'kin at ang seryoso ng mukha niya.
"Binata kana talaga, anak." Rinig kong sabi nang Tatay nung lalaki sa balkonahe.
"Dad, I'm not hitting on her." Rinig kong sabi niya sa Tatay niya.
"Tara na, Roseanne. Nasa labas na sila." Seryosong sabi ni Kuya Jace sa'kin at walang sabi-sabi na hinila ako palabas ng simbahan. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam dun sa lalaking taga tapat ng balkonahe ko.
Pagkalabas namin ng simbahan ay kaagad na akong binitawan ni Kuya Jace. Pero pansin kong ang seryoso pa rin ng mukha niya at hindi na nagsalita.
"Ang tagal mong lumabas, Ate." Reklamo sa'kin ni Kirk.
"Paanong di tatagal 'yan sa loob eh may kausap na lalaki." Sagot ni Kuya Jace kay Kirk na ikinakunot naman ng tatlo sa noo.
"Hindi natin kilala, Kuya?" Tanong ni Kier.
"Nanliligaw kay Ate?" Tanong din ni Kade.
"Anong itsura nun Kuya at nang mabasag ang mukha?" Tanong din ni Kirk.
Napailing nalang ako. Hayan na naman sila sa pagiging overprotective siblings nila, kaya walang sino man sa school na lalaki ang lumalapit sa'kin eh dahil bantay-sarado nila ako ket di nila ako nakikita.
"May nanliligaw na sayo, anak?" Biglang sulpot ni Papa.
Napatingin na silang lahat sa'kin, pati si Mama ay hinihintay na rin ang sagot ko.
Dali-dali naman akong umiling sa kanila. "Wala po, hindi po 'yun nanliligaw."
Tumaas ang isang kilay ni Kuya Jace. "Eh sino ba 'yun?"
"Nagsosorry lang naman yun." Sagot ko.
Kita ko ang pagtatanong sa mga mukha nila, siguro ay iniisip nila kung anong ipinag-sorry nun sa'kin.
"Nagsorry sa ano?" Si Kade na halatang gusto talagang malaman.
"Basta." Sagot ko.
"Joshua Barrinuevo?" Biglang may tumawag kay Papa kaya doon naman napatuon ang aming atensyon.
Nagulat pa nga ako eh paglingon ko dahil Tatay nung lalaki sa balkonahe iyon kahit nga siya nagulat nang tawagin nang Tatay niya ang Papa ko.
Kita kong nagulat naman si Papa nang makita kung sinong tumawag sa kanya.
"David Ibasco?" Tawag din ni Papa sa Tatay nung lalaki sa balkonahe.
At sa isang iglap ay bigla silang nagyakapan tapos ay ilang sandali pa umiyak na silang pareho. Habang kaming nakatingin sa kanila ay hindi maintindihan kung anong nangyayari at bakit magkakilala silang dalawa.
"Mama, sino po 'yan?" Rinig kong tanong ni Kirk kay Mama sa tabi niya.
"Bestfriend nang Papa niyo nung highschool." Sagot ni Mama.
Matapos ang mahigpit na yakapan ni Papa at nung Bestfriend niya sa highschool ay napatingin siya kay Mama at napangisi habang si Mama ay ngumiti lang sa kanya.
"Anya Lyn, buti at kayo nga ang nagkatuluyan ni Joshua." Aniya kay Mama na natawa naman habang si Papa ay tinignan ng masama ang Bestfriend niya.
"Inggit ka lang siguro dahil baka hindi kayo nagkatuluyan ni Jhessa." Ani Papa.
Nakangising umiling-iling ang Bestfriend ni Papa tsaka lumapit at inakbayan ang lalaki sa balkonahe na nakatayo lang at nanonood lang din.
"Joshua, meet Dave Rangell, Jhessa and I's son." May halong pagmamayabang na pakilala niya sa anak niyang wala man lang naging reaksyon sa ginawa ng Tatay niya.
"Aba, nagbunga din paglalandi mo kay Jhessa noon David." Pairing sabi ni Papa. "Napakagwapong bata talagang anak ni Jhessa, may pinagmanahan."
"Sa'kin nagmana 'to, Josh. Kanina nga nahuli kong pumuporma sa babae eh." Pagmamalaki pa niya.
Medyo natatakpan kasi ako ni Kuya Jace kaya hindi ako nakikita nang Bestfriend ni Papa.
Napabaling ang atensyon ni Papa kay Dave Rangell, ang lalaki sa katapat kong balkonahe.
Naku iho, 'wag kang gumaya sa Tatay mong chix boy kaya muntik nang di sagutin ng Nanay mo dahil sa dami ng babae." Ani pa ni Papa.
"Chix boy ka d'yan, chix boy ka rin naman noon ah." Depensa ng Bestfriend ni Papa.
"Tsk. Siya nga pala, David. Ito ang mga anak namin ni Anya," Hinila ni Papa sina Kier. "Ang triplets namin, si Kade Matthew, Kirk Matthaios, at si Kier Mattheo." Sunod naman na hinila ni Papa si Kuya Jace at nakita na ako nina Dave Rangell. "Ang panganay ko, si Jace Lester." Ako naman ang hinila ni Papa. "At ang nag-iisa naming prinsesa, si Roseanne."
Pero sa aming lima na ipinakilalang anak ni Papa ay sa'kin nakatuon ang mga mata nang Bestfriend ni Papa.
Napangisi siya sabay iling-iling pa. "Joshua, mukhang tinadhana talaga tayong magkita ngayon dahil mukhang magiging mag-balae tayo sa mga susunod pang taon."
Napakunot ang noo ni Papa. Hindi niya guro maintindihan ang ibig sabihin nang Bestfriend niya. "Anong ibig mong sabihin?"
Mas napangisi pa ang Bestfriend ni Papa habang ako ay di na alam ang gagawin.
"Ang anak mo kasing si Roseanne ay ang babaeng pinupormahan nang anak ko kanina sa loob ng simbahan." Aniya at tumawa pa.
Napatingin ang mga mata nila Papa sa'kin. Ano ba naman 'to oh...
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!abangan niyo mga susunod pang mangyayari sa mga susunod pang chapters ;)
![](https://img.wattpad.com/cover/317705471-288-k410071.jpg)
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...