Roseanne's POV
Sabado na ngayon at gaya nga nang text ni Hennessey sa'kin nung isang araw ay sinundo niya nga ako. Dahil hindi ako kaagad nakapag handa sa pagsundo niya sa'kin ay pinaghintay ko muna siya sa sala. Nagulat nga 'yong triplets eh nang makita rito si Hennessey.
"Miss Hennessey, may boyfriend kana ba?" Rinig kong tanong ni Kirk pagkababa ko galing kwarto ko para makapagbihis.
"I'm engaged." Tipid na ngiting sagot niya kay Kirk.
Nagulat 'yung tatlo at mukhang hindi pa makapaniwala sa nalaman. Eh paanong hindi sila magugulat eh sobrang bata pa ni Hennessey, nasa sixteen to seventeen lang kaya siya noh.
"Kanino naman?" Usisa naman ni Kier na hindi na nasagot ni Hennessey dahil kaagad ko siyang inaya na umalis na. Napasimangot naman 'yung tatlo dahil hindi sila nasagot. Mga Chismoso.
"Pagpasensyahan mo na 'yung triplets, mga chismoso talaga 'yun." Hingi ko nang paumanhin sa kanya.
"It's okay. You're lucky to have brothers like them. I wish I had too." Aniya na napasimangot pa pero bigla din namang ngumiti. "So, where do you want to go? Mall? Restaurant? O kahit saan. We'll go there."
Napaisip naman ako. "Wala akong maisip na puntahan eh. Suggest ka nalang."
"Okay. Uhm... is it okay to you if I brought you to a Bahay Ampunan?" Nakangiting aniya.
Sa Bahay Ampunan? Anong gagawin namin doon? Mag aampon ng bata? Pero sa dami nang iniexpect kong isusuggest ay bakit sa Bahay Ampunan?
Nagtataka man ay pumayag ako sa isinuggest niyang puntahan namin. Sumakay na kami sa kotse niya at sinabi niya sa driver niya na pumunta sa Bahay Ampunan.
"Roseanne, I know what your thinking right now. Iniisip mo sigurong baka mag-aampon ako ng bata o kaya ay bakit ang rich kid na kagaya ko ay pupunta ng Ampunan? Right? You'll know the answer once we arrive there." Aniya at tumango na lamang ako.
Nang makarating kami sa Bahay Ampunan na sinasabi niya ay kaagad siyang nagsalita pagkababa namin sa kotse niya.
"I was here when I was 6 years old," Aniya na ikinatingin ko sa kanya. "My Mom left me here because she's sick and have nothing to raise me. Three days after she left me here, she died because of her disease."
"Hennessey..." Tanging lumabas lamang sa bibig ko matapos iyong marinig.
"Then, 1 week later, two men came here to adopt me. The old man say, I'm his granddaughter to father side and the young man say, I'm his nephew to mother side. I was so happy when I knew about it but when I ask them where are they when my Mom and I needed them, I heard no answer from both of them. Even when I ask them where my Father is, there still no answer from them. And because of it I treated them coldly and distant." Kwento pa niya.
Ang akala ko nung unang makilala ko si Hennessey ay inisip kong desperada siyang babae, spoiled brat at masama ang ugali pero mali ako ng isipin 'yun dahil sa likod nang katauhan niyang iyon ay mayroon palang Hennessey na nakaranas nang hirap. Totoo nga talaga ang kasabihang never judge a book by its cover.
"Nessey anak!" Pareho kaming napalingon ni Hennessey sa Madreng Matanda na papunta na sa kinatatayuan namin.
"Nana Beth!" Sambit naman ni Hennessey sa pangalan ng Madre. At nang makalapit na sila sa isa't isa ay nagyakapan sila.
"Mabuti at nakadalaw ka ngayon, Nessey. Tinatanong kana ng mga bata sa'kin." Sabi ni Nana Beth at nginitian niya ako ng mapansin sa likod ni Hennessey.
"Siya nga pala Nana Beth si Roseanne. Schoolmate ko siya at kaibigan, sinama ko lang siya rito." Pakilala niya sa'kin.
Lumapit naman ako at nagmano sa Madre gaya ng ginawa ni Hennessey.
"Magandang Umaga po, Nana Beth." Bati ko sa Madre.
"Magandang Umaga rin Iha. O siya, pumasok na muna tayo sa loob. "Aya pa ni Nana Beth na sinang ayunan naman namin.
Pagkapasok namin sa loob ay kaagad bumungad sa mga mata ko ang lalaki't babaeng mga bata na nagkalat at masayang naglalaro. Napatingin sila samin nang mapansin ang pagpasok namin, lumiwanag ang mga mukha nila at biglang nagsitakbo papunta kay Hennessey. Mukhang miss na miss na talaga siya ng mga bata.
"Ate Nessey, mabuti po at dumalaw kayo ngayong araw. Na miss po namin kayo!" Bibong sabi nang isang batang babae na nakapig tail.
Nginitian siya ni Hennessey. "Syempre, namiss ko rin kayo eh. Teka, nasaan si Steve?"
"Nasa kama niya po, ayaw niya po bumangon kasi sabi niya worst birthday na naman daw niya ngayon." Inosenteng sagot nung bata.
"Birthday niya ngayon?" Tanong ni Hennessey at tumango naman ang bata. Napaisip sandali si Hennessey tsaka tinawag niya 'yung driver niya at may binulong rito bago ito umalis.
"Ate, sino po 'tong Ate na'to?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may batang lalaking kumain ng lollipop ang biglang nagsalita sa gilid ko.
Ipinakilala naman ako ni Hennessey sa kanila. "Kids, siya si Ate Roseanne. Kaibigan ko siya."
"Hello po Ate Roseanne!"
"Hi po Ate Roseanne!"
"Hello po!"
Isa isa nilang bati sa'kin at bumati naman ako pabalik sa kanila. At sa isang iglap lang ay nakikipaglaro na ako sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero ang saya-saya ng pakiramdam ko habang nakikipaglaro sa kanila, 'yung saya sa mga mukha nila na kay sarap pagmasdan. Napaisip tuloy ako kung bakit sila inabandona ng mga magulang nila.
"Roseanne, maya na ulit kayo maglaro. Hali muna kayo sa kay Steve!" Tawag samin ni Hennessey at sumunod naman kami ng mga bata sa kanya.
May dala-dala siyang isang chocolate cake na may kandelang numero syete na nakasindi na. Sinenyasan niya ang mga bata na tumahimik na ginawa naman nila tsaka kami dahan-dahang pumasok sa kwarto kung nasaan si Steve. Nang makapasok kami sa kwarto ay nakatalukbong siya at maririnig mo ang hikbi niya, dahan dahan naming ipinuwesto ang mga bata tsaka kami kumanta.
"Happy Birthday to you... Happy Birthday, Happy Birthday... Happy Birthday to you...!" Kanta naming lahat.
Napatigil sa paghikbi si Steve at inalis ang pagkakatalukbong. Nagulat siya nang kaming lahat lalo na kay Hennessey na may hawak-hawak na cake samantalang si Nana Beth at 'yung ibang Madre ay napapaluha sa pangyayari.
"Ate Nessey..." Paiyak na sambit ni Steve.
"Steve, blow the candle na." Sabi ni Hennessey at dahan dahan namang lumapit si Steve tsaka hinipan ang kandila.
"Isteb, di ka nagwish." Reklamo nung batang babaeng naka pig tail.
Pinunasan ni Steve ang mga luha. "No need, Chae. Ate Nessey just granted my wish. Salamat Ate."
Ang araw na ito siguro ang masasabi kong kakaiba pero sobrang memorable. Hindi ko akalaing ang pagsama ko rito kay Hennessey sa Bahay Ampunan ay siya palang magiging isa sa memorable kong araw.
Hindi ko lang nameet ang totoong Hennessey kundi nameet ko rin ang mga batang pinagkaitan ng pag-aaruga ng mg magulang ngunit karapat-dapat na mahalin.
"I hope you didn't regrett coming with me there, Roseanne." Ani Hennessey ng pauwi na kami.
"Hindi ah. Nagpapasalamat pa nga ako sayo eh kasi isa ang araw na'to sa mga memorable na araw ng buhay ko. Thank you, Hennessey."
"I'm happy to hear that. And I also thank you for making those kids super happy. Thank you, Roseanne."
*
VOTE, COMMENT FOLLOW for updates!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...