Roseanne's POV
Buong maghapon akong nagkulong sa kwarto ko dahil sa nalaman ko kanina na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi. Buong buhay ko ay naging masaya ako sa piling nila Mama at Papa at ramdam kong totoo ang pagmamahal na ipinapakita nila sa'kin kaya gayon na lamang ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko nang maaring hindi ko nga sila tunay na pamilya kahit pa ganoon ang pinaramdam at ipinakita nila sa'kin. Ito siguro 'yung tinutukoy ni Lola sa mga sinabi niya eh na unti unti ko nang naiintindihan ngunit hindi ko talaga alam kung paniniwalaan o hindi.
“Roseanne, anak, kakain na. Lumabas ka na riyan,” Rinig kong katok ni Mama sa labas ng pintuan ng kwarto ko.
Ngunit gaya kaninang tanghalian ay hindi ako lumabas sa kwarto ko o nagsalita man lang sa kanila na nakakailan nang pabalik balik sa kwarto ko upang katukin ako.
Kanina pa ako tahimik na umiiyak rito sa kwarto ko dahil sa mga possibilities na naiisip ko at ngayon ay nakatulala nalang ako sa isang sulok ng kwarto ko at natuyo na ang mga luhang hindi ko na inabala pang tuyuin dahil tuloy tuloy ang daloy ng mga luha ko kanina. Nananakit na nga ang mga mata ko eh at sure akong namamaga na ito ngayon dahil sa kakaiyak ko.
Ilang minuto ulit akong napatulala sa isang sulok nang makarinig ulit ng pagkatok sa pintuan ng kwarto ko pero hindi ko iyon pinansin katulad kanina.
“Roseanne?” Napatigil ako sa narinig na boses na nasa labas ng pintuan ko. Kilalang kilala ko ang boses na iyon at hindi ako pwedeng magkamali sa nadinig. “Sabi ni Tita Anya kanina ka pa raw hindi lumalabas ng kwarto mo, ni lumabas para kumain ay hindi ka raw bumaba. Roseanne?”
Boses ni Dave Rangell iyon!
Kaagad kong pinahid ang mga natuyong luha sa mata at pisngi ko tsaka ako dahan dahang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko. Nilapitan ko ang pinto at dahan dahang binuksan.
Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa at kaagad ko siyang niyakap at hayun na naman ang mga luhang nag uunahan na kumawala sa mata ko kahit mahapdi na ang mga iyon.
Naramdaman ko ang paninigas niya dahil sa ginawa ko at hinaplos naman niya ang likuran ko nang maramdamang umiiyak ako sa balikat niya. Hinayaan lang niya akong umiyak ako sa balikat niya hanggang sa tumigil na ako at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.
“Are you okay now?” May pag-aalala sa boses na tanong niya sa'kin habang nag aalala ring nakatingin sa'kin.
Mahina akong tumango habang pinapalis niya ang mga luha ko gamit ang mga kamay niya. Mahina akong tumango sa kanya at nag iwas ng tingin pagkatapos dahil nahihiya ako sa itsura ko ngayon.
“P-pasensya na Dave Rangell,” Mahinang usal ko sa kanya.
Iniangat niya ang mukha ko sa kanya at kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata niya dahil sa nakikita sa'kin.
“Bakit ka umiiyak? May nangyari ba? May nanakit ba sayo? Sino?” Sunod sunod na tanong niya habang mariing nakatingin sa'kin.
Hindi ko naman alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Pero gusto kong may paglabasan ng nararamdaman ko ngayon kaya naman hinila ko siya papasok sa kwarto ko at sinirado ang pintuan.
“What are you doing?” Naramdaman ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko at pagka nerbyos ngunit wala akong pakialam sa kung ano man ang iniisip niya dahil gusto kong may mapagsabihan ng bagay na ito kahit siya lang.
Naglakad ako papunta sa balkonahe ko at naramdaman ko naman na sumunod siya na inilibot pa ang paningin sa buong kwarto ko.
“May pumunta rito kaninang dalawang lalaki,” Panimula ko habang nakatingin sa ibaba ng balkonahe ko. “At alam mo ba ang sinabi nila sa'kin? Na ang totoo ko raw na tatay ay si Shun Villa Fuente na isa sa kanila...”
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...