Dave Rangell's POV
“Kuya, bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo?” Rinig kong tanong ni Jese Ryl sa'kin habang nakadekwatrong nakaupo ako sa sofa namin.
Napabuntong hininga ako tsaka umiling kay Jese Ryl.
“Nothing.” Sagot ko.
Tumabi siya ng upo sa'kin tsaka mahinang binangga ang kaliwang braso ko.
“Sus... Iniisip mo lang si Ate Seanne eh!” Tudyo pa niya sa'kin. “So, how is it? Kayo na ba? Hindi ba unrequited ang feelings mo sa kanya? Kwento ka naman Kuya!”
I can't say no to my sister so I told her that Roseanne confessed during the Dance Contest in Archalente and so as me, hanggang sa doon sa pinag-usapan namin nina Tita Anya at Tito Joshua.
Bigla siyang tuwang tuwa at niyugyug pa ako ng malakas dahil sa tuwa niya.
“Ohmyghad ka Kuya! Ang laki na agad ng chansa mo! Walang wala ang Rayver na 'yun sa'yo! Kyaahh!!” Hiyaw pa niya ngunit pinigil ko siya sa pagyuyogyog sa'kin when I realize the last sentence of her words.
“You know Rayver?” Kunot ang noo'ng tanong ko sa kanya.
“Oops! Lagot, nadulas ako.” Aniya at alanganing pang ngumiti.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Jese Ryl Ibasco.”
Ngumuso siya. “Okay! Kilala ko siya kasi Kade told me— pero Kuya 'wag mong ipagsabi na ako ang nagsabi nito sa'yo ha? Baka maging FO kami bigla ni Kade eh ayaw—”
“I promise.” Medyo naiinis ko nang sabi kasi nagdadaldal na siya.
“You know naman ata na friend ni Kuya Jace iyong Rayver na President din ng SSG. So, ahm, Kade told me na they eavesdrop when Rayver and Ate Seanne talk outside of their house and they heard that Rayver says He will court Ate Seanne for one month and if Ate Seanne will have a feelings for him in that one month of him courting Ate he will continue until Ate Seanne say Yes to him. And if Ate Seanne will not then he'll stop.” Mahabang aniya.
'Yan ata 'yung araw na nakita ko sila sa may ibaba ng balkonahe ni Roseanne at nakayakap kay Roseanne ang Rayver na 'yun. Tsk. Did Jace knew about that? He'll be furious for sure.
And one month huh? Really? Sa pagkakatanda ko three weeks na ang nakaraan nung nakita ko silang nag-uusap and nung nakaraan lang nagconfess sa'kin si Roseanne na gusto niya ako. I secretly smirk. Rayver should stop courting Roseanne cause I will.
*
Wearing a solid colour t-shirt with ankle length pant I knock three times in the Barrinuevo's House. Binuksan naman iyon ni Tita Anya na napatingin pa sa ayos ko then she smiled at me.
“Dave, pasok ka.” Aniya at ngumiti naman ako pabalik tsaka pumasok sa loob.
“Maupo ka muna Dave,” Ani ulit ni Tita at naupo ako sa sofa nila.
“Tita, can I ask permission po?” Lakas loob kong sabi kay Tita na napatingin sa'kin at hinintay ang idudugtong ko.
“Sa ano?” Aniya.
Napalunok ako bago iyon sinabi. “Na lumabas po kaming dalawa ni Roseanne.”
Hindi siya sumagot at maya-maya pa ay tinawag niya ang isa sa triplets na napadaan sa may gilid namin.
“Kier anak,” Tawag niya sa isa sa triplets na may kain kain pang stick O. “Pakisabi sa Ate mo at magbihis, may lakad sila ni Kuya Dave mo.”
Napatingin sa'kin si Kier at may nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi niya tsaka nag thumbs up sa'kin bago patakbong umakyat sa kwarto ni Roseanne.
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Ficção AdolescenteSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...