Dave Rangell's POV
“Rangell, sabay na tayo!”
“Sasabay na rin ako, 'tol!”
“Woi! Hintayin niyo ako!”
Napailing nalang ako sa mga kaklase kong lalaki na sasabay daw sa'kin. Mukhang tinutoo talaga nila ang pagbody guard sakin pauwi, baka daw kasi abangan ako nina Jace sa labas ng gate kasama ang mga kasamahan nito. Hindi ko alam kung bakit nag-aalala sila sakin gayung magkakilala na naman kami nina Jace pero naaappreciate ko ang ginagawa nila para sakin.
Tahimik lang akong naglakad habang sila ay nakasunod lang sakin at may pinag-uusapan na kung ano. Pansin ko rin ang tinginan ng ilan sakin na para bang may makahulugang tingin at alam kong dahil iyon sa page na 'yon. Palabas na kami ng gate at tanaw ko mula sa nilalakaran ko sina Jace, 'yung triplets, si Roseanne, Jese Ryl, at ilang kalalakihang estudyante.
“Boys, formation!” Biglang sabi ng isang kaklase ko na nakasunod sakin. Pinalibutan kaagad nila ako bago pa man ako makalapit kina Jace. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Jace dahil doon.
“Ibasco, dyan ka lang ha. Baka bigla ka nilang atakihin,” Bulong sakin ni Marcus na nasa unahan ko.
“Dave Rangell,” Biglang banggit ni Jace sa pangalan ko. “Pwede ba tayong mag-usap na dalawa?”
Sasagot na sana ako kay Jace nang maunahan ako no Roseanne na hindi sang-ayon sa sinabi ng kapatid.
“Kuya, sinabi ko na sayo. Walang ibig sabihin iyon,” Aniya.
“Dave Rangell, mag-usap tayong dalawa.” Pagbababalewala sa kanya ni Jace.
Tumango nalang ako kay Jace at susunod na sana sa kanya ng hawakan ako ni Marcus sa balikat. Nilingon ko ito at inilingan niya ako pero tinanggal ko lang ang kamay niya sa balikat ko bago sumunod kay Jace.
Hindi naman kami masyadong lumayo sa mga kasamahan namin. Nasa may gilid lang kami ng gate kung saan malayo sa maraming estudyante na mukhang nakikiusyoso rin sa kung ano ang mangyayari maya-maya lang.
“Dederitsuhin na kita, Dave Rangell.” Panimula ni Jace. “Hindi naman lingid sa kaalaman kong may gusto ka sa kapatid ko. And yes, alam ko. You're so obvious. Manhid lang talaga ang kapatid ko para hindi iyon mahalata. At kung ako sayo Dave Rangell, aamin ako. Malay mo naman mutual kayo ng feelings sa isa't isa.”
Napabuntong hininga ako tsaka umiling. “I'm still confuse Jace on what I'm feeling right now with Roseanne.”
“Anong nararamdaman mo kapag nakikita mo ang kapatid ko? ” Seryosong tanong niya.
“Tuwing nakikita ko siya o kaya ay kapag lumapit siya sakin parang nagpapanic ako kung ako ang gagawin ko. Ni hindi ko nga halos matingnan ng deritso ang mga mata niya and... and my heart is beating so fast.” Sagot ko sa tanong niya.
Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Jace sa balikat ko. “Then, it's either you like or love my sister.”
“I don't know,” Napatingin ako saglit kay Roseanne at tsaka napangiti. “But I'll figure it out immediately then I'll confess.”
“That's good.” Aniya at tatalikod na sana nang may sinabi pa siya na hindi ko alam kung ikakatuwa ko o ano. “ By the way, I like you for my sister. Just don't hurt her or else you'll end up like those guys who tried to court her but they didn't reach our standard for Roseanne so, yeah, we beat them up so they would leave Roseanne alone.”
Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay bumalik na siya kina Roseanne bago niya sila inayang umuwi na. Lumapit naman sakin si Jese Ryl at Kade.
“Kuya, anong sabi ni Kuya Jace?” Usisa ni Jese Ryl.
Hindi ko sinagot ang tanong niya imbis ay nagsalubong ang kilay ko sa kanilang dalawa ni Kade. Nakakapit kasi siya sa braso ni Kade na parang linta. Nang mapansin nilang dalawa ang pagtitig ko sa nakakapit na kamay ni Jese Ryl sa braso ni Kade ay kaagad nila itong inalis na parang napaso pa sa isa't isa.
“Uhm... Uwi na tayo, Kuya.” Parang wala akong napansin sa kanila ni Kade na pag-iiba ni Jese Ryl nang usapan.
Hindi nalang ako nagsalita sa nakita ko at tinanguan nalang si Jese Ryl. Naglakad lang kami pauwi tutal ay hindi naman masyadong malayo ang bahay naming sa EHS.
“Kuya Rangell, kayo ba ni Ate Seanne?” Biglang tanong ni Kade na sumabay sakin sa paglalakad.
Tinignan ko siya. “ Saan mo naman narinig ang fake news na 'yan?”
Napakamot siya sa batok niya na parang nahiya pa tsaka tumawa pa ng mahina. “Wala, Kuya. Naisip ko lang itanong kasi nakita ko rin 'yung post sa EHS Datings.”
Umiwas na ako ng tingin sa kanya. “We're just friends, Kade. Mali ang nasa Page na iyon.”
“Kuya, alam kong gusto mo si Ate Seanne. At boto ako sayo para kay Ate.” Aniya na nakangiti pa.
Tumaas ang isang gilid ng labi ko at tinignan siya. “At alam kong nagpapalakas ka sakin, Kade. Hindi pa pwedeng ligawan ang kapatid ko.”
Napanganga siya sa sinabi ko at natigilan sa paglalakad habang ako ay tuloy lang sa paglalakad.
“That's rude, Kuya!” Reklamo pa ni Jese Ryl na hila ko ang packback dahil babalikan pa sana si Kade.
“Anong rude doon? Sinabi ko lang ang totoo.” Sagot ko sa kanya.
Humalukipkip siya at tinignan ako ng masama. “Tss. Rude.”
Nang makarating na kami sa bahay ay kaagad kong pinaunang pumasok si Jese Ryl na magpapaalam pa sana kay Kade na papasok na rin sa bahay nila. So, this is Jace's feeling when your sister is having a suitor.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!hi! this is kyeo and I'm so thankful to all of your supports! thank you so much for reading this first story of mine. I hope you enjoy reading this story! stay tune sa mga susunod na updates guys hehe. luvlots!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...