Roseanne's POV
Kanina lang ay nasa simbahan pa kami pero heto ako ngayon, nakaupo at tahimik na kumakain habang ang mga magulang namin ay maligayang nag-uusap sa sudden reunion nila. Nasa bahay kami ngayon nang pamilya ko sa bahay nang bestfriend ni Papa na si Tito David, iyon daw kasi dapat ang itawag namin sa kanya. At napag-alaman nina Mama at Papa na sila pala iyong bagong lipat sa tapat ng bahay namin kaya nagkaayaan silang dito na lang kami maghapunan.
Syempre, dahil sa sinabi kanina ni Tito David ay tinanong ako nina Mama pagkauwi namin. Kaya napilitan akong magsalita pero hindi lahat sinabi ko. Sinabi ko nalang na nag sorry sa'kin si Dave Rangell dahil sinungitan niya ako. Alam kong hindi kombinsido sila Kuya at 'yung triplets pero buti nalang naniwala sila Mama at Papa, masungit daw kasi mukha ni Dave Rangell eh.
"Kaya pala medyo pamilyar itong bunso niyong si Jese Ryl, Jhessa at David." Rinig kong sabi ni Mama.
"Ang daming oportunidad na dumadating sa kanya pero sabi ko magtapos muna siya bago niya tanggapin ang mga oportunidad na iyan." Ani Tita Jhessa na kaharap lang ni Mama sa mesa.
Pinag-uusapan nila si Jese Ryl na bunsong anak nina Tito David at Tita Jhessa na tahimik lang din na kumakain at nakikinig lang din gaya ko. Napag-alaman naming kilalang Vlogger pala itong si Jese Ryl at may 6 Million Subscriber na siya sa YouTube.
"Joshua, Anya, ilang taon na nga pala itong panganay niyong si Jace Lester?" Tanong naman ni Tito David kina Mama.
Hindi man lang nag-angat ng tingin si Kuya nang marinig ang pangalan niya. Busy siya sa pagpindot-pindot sa cellphone niya siguro ay nagchachat sila ni Ate Cassidy.
"Kaka-18 palang niyan noong Biyernes." Sagot ni Mama na pinandilatan pa si Kuya dahil nagcecellphone ito habang kumakain. Kaagad namang ibinaba ni Kuya ang cellphone niya at kumain nalang.
"Talaga? 'Yan din 'yung araw na lumipat na kami rito." Ani Tita Jhessa.
Nag-usap lang nang nag-usap sila Mama kahit nung matapos kaming kumain na lahat ay sa sala naman silang matatanda nag-usap. At kaming mga anak nila ay nabobored na dahil wala kaming magawa kaya nagpaalam nalang ako kina Mama at Papa na uuwi na dahil may pasok pa kami bukas.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay padapa akong nahiga sa kama ko pero 'yung paa ko ay nasa uluhan ng kama at 'yung ulo ko ay nasa paahan. Ipinikit ko ang mga mata ko at nang dumilat ako ay hayun na naman siya, sa may balkonahe kasi nakaharap ang ulo ko eh, seryosong nakatingin siya sa cellphone niya. Matapos kasi kaming kumain kanina ay umakyat na siya sa kwarto niya.
Tinitigan ko lang siya doon hanggang sa di ko na namalayang dahan-dahan ko nang ipinikit ang mga mata ko habang ganoon pa rin ang posisyon ko.
Kinabukasan, nagising nalang ako dahil sa alarm na sinet ko kagabi sa cellphone ko. Pagkabangon ko napa-aray ako dahil ang sakit ng leeg ko gawa nung posisyon ko kagabi. Naligo na agad ako at nagbihis pagkatapos. Pagkababa ko galing sa kwarto ko ay kumakain na nang almusal sila Kuya Jace at ang triplets.
"Good morning, Ate." Bati sa'kin ni Kier nang makaupo ako sa gitna nila ni Kade.
"Ate, may audition pala ngayon sa Dance Club?" Tanong naman ni Kirk na kamakain ng pandesal.
Tumango ako. "Oo, kaya baka late na akong makauwi mamaya. Mauna nalang kayo pauwi."
Biglang nag-angat ng tingin sa'kin si Kuya Jace. "Hindi pwede, Seanne. Maghihintay kami hanggang sa matapos ang audition. Delikado kapag uuwi kang mag-isa mamaya."
Hindi nalang ako tumutol sa sinabi ni Kuya Jace lalo pa at may punto naman siya. Kumain nalang din ako at nagsipilyo pagkatapos tsaka kami nagbike papuntang EHS.
Nang makarating kami sa may gate palang papasok ay kabila-kanan na agad ang usapang paglipat raw ngayon ni Jese Ryl Ibasco at ang masungit nitong kapatid na si Dave Rangell Ibasco.
"Pinag-uusapan ata nila 'yung dalawang anak nang bestfriend ni Papa." Sabi ni Kier.
"Tingnan n'yo nga hindi na tayo napansin na pumasok, dati-rati eh pinagtitilian tayo pagpasok palang natin eh." Nakangusong ani ni Kirk.
Nagpaalam na muna ako sa mga kapatid kong dederitso muna ako sa Dance Club kasi may sasabihin si Ma'am Galvez about sa mangyayaring audition mamayang hapon. Nang makarating ako sa Dance Club ay sakto namang andun na si Ma'am Galvez.
"Mabuti at andito kana Roseanne," sabi ni Ma'am nang makita ako. "The reason kung bakit andito ako is about 'to sa President nang Dance Club na si Alliyah. Alam naman siguro nating lahat na malapit nang gumraduate si Alliyah rito sa EHS diba? Kaya noong isang araw ay napag-usapan naming aalis na siya nang Dance Club pero may papalit sa kanya bilang President nang Dance Club," Napatingin sa'kin si Ma'am Galvez. "Roseanne Barrinuevo, ikaw ang bagong itatalaga na Presidente nang Dance Club." Anunsyo ni Ma'am Galvez at parang nabingi pa ako sa sinabi niya ngayon-ngayon lang habang ang mga members ng Dance Club ay nagpalakpakan at kino-congratulate ako sa pagiging new President nang Dance Club.
Naglalakad na ako ngayon sa Hallway papuntang classroom namin at hindi pa rin ako makapaniwalang ako na ang President nang Dance Club. Never kong pinapangarap na maging President nang Dance Club, iyong makasali lang ako eh ayos na sa'kin.
Medyo malayo pa ako sa classroom namin pero natatanaw ko mula sa nilalakaran ko ang kumpol ng mga estudyanteng nasa labas ng classroom namin. Ang karamihan pa ay mga babae't bakla. Nakipagsiksikan ako papasok ng classroom namin dahil ayaw gumilid nung mga nagkokumpulan. Nang makapasok na ako eh kaagad akong naupo sa upuan ko na nasa kabilang bahagi katabi ang bintana na siyang nasa pinakahuli, presko kasi doon kaya doon ko napiling maupo.
"Swerte naman ni Roseanne noh?" Katabi niya sa upuan si Dave Rangell Ibasco." Rinig kong sabi nang isang kaklase ko na siyang ikinakunot ng noo ko. Nilingon ko ang katabi kong upuan na dati ay walang nakaupo ngunit ngayon ay mayroon na. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang lalaki sa katapat kong balkonahe iyon. Nakaheadphone siya habang may pinapanood sa cellphone niya. Sheyttttt... pa'no kami naging magkaklase nito?
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Ficção AdolescenteSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...