Dave Rangell's POV
After ko matapos ang kinakain ko ay nagpaalam na akong aakyat ng kwarto ko. Masyado kasi kaming Out Of Place sa pinag-uusapan nina Papa with their Highschool Bestfriends; Tito Joshua and Tita Anya Lyn. Hindi nila pinansin ang pagpapaalam ko kaya dumiretso nalang ako paakyat sa kwarto ko. Pagkarating ko sa kwarto ko ay tumambay ulit ako sa balkonahe ng kwarto ko where I can clearly see the bright stars and the Moon.
Wala sa sarili akong napatingin sa katapat kong balkonahe pero naalala kong andito pala siya sa bahay namin at tahimik na kumakain. Hindi ko alam kung anong nasa isip ko at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko and starting to search Roseanne's Name on Facebook and Instagram. Alam kong mukha akong stalker pero ewan at ginawa ko 'to, hindi naman ako ganito.
Active siya sa Facebook dahil marami siyang posts at karamihan sa mga iyon ay sa Dance Club. Dancer din pala siya. Interesting.
I was about to stop my stalking on her Facebook nang may mabasa ako. Ayon sa post eh may Audition bukas nang hapon sa EHS Court dahil naghahanap ng new members ang Dance Club kasi daw iyong ibang members ay gagraduate na and kailangan na muna nilang magfocus sa pag-aaral. At mas maganda daw if may mga lalaking auditionee dahil halos daw sumasali eh mga babae.
Napatingin ako sa balkonahe ni Roseanne and this time andun na siya. Nakapikit na ang mga mata niya at rito nakaharap ang mukha niya kaya malaya kong nakikita ang mahimbing niyang pagtulog pero bakit nakabaliktad siya nang higa parang ang uncomfortable nang posisyon niya. Baka magkastiffneck siya bukas niyan dahil sa posisyon niya.
Napailing nalang ako tsaka binuksan ang cellphone pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto ko at natulog na bothered sa posisyon ni Roseanne. Nakabukas pa naman kurtina niya baka lamigin siya mamayang madaling araw. Teka, bakit ba ako concern kay Roseanne? Hindi naman siguro ako... Hayst makatulog na nga lang may pasok pa ako bukas.
*
"Oh my ghad! Ang gwapo-gwapo niya super sa personal!"
"Di bale nang masungit siya bawi naman sa hitsura!"
"Gusto ko na ata siya! Ahuhuhu."
Kaliwa't kanang bulungan at tilian ang una naming narinig pagpasok palang namin sa Estellan High School. At naiirita ako sa ingay nila but I remain silent at pinanatili ang masungit kong ekspresyon. Habang ang kapatid ko na nasa tabi ko ay nakanguso dahil ako daw agad napansin pagpasok namin.
"Jese, anong floor ang section n'yo?" Tanong ko sa kapatid ko.
"Nasa second floor lang 'yun Kuya," sagot niya. "Pero kaya ko nang pumunta ron mag-isa Kuya, no need na para ihatid mo ako."
Tumango nalang ako sa kanya at nagpaalam na mauuna na. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang classroom ko dahil sinabi na sa akin kung saan at anong section iyon, pagpasok ko ay napatigil ang halos lahat ng andoon lalo na ang mga babae at bakla. Hindi ko nalang sila pinansin at naghanap nang upuan na mauupuan. Kinuha ko ang cellphone ko tsaka ang headphone ko para libangin na lamang ang aking sarili habang hindi pa nagkaklase.
Maya-maya lang ay may naramdaman akong umupo sa kaliwang upuan na katabi nang bintana. Tinignan ko kung sino iyon at medyo nagulat din ako nang makitang si Roseanne pala iyon na gulat na nakatingin sa'kin. So, we're classmates and seatmates?
Tinanggal ko ang headphone ko at magsasalita na sana nang may mauna sa'kin.
"Everyone, punta na daw tayo sa baba dahil magfaflag ceremony na!" Anunsyo niya tsaka lumabas.
Nang tumayo si Roseanne ay tumayo na rin ako at sumunod sa kanya pababa. Wala naman sigurong masama doon diba? Nakipila ako sa section namin at iyong ibang lalaki ay nakatingin sa'kin na puno nang pagtataka siguro ay iniisip nila kung bakit ako nakikipila sa section nila.
"Guys, 'wag niyong tingnan ng ganyan ang bago nating kaklase. Let's welcome him to our section," Sabi nang isang lalaking kakarating palang dahil nasa likod pa niya ang bag niya. Lumapit siya sa'kin na nakangiti at inilahad ang mga kamay sa'kin tsaka nagpakilala, "Hello. I'm Reeve Sebastian Vallejo the class President of our section. And you are?"
Tinanggap ko naman ang pakikipagkamay niya sa'kin, "Dave Rangell Ibasco and thank you for welcoming me."
Nagsimula na ang flag ceremony kaya tumigil na kami sa pag-uusap ni Reeve. Nasa may harapan ko siya nakapila pero dahil makasingtangkad lang kami ay kami ang nasa pinakalikod. By height daw kasi dapat ang pila eh.
"Good morning students!" Panimula nang anunsyo ng isang Teacher sa harapan. "Alam naman siguro ninyong may audition tayo mamaya sa Dance Club diba? Pero bago iyon mamaya gusto ko munang ianunsyo na dahil malapit nang gumraduate ang President nang Dance Club na si Alliyah ay napag-usapan namin noong isang araw na may papalit sa kanya bilang Presidente nang Dance Club sumang-ayon naman ang Vise Presidente sa desisyon namin kaya naman palakpakan natin ang bagong Presidente nang Dance Club... si Roseanne Barrinuevo!"
Nagpalakpakan ang lahat at may iilan pang sumigaw.
"Whoo! Ate ko 'yan!" Familiar sa'kin ang boses na iyon. Siguro ay isa sa triplets niyang kapatid iyon.
Nang matapos ang flag ceremony ay kanya-kanya nang punta ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom.
"Good morning students!" Bati samin nang adviser namin na tinawag ni Reeve na Ma'am Lopez. "Siya nga pala, may bago kayong kaklase," Napatingin siya sa'kin. "Mr. Ibasco, please introduce yourself to the class."
Tumayo naman ako at nagpakilala sa kanila. "Good Morning. I'm Dave Rangell Ibasco. 17."
Iyon lang at naupo na ako. Nagsimula na ang klase at nakinig naman ako matapos ang dalawang subject ay recess na pero hindi ako pumunta sa canteen o kumain man lang dahil hindi pa naman ako nagugutom.
Nagsimula na ang last subject ngayong umaga before maglunch break. Nag discuss lang din 'yung huling teacher kaya nakinig lang ulit ako. Nang magpaalam ang teacher ay kanya-kanya nang labas ang ilan.
"Rangell, sa canteen ka maglalunch?" Rinig kong tanong ni Reeve sa'kin. Magkatabi lang kasi kami nang upuan medyo nagulat pa nga kami eh.
Tinanguan ko lang siya.
"Sabay na tayo. Kung okay lang sayo?" Aniya.
Wala namang kaso iyon sa'kin kaya um-oo ako sa kanya. Paglabas namin sa classroom ay napahinto ako nang makitang kasama nang mga kapatid ni Roseanne ang kapatid ko. Bakit magkakasama ang mga 'to?
"Hi Kuya!" Bati pa sa'kin ni Jese.
Kinunotan ko siya nang noo. "Bakit magkakasama kayo?"
"Ahm, magkaklase kami kasi nang KM Triplets Kuya. Sila lang naman kilala ko rito kaya sumama ako sa kanila para sunduin si Ate Seanne. Magkaklase pala kayo Kuya?" Aniya at tumango naman ako. "Cool! Sumabay kana rin kaya samin maglunch?"
Tatanggi na sana ako nang magpuppy eyes sa'kin si Jese Ryl. Kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang pati si Reeve ay inaya din nila na gaya ko ay hindi din nakatanggi dahil pinsan pala niya iyong isang babaeng kasama nila Jese Ryl na girlfriend pala ni Jace Lester.
*
VOTE , COMMENT, FOLLOW for updates!happy new year!❤️
BINABASA MO ANG
That Guy On The Balcony | COMPLETED
Teen FictionSi Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at napakagaling din, kaya naman napabilang siya sa Dance Club ng kanilang paaralan. Kilala rin siya bila...