Chapter 33

151 4 0
                                    

Dave Rangell's POV

Naglalakad lang kami at nakasunod kina Roseanne na siyang mas nauna samin sa paglalakad kausap ang mga kaibigan niya. Napaka ingay nga nila eh habang naglalakad sa kung saan nila kami dadalhin. Sina Jese Ryl at 'yung triplets ay nagvivideo dahil balak daw ishare ni Jese ang first experience niyang makapunta sa isang probinsya gaya nitong Archalente. Yes, this is the first time na nakapunta kami sa isang probinsya and compare sa Estellan ang sarap nang simoy nang hangin nakapa presko at sarap langhapin, ang mga naglalakihang bundok naman ay matatanaw mo lang kahit saan dahil sa taas ng mga iyon. I'm glad that Tita Anya and Tito Joshua invited us here.

“Seanne Seanne, di ba at magaling kang sumayaw? May Dance Contest sa munisipyo ngayong miyerkules, pwedeng solo ka lang o kaya ay duo kayo kahit pa grupo kayo pwedeng pwede! 10,000 'yung prize sa mananalo, 5,000 naman sa 1st, 3,000 sa 2nd, at 1,000 sa 3rd.” Rinig kong sabi nung isang kaibigan ni Roseanne na si Carri. Nasa likuran lang kasi nila ako katabi si Kade na nagkaharap sa cellphone ni Jese Ryl na nag vivideo.

“Talaga? Sige ba! Ang laki nang prize sa mananalo.” Ramdam ko ang excitement sa boses ni Roseanne.

“Mukhang may mananalo na sa Dance Contest! Hahaha!” Tawa pa nung si Mikkey tsaka hinampas sa braso si Roseanne. “Kapag nanalo ka ah, hatian mo naman kami! 'Wag mong solohin prize mo!”

Narinig ko ring tumawa si Roseanne. I rarely see her laughing like this.

“Pa'no kung hindi ako manalo? Anong ihahati ko sa inyo?” Aniya pa.

Sumagot naman iyong Lianna. “Kagandahan! Gags, kanina pa nakatingin sa'yo si Kuyang Rangell! Tangeks ka, kaya pala ayaw mong ireto samin huh...”

Napatingin tuloy sa'kin si Roseanne at kaagad naman akong umiwas nang tingin. Shit!

“Tumahimik na nga kayo! Masungit pa naman 'yan, mamaya magsungit 'yan hala kayo.” Ani Roseanne at napatingin ulit ako sa kanila. They we're whispering something and I can't hear it.

“Kuya, hi ka naman.” Napatingin ako sa cellphone ni Jese Ryl na nakatutok na sa'kin.

I smiled a little and wave a little before saying, “Hi.”

Gulat siyang napatingin sa'kin. Yeah, this is the first time na bumati ako sa vlog niya palagi kasi akong nagsusungit kapag gusto niyang mag hi man lang ako sa vlog niya.

“Owemji! Kuya ba talaga kita? Sinapian ka ba? Nasaan si Kuya kong masungit at suplado?” Natatawang aniya na may hindi makapaniwalang tono.

I glare at her.

“Ay haha! Okay, my Kuya is in a good mood! Let's not ruin it.” Aniya sa vlog niya at inialis na sa'kin ang pagkakatuon ng cellphone niya.

Halos ilang minuto din kaming palakad lakad sa may gilid nang kalsada nang mapahinto sina Roseanne sa isang basketball court dahil may lalaking tumawag sa kanila. Napatingin ako doon sa lalaking papalapit na samin and he's smiling widely at three girls but his eyes is on Roseanne who's also now smiles. She know this guy?

“Ganda nang ngiti na'tin Geo ah? Nakita na rin sa wakas ulit si long time crush?” sabi ni Mikkey na may halong panunukso.

Napakamot sa batok ang tinawag niyang si Geo. He's sweating so much and his jersey is already wet. Tsk. Mukha siyang naligo sa ulan sa itsura niya.

“Binuking mo na ako kay Roseanne, Mikkey. Nahihiya na tuloy ako,” Aniya pero nakangiti pa rin kay Roseanne. Tsk. Nahihiya pa siya sa lagay na 'yan? Parang hindi naman.

“Are we going to stay here for long? I'm starving,” Singit ko sa kanila with my emotionless face. Baka mapahaba pa usapan nila, nananakit mga paa ko kakalakad kanina pa.

Napalingon sila sa'kin. Halata ang taka sa mukha nung Geo nang makita ako sa likod ni Roseanne. What is he looking at?

“Sino 'yan? Pinsan mo Roseanne?” Aniya kay Roseanne.

Naiinis na ako. Kanina pinag kamalan akong pinsan ni Roseanne nina Mikkey ngayon naman nitong Geo. Mukha ba kaming pinsan ni Roseanne?!

Roseanne saw how my jaw tightened sa sinabi ni Geo. Siya na ang sumagot sa tanong nung lalaki.

“Hindi ko siya pinsan. Anak siya nang best friend ni Papa at kasama namin sila dito para magbakasyon,” Sagot ni Roseanne.

“Psh. Anak lang pala nang best friend ni Uncle Joshua kala mo naman kung sinong maangas,” Rinig kong bulong niya and my jaw tightened even more.

Naramdaman kong hinawakan ni Jese Ryl ang isa kong braso tsaka bumulong.

“Kuya, kalma lang. Don't make a scene here,” Bulong niya.

Pumagitna naman si Kade.

“Kuya Geo, mauuna na po kami. Ginugutom na po sila eh, kita kits nalang po Kuya.” Sabi ni Kade at hinila si Roseanne paalis kasama 'yung sina Mikkey na ngayon ay nagbubulungan na.

“Sabi ko na eh may something kay Seanne Seanne at ni Kuya Rangell eh,” Rinig kong sabi nung Lianna.

“Ramdam niyo 'yung atmosphere? Parang may magaganap na world war 3!” Sabi naman ni Carri.

“Seloso pala kapatid ni Miss Jese Ryl parang gusto ko din tuloy,” sabi pa ni Mikkey.

Hindi ko na narinig pa ang pinagbubulungan nila dahil nagmamadali na akong maglakad. Hindi pa rin nawawala ang inis ko sa Geo'ng iyon. Ewan pero hindi ko nagustuhan ang sinabing iyon ni Geo kanina, he reminds me of Liam.

“Dave Rangell,” Napalingon ako kay Roseanne na ngayon ay nasa tabi ko na at pinapantayan ang mabilis kong paglalakad. “Pasensya kana dun kay Geo. Ganun talaga 'yun. Pasensya na.”

“You don't need to say sorry. At kung may mag sorry man dapat siya 'yun at hindi ikaw, Roseanne.” Malamig kong sabi tsaka siya nilampasan.

Gusto ko si Roseanne and I'm not gonna deny it. Alam kong wala akong karapatang magselos pero hindi ko maiwasan eh and yes seloso ako. And when I'm jealous, I can't control my self of doing something.

Tumatakbong sinundan ako ni Roseanne at hinarangan ang lalakaran ko gamit ang naka buka niyang mga braso.

“Sa Miyerkules, Dave Rangell. Sumali tayo sa Dance Contest may sasabihin ako sayo.” Seryosong aniya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

*
VOTE, COMMENT, FOLLOW!

That Guy On The Balcony | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon