IYA POV'S
Sa mundo na ating ginagalawan, napakaraming mga bagay ang hindi natin inaasahang mangyayari. Ito'y mga pangyayari na hindi natin inakala na posible, mga sitwasyon na hindi natin inisip na ating mararanasan. Sa bawat araw, may mga bagong karanasan at mga bagong aral na ating natututunan mula sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Ganito rin sa mga tao na ating nakikilala. May mga tao na bigla na lang darating sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Maaaring sila ay magdudulot ng saya, lungkot, pag-asa, o kahit na anong damdamin. Ang mga taong ito ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa ating buhay. Sila ay maaaring maging parte ng ating mga karanasan, ng ating mga alaala, at ng ating mga aral sa buhay.
Ang mundo ay puno ng mga hindi inaasahang pangyayari at mga tao na bigla na lang darating sa ating buhay. Ang mahalaga ay kung paano natin haharapin at tatanggapin ang mga ito. Ang mahalaga ay kung paano natin gagamitin ang mga karanasan at aral na ito upang maging mas mabuting tao at maging mas matatag sa harap ng mga hamon ng buhay.
Kasalukuyan akong naririto ngayon sa aming mall upang mamili ng mga school supplies na gagamitin ko bukas. Naubos na kasi ang mga papel at bond paper na meron ako sa bahay dahil sa daming school works na aking ginawa.
Kumuha ako ng tatlong ream ng bondpaper at sampung pad ng yellow paper bago iyon inilagay sa push cart na hawak ko.
Itinulak ko iyon hanggang sa makarating ako sa mga notebook area.
Kukuha na sana ako ng thick leather notebook na kulay pink na may kasamang ballpen nang biglang may kumuha ng bagay na iyon.
Agad na nag-init ang ulo ko dahil wala ng ibang color pink na notebook ang kagaya ng kanina na naroroon.
Bakit naubos agad?
Di'ba dapat ay maraming nakalagay dito dahil iyon ang kailangan ngayon ng mga estudyante?
Irereport ko ito kay mommy!
Mabilis kong hinanap ang kumuha ng notebook pero pagharap ko ay biglang nag-iba ang emosyon ko. Ang kaninang inis ay napalitan ng saya dahil sa lalaking bumungad sa akin.
Si Kyler!
Anong ginagawa niya rito?
"Ang cute nito ah!" Nakangiting ani niya habang nakatingin sa notebook na inagaw niya kanina.
"That's supposed to be mine." Masungit na saad ko sa kanya pero sa loob-loob ko ay sobrang saya ko dahil kasama ko siya ngayon.
I bit my lower lip to hide my smile.
Araw-araw ko naman siyang kasama sa school pero iba parin na kasama ko siya ngayong Sunday. Feeling ko talaga ay umaapaw ang saya ko.
Tss. Sana hindi niya mahalata, hehe.
"Hindi ko naman inaagaw, tinitingnan ko lang." Saad niya at bahagyang ginulo ang buhok ko.
Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya't kinuha ko ang notebook at inilagay iyon sa push cart ko.
"Ano nga palang ginagawa mo rito?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Mamimili rin ako ng mga school supplies e... Tamang-tama lang pala ang punta ko ngayon dito dahil nandidito ka,"
Putek!
Simpleng salita lang pero nakakakilig na! Kyler naman e!
Baka gusto mo na ring bilhin ang puso ko.
Whaaaa!
"Makakadiscount ako. May discount kapag kaibigan di'ba?" Ani niya at siniko pa ako na para bang sinasabi niya na siguradong may discount nga siyang matatanggap mamaya.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
Любовные романыUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...