CHAPTER 20: BEGUN WITH A FIGHT

123 62 21
                                    

SKYLER POV'S

"Ano bang gusto mong sabihin?" Pagtatanong ko kay Cliere.

Kasama ko siya ngayon dito sa isang restaurant dahil pinilit niya akong sumama sa kanya dahil may dapat daw siyang sabihin.

Bakit hindi na lang niya sinabi kanina?

Bakit kailangan pa kaming magpunta dito sa restaurant?

"Kumain muna tayo." Saad niya habang inaayos ang mga pagkain na inorder niya kanina.

"Sabihin mo na lang kung anong gusto mong sabihin." Naiinis na saad ko.

Sa halip na magsalita siya ay nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"This is your favorite, di'ba?" Nakangiting tanong niya.

Dahil sa sinabi niya ay naalala ko na naman yung nakaraan na pilit ko nang kinakalimutan.

"Iba na 'yung paborito ko." Walang ganang saad ko.

Napatigil naman siya sa pagkain at malungkot na tumingin sa akin.

"Kailangan mong kumain Skyler, nakita kita kanina sa cafeteria, hindi ka umorder ng kahit anong pagkain. Kahit tubig ay hindi ka bumili, umupo ka lang dun hanggang sa matapos 'yung kaibigan natin."

"Ex best friend." May diing saad ko.

Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko.

"Ok, ok. Ex best friend! Kumain ka na!"

"No. Ayoko. I have to go. May gagawin pa ako." Saad ko at tumayo na ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Skyler, Don't leave me... Please." Nagmamakaawang saad niya.

Napatitig ako sa mga mata niya.

Bakit niya ginagawa ito?

Totoo bang nag-aalala parin siya sa akin o gusto niya lang na kalimutan ko na 'yung nakaraan sa'min?

"Please Skyler... Kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ako." Saad niya ngunit mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko.

"Stop na, Cliere! Huwag kang magkunwaring walang nangyari noon!" Ang mga salitang iyon ay parang mga tinik na tumagos sa kanyang puso, na nagpabitiw sa kanyang kamay sa aking hawak.

Naramdaman ko ang biglaang paglambot ng kanyang hawak, isang patunay na hindi niya inaasahan ang aking mga sinabi.

"Isa pa, hindi na ako ang taong kilala mo noon." Ito ang aking sinambit na may kasamang matapang na tono, na parang isang malalim na dagundong na nag-echo sa buong lugar.

Hindi na ako ang dating ako, at sa puntong ito ng aking buhay, kailangan niyang malaman iyon. At sa mga huling sandali ko sa restaurant na iyon, tiningnan ko siya sa huling pagkakataon bago ako tuluyang lumabas.

Hindi ko maikakaila na ang mga salitang iyon ay nagdulot ng sakit sa aking puso, lalo na at babae siya.

Ang bawat salita ay parang mga tinik na unti-unting tumutusok sa aking damdamin. Ngunit umaasa ako na sana ay mauunawaan niya ang sitwasyon ko.

Sa kabila ng lahat, ang mga nangyari noon ay hindi na maaaring baguhin at ang tanging magagawa ko na lang ay harapin ang kasalukuyan.

Sa bawat hakbang palayo ko sa kanya, ramdam ko ang bigat ng aking mga paa, pero alam kong kailangan kong magpatuloy.

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now