CHAPTER 29: HANDWRITING

112 56 5
                                    

KINABUKASAN

Around 9:00 in the morning na ako nagising at nararamdaman ko pa rin ang pagod at may ilang masasakit akong nararamdaman sa parteng likod ko.

"Aray!" Daing ko ng igalaw ko ang aking katawan para bumangon. Kahit sumasakit ay pinilit ko pa ring makatayo para mag almusal.

"Ate! May balita na ba sa kotse mo?" Nag-aalalang tanong ni Emman habang kumakain ng tinapay.

"Wala pa." Maikling sagot ko at naupo sa upuan na nasa tabi niya.

"Anong nangyari d'yan sa kamay mo?" Pagtatanong ni Emman ng mapansin na may sterile bandage ang kamay ko. Lumapit pa ito at pinagmasdang mabuti at kamay ko. "Sinapok mo noh?" Saad niya na ang tinutukoy ay 'yung mga lalaking hinabol ko.

Sinapok- sinuntok

Tumango ako. "Kakaiyamot sila e. Kapag nalaman ko lang talaga kung sinong nag-utos sa kanila ay bugbog ang aabutin niya sa akin." Naiinis na saad ko.

"Sige lang ate. Kung gusto mo ay samahan pa kita sa pagbugbog e."

"Sasamahan mo ako?"

"Oo ate para naman may taga cheer sa'yo." Napailing na lang ako sa naging sagot niya.

Tss, akala ko naman ay tutulungan niya ako sa pagbugbog.

"Mamaya na po ulit kayo mag-usap tungkol sa bugbugan na iyan." Lumapit sa amin si manang. "Magkakape kayo ma'am?" Tanong nito sa akin.

"Sige po." nakangiting sagot ko at saka umalis si manang para magtimpla ng kape.

"Nacheck na ba nila ang cctv ate? Kahapon kasi bago ako umuwi ay ayos pa naman ang kotse mo doon." Saad ni Emman, busy na ito ngayon sa cellphone niya pero naiisingit parin ang pakikipagkwentuhan.

"Dapat kasi ay ginamit mo na ang kotse nung umuwi ka! Kung saan-saan ka na naman nakisakay!" Reklamo ko sa kanya.

"Aba, e mapagalitan mo pa ako. At saka ikaw kaya 'yung nagdala ng kotse kaya ikaw ang mag-uwi! Tsk!"

"E kanino ka nakisakay?"

"Sa kotse nina Yesha hehe." Nahihiyang tugon nito.

Kay Yesha pala. Iba ang pakiramdam ko sa batang iyon.

"Yown! Hindi ka na talaga nahiya eh!" Saad ko at binatukan si Emman.

"Tama na ang asaran niyo ma'am." Masayang saad ni manang at inilapag na sa lamesa ang kape ko.

"May niluto rin po akong sopas, gusto niyo po---"

"Opo, opo." Masayang saad ko at hindi na pinatapos ang sinabi niya.

"Ikaw po sir?" Tanong nito kay Emman.

Umiling-iling naman si Emman bilang sagot nito habang nahigop ng kape. Agad namang nagtungo si manang sa kusina.

---

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong dumiretso sa kwarto para maligo.

"Ate! Pupunta ka ba sa hospital?" Pagtatanong ni Emman habang nasa labas siya ng kwarto ko.

"Hindi ko alam." Sagot ko habang nagsusuklay.

Medyo masakit parin kasi ang katawan ko dahil sa nangyari kahapon.

"Bakit hindi mo alam? Dapat alam mo! At saka dapat pumunta tayo!"

"Tsk, nagtanong ka pa." Bahagya naman siyang napatawa.

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now