Makalipas ang ilang oras ay napapansin ko na patingin-tingin si Kyler sa snacks na kinakain ko kaya't sinubuan ko na ito.
"Masarap ba?" Pagtatanong ko sa kanya.
Tumango naman ito muling ibinuka ang kanyang bibig.
"Can you feed me again?" Malumanay na pagtatanong niya.
"Abusado ka na ah!"
"Hirap kayang magdrive habang gusto mong kumain."
"Tsk. Pwede mo naman gamitin ang kanang kamay mo para kumain." Reklamo ko sa kanya.
"Pwede mo rin pong gamitin ang kanang kamay mo para subuan ako." Natatawang saad niya at dahil mapilit siya ay sinubuan ko na ito.
"M-masyadong marami Iya." Nauubo niyang saad.
Kumuha naman ako ng tissue at pinunasan ang pang ibabang labi niya.
"Sorry na po." Natatawa kong saad.
"It's ok, as long as i make you happy." Seryosong saad niya.
Bigla naman siyang nagseryoso ng reaction.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya at tumingin na lamang sa daan.
Sa paglipas ng mga oras, nagsimula kong maramdaman ang unti-unting pagbaba ng temperatura - isang malinaw na indikasyon na malapit na kami sa aming destinasyon, ang Tagaytay. Ang kaibahan ng klima dito ay hindi maikakaila, at agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin na dala ng lugar.
Sa aking pagmamasid sa daan, hindi ko maiwasang mapansin ang nakabibighaning tanawin na dala ng Taal Volcano. Sa aking pagkakatitig, hindi ko maiwasang maantig sa ganda nito - isang tanawin na hindi ko malilimutan. Ang kanyang kalakhan ay bumabalot sa buong paligid, at ang kanyang kapayapaan ay nagbibigay ng kakaibang kagandahan na hindi ko maipaliwanag.
Sa aking pag-iisip, hindi ko maiwasang magtanong - mas maganda kaya ito kung malapitan ko itong makikita? Mas mabibighani kaya ako sa kanyang kagandahan kung malapitan ko itong masisilayan? Sa mga oras na ito, nagnanais akong malaman ang sagot.
"We're here." Masayang announced ni Kyler habang nakaturo.
Bigla akong kinabahan ng makita kung saang direksyon siya nakaturo.
Ferris wheel!
What the hell?
Sobrang ganda at napakalaki niya. Makulay rin ito at sigurado akong may igaganda pa ito mamayang gabi.
Grabe!
"Iya, pwede ka bang bumaba muna? Ipapark ko lang ito saglit."
"S-sige." Hindi parin mawala sa akin ang dulot ng kaba.
Bakit niya ako dinala dito?
Matagal na kaming magkaibigan ah!
Hindi ba niya alam na mabilis akong mahilo at takot na takot akong sumakay sa mga rides?
Shit!
Ito na yata ang katapusan ko!
"Iya!" Pagtawag sa akin ni Kyler habang lumalapit ito sa akin at hindi ko napansin na nakakuha na pala siya ng ticket para makapasok kami sa loob.
Nang makalapit siya ay agad kong hinampas ang balikat niya.
"Ansama ng ugali mo? Kinalimutan mo na talaga ako." Nagdadramang saad ko upang sa ganoon ay mawala ang kaba ko at matagalan kami bago makapasok sa loob.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...