Itatago ko na sana ang cellphone ko ng muli akong makareceived ng call from unknown number.
Paniguradong hindi ito si Kyler dahil ibang number ito.
Sinagot ko ito at lubos akong nagtaka sa unang salitang sinabi nito. Paano naman niya kaya nakuha ang number ko? Tsk!
"Evol." Iyon agad ang unang salitang narinig ko ng sagutin ko ang tawag niya.
Tss. Kilala ko na agad!
"Radish?"
"Yeah, that's me. Ang pinakagwapong evol mo."
"Hoy, tigil-tigilan mo ako sa paganyan-ganyan mo! Paano mo nakuha ang number ko?"
"Simple lang, nung inabot mo sa akin kanina 'yung phone mo."
"Hindi ko ito inabot sayo noh!"
"Evol naman, ang bilis mong makalimot ah. Di'ba, ibinigay mo sa akin 'yung cellphone mo dahil sabi ko wala akong load at kailangan kong tawagan si tatay." Napaisip ako sa sinabi niya at muling binalikan ang nangyari kanina. Inabot ko nga pala sa kanya.
FLASHBACK
Kinuha ko ang cellphone ko at ibinigay sa kanya.
"Gamitin mo muna ito." Saad ko.
Pinilit ko pa siyang kunin iyon pero maya-maya lang ay kinuha niya na iyon at nagpunta sa isang tabi para makatawag.
***
"So, ako talaga ang iyong tinawagan at hindi ang iyong tatay?" Tanong ko sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig.
"Hehe sorry na talaga." Sagot niya, ang kanyang tawa ay halatang nagpapahiwatig ng kanyang kasiyahan sa kanyang ginawa.
"Napansin ko nga, mabilis na dumating ang kotse kanina." Wika ko, habang sinusuri ang kaniyang sasabihin para sa anumang tanda ng pagsisisi.
"Hehe, ganyan talaga. Alam mo naman na hindi mo ibibigay ang iyong number sa akin kung hihilingin ko, di'ba?" Tanong niya, ang kanyang mga mata ay naglalaro sa kasiyahan.
Napakabilis niyang mag-isip at tama ang kanyang sinabi. Alam ko na hindi ko talaga ibibigay ang aking numero sa kanya, dahil alam ko na hindi siya titigil sa pagtawag sa akin. Ngunit, hindi ko inaasahan na kukunin niya ang aking number nang hindi ako nagbibigay ng pahintulot. Ang kanyang gilas at determinasyon ay nagdulot ng pagkabigla sa akin. Sa kabila ng aking pagtutol, nakuha niya ang aking numero at ginamit ito sa kanyang kagustuhan. Sa kabila ng aking pagkabigla, hindi ko maiwasan na humanga sa kanyang tapang at determinasyon.
"Hyst! Kumain ka na ba?" Pag-iiba ko ng usapan.
Medyo nagulat pa ako sa sinabi ko dahil hindi naman ako mahilig magtanong ng ganoong bagay, wala naman akong pakialam sa kalusugan ng iba, pero anong nangyari Iya?
"Not yet evol. Katatapos ko lang maglaba kanina eh then i tried to call you so many many many times pero may kausap ka yata." He said it sadly.
"Si Kyler 'yun, nangangamusta lang then nagkwentuhan kami about sa gagawin nating commercial, tapos may kailangan pa daw siyang puntahan kaya tinapos na namin ang pag-uusap." Saad ko.
Bakit ka nagpapaliwanag, Iya? Jusko!
"Ah, kaya pala."
"Sorry." Nabigla ako sa sinabi ko.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...